^

PSN Showbiz

Kaya nga hula eh, kasi di eksakto

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Dalawang manghuhula na ang nagsasabi sa amin na ang magiging anak ng megastar na si Sharon Cuneta ay lalaki. Pero sabi nga namin, yan ay hula lamang. Maraming mga bagay na nakaka-apekto sa isang hula. Kaya nga hula eh, kasi hindi eksakto. Maaaring natatangay lamang sila ng malakas na vibrations dahil talagang lalaki naman ang gustong maging anak ni Sharon.

Kaya namin sinabi yang ganyan, kasi minsan ay pinansin kami ng isang kaibigan naming obispong Katoliko, na nagsabing nabasa niya ang aming column dito sa Pilipino Star at mukha raw naniniwala pa kami sa hula. Kaya ngayon, nililinaw namin na yang hula ay hula lang at hindi dapat na panghawakan talaga. Dapat umaasa tayo sa Diyos lang. Akalain ba naman naming pati mga pari nagbabasa sa atin dito sa showbiz.

Yung dalawang manghuhulang sinasabi namin ay sina Danny Cinco at Madame X. Ang sabi ni Danny, mukha raw nakalinya na sa kapalaran ni Sharon ngayon ang pagkakaroon ng anak na lalaki, at swerte nga raw ang kanyang pagbubuntis dahil inabot ng transition ng planetang Venus. Hindi ba isang astronomical phenomenon yan na inabangan ng marami sa kalangitan noong isang araw, kaya nga lang maulap.Sabi naman ni Madame X, maganda ang pagbubuntis ngayon ni Sharon kasi relaxed siya at wala siyang masyadong inaalala, hindi kagaya noong nakaraan niyang pagbubuntis na mayroon siyang emotional stress dahil may sakit nga noon, hanggang sa tuluyan pang namatay ang father niya. Mahirap nga naman para sa isang babaing buntis yong may ganoon kang alalahanin.

Pero anuman ang sabihin nila, masaya naman kami at positibo ang hula nila sa pagbubuntis ng megastar.
* * *
Sa totoo lang, nalungkot kami sa aming nakita noong nakaraang linggo sa mga malls. Ang mga pelikulang Ingles ay may tatlo o apat na sinehan pa kung minsan, at doon nakapila ang napakaraming tao. Talagang hit ang lahat ng mga pelikulang Ingles sa loob nang mahigit na isang buwan na. Tapos iisang sinehan lang ang naglalabas ng nag-iisang pelikulang Pilipino, wala pang pila.

Nakakalungkot yan para sa mga Pilipino, pero hindi mo masisi ang audience. Alam nila na magaganda ang mga pelikulang Ingles at ginastusan nang malaking halaga. Nagmula yon sa mga kilalang kumpanya ng pelikula.Kung baga, bukod sa sikat ang mga artista, mahuhusay ang direktor. Eh ang mga pelikulang Pilipino kahit sino na lang ang nagdidirek. Papaanong magtitiwala ang audience sa hindi nila kilala?
* * *
Gusto naming humingi ng paumanhin sa inyong lahat. Nagyayabang pa naman kami na ang mga nagbabasa ng aming column sa Pilipino Star ay natutulungan ng ermat at kapatid ni Smokey Manaloto kung gustong maging caregiver sa Canada, tapos mali pala ang naibigay naming telephone number kung saan sila mako-contact. City jail daw ang sumasagot. Gusto naming ituwid yon ngayon. Ang opisina nila ay Manila-Canada Consultants. Kung umaga matatawagan sila sa 7263110. Kung hapon naman ay sa 7234514. Yung opisina nila ay naroroon sa Immaculate Conception Building sa tapat lamang ng cathedral sa Lantana at New York Street sa Cubao. Sorry po mali kami.

DANNY CINCO

HULA

IMMACULATE CONCEPTION BUILDING

KAYA

MADAME X

MANILA-CANADA CONSULTANTS

PILIPINO

PILIPINO STAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with