^

PSN Showbiz

Hindi stage mom ang nanay ni Jennylyn

RATED A - Aster Amoyo -
Parehong ultimate survivor ng StarStruck sina Mark Herras at Jennylyn Mercado pero sa dalawa, si Jennylyn pa lamang ang nabibigyan ng break sa recording ng GMA Records.

Nung nakaraang Huwebes (June 10) ng tanghali ay nagkaroon ng album launching sa Hard Rock Cafe sa Makati si Jennylyn na pinamagatang Living The Dream kung saan ang awiting "Kahit Sandali" ang carrier single. Sa halip na si Mark Herras, si Janno Gibbs ang kanyang guest artist sa kanyang debut album sa awiting pinamagatang "If I’m Not In Love." Marami nga ang nanghinayang na hindi naisip ng GMA Records na gawing guest si Mark sa album ni Jennylyn, to think na silang dalawa ang bini-build up ngayon ng GMA bilang loveteam. Sabagay, simula pa lamang naman ito sa ilang album na gagawin ni Jennylyn at pwede pa rin namang mag-guest si Mark sa kanyang susunod na album.

Sa totoo lang, napaka-swerte ni Jennylyn dahil sa dinami-dami ng mga artists ng GMA ay siya lamang ang nabigyan ng ganitong kalaking break. Pangalawang artist bale si Jennylyn ng GMA Records at ang isa pa ay si Jolina Magdangal.

Isa si Jennylyn ngayon sa pinakamainit among the young stars. Naging instant star siya magmula nang siya’y mapasali sa StarStruck hanggang sa maging ultimate survivor siya.

Speaking of Jennylyn, mapupuri namin ang ina nito dahil kahit hindi niya gaanong kakilala pa ang mga entertainment writers na dumalo sa album launch ng kanyang anak ay isa-isa niya itong pinasalamatan. Sana lamang ay hindi siya maging stage mother tulad ng ibang ina ng mga young stars na mas star pang umasta kesa kanilang mga anak.
* * *
Patuloy ang biyayang dumarating sa komedyante at recording star na ngayong si Bayani Agbayani dahil sa kabila ng kanyang tagumpay ay hindi ito nagbabago lalung-lalo na sa kanyang pakikitungo sa kanyang mga tagahanga at mga taong sumusuporta sa kanya. Ang maganda pa kay Bayani, isa itong mapagmahal na asawa, ama, anak at kapatid. Hindi rin siya nagpapabaya ng tulong sa kanyang ina at mga kapatid dahil siya naman ang nakakaungos sa buhay ngayon.

Aminado si Bayani na malaki ang naitulong sa kanya ng pagiging malaking hit ng awiting "Otso-Otso" na isa na ngayong national anthem hindi lamang sa mga kabataan kundi maging sa matatanda. Ang nasabing awitin din ang nagdala kay Bayani sa maraming lugar hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Since kasama ng kanyang tagumpay ang mga intriga, hindi nito ikinakaila na tulad din siya ng iba na nagiging biktima ng mga mapanirang intriga. Pero dahil malinis ang kanyang konsensya, ayaw na lamang niya itong bigyang pansin pero aminado siya na nasasaktan din siya lalo na ang kanyang pamilya.

"For as long as wala akong inaagrabyadong ibang tao, wala akong dapat pangilagan. Ang pinagbubutihan ko ay ang aking trabaho at inaalagaan ko ang mga blessings na ibinibigay sa akin ng nasa Itaas," pahayag ni Bayani.
* * *
Kung marami sa ating mga artista ang walang movie assignment sa taong ito, kakaiba naman ang young superstar na si Judy Ann Santos dahil sunud-sunod ang kanyang movie projects ngayon. Kapapalabas pa lamang ng I Will Survive at showing naman sa buwang ito ang Sabel na siyang official entry ng Regal sa Manila Film Festival. Siya rin ang pangunahing bituin sa pelikulang Aishite Imasu 1941 na siyang nakatakdang ilahok ng Regal sa Metro Manila Film Festival sa buwan ng Disyembre. May gagawin din siyang pelikula sa Viva na pagsasamahan nila nina Aga Muhlach at Regine Velasquez.

"I’m so blessed," bulalas niya sa presscon ng Sabel na siyang pinaka-daring movie na kanyang ginawa.

Very proud din si Juday dahil magmula nang makatrabaho niya ang award-winning director na si Joel Lamangan sa Magkapatid ay sunud-sunod na ang kanilang pagsasama sa pelikula.

Nangako mismo si Direk Joel na malaki ang chance ni Juday na mabingwit ang best actress trophy sa MMF.

"Si Vilma ang ultimate goal kong maidirek," asam pa nito.
* * *
Tiyak na kaabang-abang ang episode ngayong gabi ng Sabado ng Celebrity Turns dahil guest ngayong gabi ang controversial talent manager at TV host na si Lolit Solis kasama ang Fayatolla ng Startalk na si Pepita Smith. Bukod kay Manay Lolit, special guests din sina Randy Santiago, Toni Gonzaga, Gladys Guevarra, Marissa Sanchez at Giselle Sanchez. Guest din ang dating tourism secretary at ngayon ay senator-elect na si Dick Gordon ganoon din ang mahuhusay na recording artist na sina Malik, Luke Mejares at Nyoy Volante. Matutunghayan din ang dweto nina Randy at Toni ng awiting "Do You Really Want To Hurt Me" ni Boy George na kasama sa soundtrack ng pelikulang The Day After Tomorrow.
* * *
Email: [email protected]

BAYANI

CENTER

DAHIL

DIN

JENNYLYN

KANYANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with