^

PSN Showbiz

Movie producers din ang pumipirata ng sarili nilang movies ?

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Tama naman ang sinasabi ni Kuya Germs na baka sabihin na naman nila puro starlets lang ang naglalaro sa Star Olympics. ‘Yang nangyayari ay isang reflection ng katotohanan na sa ngayon ay wala nga tayong mga bagong big stars. ‘Yong mga artista na sinasabi nilang sikat, karamihan ay lampas trenta na. Maski na iyong mga nasa That’s Entertainment noong araw, lampas trenta na lahat halos eh.

Tanungin ninyo kahit na sinong sportsmen, basta lumampas na ng trenta, lalo na sa larong basketball, medyo may edad na iyan at mabagal na. Iba ‘yong kagaya ni Jaworski na lolo na nakakapaglaro pa. Eh di lalo na nga ang mga artista na hindi naman talaga masasabing batak sa laro. Eh kung ang maglalaro naman ay mga sikat nga, tapos ni hindi naman makatakbo, aba eh di nilait din nila. Kaya yong bata na may kakayahan pang maglaro talaga, dahil yang Star Olympics naman ay laro hindi pasikatan.

Iyong mga big stars, naroroon naman bilang manager, coach, o nagbibigay lang ng suporta dahil hindi na nila kaya ang matinding sports competition. May ilan na kaya pa, kagaya halimbawa ni Richard Gomez, kasi sportsman naman yan. Pero hindi rin lahat ay kagaya ni Goma ang resistensiya.

Kaya tama naman si Kuya Germs. Ang Star Olympics na’yan ay laro. Sports yan eh. Ang layunin ay maipakita ang other side ng mga artista at magkaroon lang sila ng isang pagkakataong magkakasama-sama. Nangyayari naman iyon kaya kahit na ano pa ang sabihin nila, talagang matagumpay pa rin ang Star Olympics dahil inaabot naman noon ang kanilang tunay na objective.
* * *
Ang pinagkakaguluhan ngayon sa Quiapo ay ang kopya ng mga pelikulang classics. Hindi lang pelikula nina Kurosawa at Nagisa Oshima ang naroroon ngayon. May mga kopya ng mga pelikulang ginawa ni Federico Fellini kagaya ng Roma, And The Ship Sailed On, at iba pa. May pelikula rin ni Luchino Vizconti kagaya ng Death in Venice. Bukod doon, naroroon ang mga

magagandang pelikulang gawa sa Korea. May kopya na rin ang hit na Silmido.

Kinukunsinti ba namin ang film piracy at smuggling? Hindi sana pero sawa na kami sa kababanat sa kanila wala naman silang ginagawa para masugpo ‘yon. Marami rin kaming nakikitang mga taga-industriya ng pelikula na namimili roon. Eh di mag-enjoy na lang tayo dahil wala namang ginagawa ang gobyerno para pigilin iyon eh.
* * *
Hindi namin alam kung totoo ang tsismis na may mga movie producers din naman daw na siya mismong pumipirata ng kanilang sariling pelikula. Kasi sinasabi nilang mas kumikita pa nga sila kung ibebenta nila sa pirata ang kanilang pelikula, maiiwasan pa nila ang napakalaking tax. Kahit naman kasi mag-click sa mga sinehan, ang mas malaking bahagi ng kinikita ng pelikula ay nauuwi lang sa tax. Eh kung pirated nga naman, walang tax iyan, masasabi pa nila sa gobyerno na hindi sila kumita dahil sa piracy. Pero sila rin ang pumirata bale sa kanilang pelikula. Aba, matindi na nga iyan kung ganyan ang labanan.

ANG STAR OLYMPICS

FEDERICO FELLINI

KAYA

KUYA GERMS

LUCHINO VIZCONTI

NAMAN

STAR OLYMPICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with