Judy Ann-Raymart movie tuloy-tuloy na !
June 10, 2004 | 12:00am
Aishite Imasu, 1941, ang pelikulang unang pagtatambalan nina Judy Ann Santos at Raymart Santiago mula sa Regal Films na malaki ang posibilidad na ilahok ni Mother Lily sa darating na Metro Manila Film Festival.
Ginanap ang contract signing noong June 7 sa Imperial Palace Suite at maliban sa dalawang bida ay kasama rin sa presidential table si Mother Lily at Direk Joel Lamangan.
Halatang nagka-ilangan sina Juday at Raymart dahil kapansin-pansin ang maluwag na espasyo sa pagitan nilang dalawa sa presidential table. Isang reporter ang nakapansin kaya pinakiusapan silang maglapit ng konti na malugod naman nilang tinalima at paglipas ng ilang sandali ay nag-uusap na ang dalawa, nagbibiruan.
Ayon kay Raymart, alam niyang sa una pa lang na inalok siya ng naturang proyekto ay alam na nito na si Juday ang kanyang makakatambal kaya isa raw ito sa dahilan kung bakit agad siyang pumayag na gawin ang proyekto.
Hindi mahirap kay Tito Alfie Lorenzo na tanggapin ang proyekto para sa kanyang alaga dahil alam niyang isa ito sa pinakamalaking pelikula ng taon at alam din niya na makakatulong ng malaki ito sa maturity ni Juday bilang actress.
Sa parte naman ni Juday, gustung-gusto nito ang proyekto at naiiba raw ito sa lahat ng kanyang nagawang pelikula. Tapos na siya sa mga goody-goody roles at oras na para umabante siya sa mga naiibang roles.
Ang Aishite Imasu, 1941 ay mula sa panulat ni Ricky Lee at ididirihe ni Joel Lamangan. Kwento ito ng isang mag-asawa noong Japanese invasion kung saan mamimili ang bawat isa kung ano at sino ang uunahin sa kanilang panahon, ang asawa o ang katapatan sa bansang sinilangan. Para ito sa ika-42 taon ng Regal at nakahandang gastusan ito ng milyones para makapantay man lang ito sa mga klasikong pelikulang tungkol sa digmaan, ang Oro, Plata, Mata at ang grandyosang Mano Po. Alex Datu

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended