^

PSN Showbiz

Tracy Torres at Rose Valencia nagpo-produced ng sexy fashion shows

-
Liberated at walang kiyeme si Tracy Torres. Gustung-gusto siya ng mga promoter dahil naghahagis ito ng panty sa kanyang sexy shows. Nagpapatanggal pa ng bra sa mga kalalakihan.

"Gusto kong sulit ang mga manonood pag may sexy show ako. Kaya naman kuntento ang mga producer sa akin," sambit ni TT.

Kahit sa kapistahan, tuwang-tuwa sa kanya ang mga manonood. Matindi mag-show si Tracy dahil nagi-enjoy ang mga lalaki. Todo-bigay. Nagpapahalik kahit saang parte ng katawan kaya kwela. Tampok siya sa Men’s Room sa Channel 23, bagong TV show nina RJ Ledesma at Tim Tayag every Tuesday, 11:30 P.M.

Sa July 16, nakatakda rin silang magprodyus ng kanyang kaibigan na si Rose Valencia ng isang fashion show (Armado Fabia SkinWear Collection) sa Alegria Lounge kasama sina Via Veloso, Aya Medel, Julia Lopez, Raja Montero, Aliya Martel, Ilonah Marquez, Cassandra Ponti, Kuhdet Honasan, Katherine Luna, Maye Tongco, Raffy Anido, Jack Mendoza at male models kasabay ng launching ng bagong magazine na Extreme.

Kinuha rin siya ni Direk Jun Posadas para sa bagong pelikula.

"Kinukuha ko muna ang kontrata ko sa Leo Films para hindi ako mabutasan. July pa kasi magi-expire ‘yun, ayaw kong makakuha ng dahilan si Mr. Sixto Dy na kasuhan ako kaya inaayos namin ng manager ko ang kontrata."

"Kung hindi uubra at hindi papayag si Mr. Dy, hintayin ko na lang ang July bago gumawa sa labas. Tutal dalawang buwan na lang, malaya na ako sa mother studio ko," bulalas pa ni TT.

vuukle comment

ALEGRIA LOUNGE

ALIYA MARTEL

ARMADO FABIA

AYA MEDEL

CASSANDRA PONTI

DIREK JUN POSADAS

ILONAH MARQUEZ

JACK MENDOZA

JULIA LOPEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with