Gwen, iniintriga ng kapwa Hot Babe
June 7, 2004 | 12:00am
Mahinahon at very composed pa rin si Gwen Garci sa mga araw na ito kahit kaliwat kanan ang mga natatanggap nitong tuligsa tungkol sa mga paratang na walang basehan.
Ang pinakahuling intriga sa kanya ay ang balitang hinayaan niyang lamasin ang kanyang boobs ng kanyang kinuhang kapareha mula sa mga nanonood ng kanilang fashion show sa Pampanga. At ang matindi, dinuraan pa raw ang kanyang dibdib ng kinuhang kapareha na ayon sa mga nakakita ay hindi naman lasing ang nasabing kapareha.
Mahinahong pinabulaanan ng Hot Babe ang naturang balita, imbento lang daw ito ng taong gusto siyang pabagsakin. Ang ipinagtataka niya, lahat naman silang mga Hot Babes na kasali sa naturang show ay gumawa ng kani-kanilang gimik, patalbugan silang lahat para sa ikakaganda ng show. "Naka-tribal get-up ako at ang pinaka-gimik ko ay iyong palayok na ang laman ay bubbles ng sabon na sa later part ng aking performance ay ibinuhos ko iyon sa aking katawan.
"Lahat kami ay nag-topless pero hindi ko alam kung ano ang ginawa nila sa stage dahil nasa backstage ako. Nag-topless nga ako pero puno naman ng sequence ang aking boobs. Nagsayaw kami ng aking partner na parang dirty dancing ang dating pero never na nahawakan nito ang aking boobs, lamutakin pa kaya."
Ayon pa kay Gwen, ibang konsepto ang kanilang show kung saan sila ay rumarampa habang sumasayaw na naiiba sa dati nilang ginagawa. At para lalong kagiliwan ang kanilang ginagawa sa stage, isa-isa silang kumuha ng partner na ayon pa rin sa kanya, hindi niya alam kung anong pinaggagawa ng iba sa stage dahil nasa backstage nga siya para paghandaan ang susunod niyang gagawin.
Pinabulaanan ng soft-spoken sexy babe na mali ang balitang lasing siya noong panahon ng kanyang pagrarampa sa stage dahil ayon sa balita, parang out of control siya sa sarili. "Isang shot lang ang ininom ko para pampalakas loob pero hindi ako lasing. Sobra talaga ang balita."
Pinabulaanan din nito ang balitang sinilipan nila ang Viva Hotmen habang nagbibihis na sa kabilang kuwarto. Pinagdiinan nito na walang eksenang ganoon pero pwedeng may sumilip sa kanilang grupo pero hindi sa panahong nagbibihis ang mga barakong hot men.
Sa ngayon, hindi alam ni Gwen kung bakit siya lang ang napapansin at pinipintasan sa kanilang grupo. Wala sa kanyang guni-guni na may nagagalit sa kanya sa kanilang grupo dahil mabait naman siya sa lahat, pantay-pantay ang pagtingin niya sa kanilang lahat sa grupo.
Tapos na ang shooting niya sa pelikula ni Ronnie Ricketts, ang Mano-Mano na ilalahok ng Rockets Productions sa darating na Manila Filmfest 2004 ngayong June 23. Natutuwa siya na may pelikula siyang nagawa at malaki ang pagpapasalamat nito sa pagkuha sa kanya ni Mr. Ricketts na siya ring producer at direktor ng pelikula. Alex Datu

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended