Juday, nagiging favorite ni Direk Joel
June 7, 2004 | 12:00am
Ngayong senador na ang dating gobernador ng Cavite at VRB chairman na si Bong Revilla, malamang na pansamantala niyang talikuran ang showbiz na kanyang kinagisnan.
Kamakailan lamang ay nagbigay si senator-elect Bong Revilla ng magkahiwalay na thanksgiving party. Una para sa kanyang mga supporters, mga kaibigan at kapwa politicians na ginanap sa Century Park at pangalawa naman sa kanyang mga kaibigan sa entertainment press na ginanap naman sa Annabels. Espesyal kay Bong ang Annabels Restaurant sa Quezon City dahil naging saksi ang nasabing lugar sa maraming okasyon ng kanyang buhay na kasama niya ang mga kaibigan sa entertainment press. Hindi ikinakaila ng batang senador na malaki ang naitulong sa kanya ng entertainment press kung anuman ang kanyang narating ngayon at ang kanyang mga nakalipas na achievements.
Nasubaybayan din ng mga movie writers ang pagsisimula ni Bong sa showbiz, sa kanyang pag-aasawa at sa kanyang pagpalaot sa dagat ng pulitika. "Kung anuman ako ngayon at kung ano ang aking narating, naging kaagapay ko ang mga kaibigan natin sa entertainment media," paglalahad ni Bong. "Kung anuman ang aking mga pangako nung nangangampanya pa lamang ako, sisikapin kong matupad lahat at ayaw kong biguin ang mga taong nagtiwala sa akin," dugtong pa niya.Ngayong balik na naman sa dati ang pagkakaibigan nila ng kanyang nakatampuhang kaibigan na si Jinggoy Estrada na isa rin sa pinalad na maluklok sa senado, buo na naman ang barkada nila nina Rudy Fernandez at Phillip Salvador.
Mukhang nagiging paborito ng award-winning director na si Joel Lamangan si Judy Ann Santos na una niyang nadirek sa pelikulang Magkapatid at sinundan ng I Will Survive na kamakailan lamang ipinalabas. Sa ikatlong pagkakataon ay muling nagkatrabaho ang dalawa - sa Manila Film Festival entry ng Regal Films, ang Sabel mula sa panulat ng ace scriptwriter na si Ricky Lee.
Kakaiba ang papel na ginampanan ni Juday sa Sabel. Isa siyang social worker na madalas bumibisita sa city jail para magbigay ng pag-asa at kasiyahan sa mga inmates. Nagbibigay siya ng Bible counseling. Pero sa kasamaang palad ay na-rape siya ng isang gwapong inmate na si Kanor na ginampanan ni Wendell Ramos. Dahil dito, huminto si Sabel sa pagbisita sa kulungan. Nang lumaya si Kanor, hinanap niya si Sabel at dito nabuo ang kanilang pag-iibigan hanggang siyay mabuntis. At kung kelan gustong pangatawanan ni Kanor ang kanyang atraso kay Sabel ay saka naman biglang nag-disappear si Sabel. Matapos ma-heartbroken si Kanor, naghanap siya ng ibang kaligayahan at dumating sa buhay niya si Jenny (Iza Calzado), isang manunulat na nakilala niya sa jail. Nagpakasal ang dalawa at nagkaroon sila ng anak. Pagkaraan ng maraming taon, muling pinagtagpo ng tadhana sina Sabel at Kanor pero sa isang kumplikadong sitwasyon. Si Sabel ay nahaharap sa isang murder case habang si Kanor ay hindi na malayang mahaling muli dahil meron na itong asawa at pamilya. Proud si Juday na sa kanya ipinagkatiwala ng Regal ang nasabing proyekto na ipinagmamalaki niya saan man siya makarating.
Anim na taong gulang pa lamang si Serena Dalrymple nang sumakabilang buhay ang kanyang Scottish-American father kaya naiwan silang tatlong magkakapatid na walang ama. Pagkaraan naman ng apat na taon, sumunod ang kanyang ina kaya tuluyan na silang naging lubos na ulila. Fourteen na ngayon ang dating commercial model-turned childstar na si Serena na unang nakilala sa Jollibee commercial na pinagsamahan nila ni Aga Muhlach. Sixteen naman ang kanyang panganay na kapatid na si Sarah at 15 naman si Samantha. Dahil sa maagang pagkawala ng kanilang mga magulang, naging close ang bonding nilang magkakapatid at natuto silang maging responsable sa maraming bagay. Hindi rin nila pinababayaan ang kanilang pag-aaral. Parehong nasa 4th year sina Sarah at Samantha at nasa second year high school naman si Serena. Since American citizen silang magkakapatid, may option silang mag-migrate sa Amerika balang araw kung nanaisin nila. Pero hanggat may mga projects siya, ayaw iwanan ni Serena ang kanyang showbiz career.
<[email protected]>
Kamakailan lamang ay nagbigay si senator-elect Bong Revilla ng magkahiwalay na thanksgiving party. Una para sa kanyang mga supporters, mga kaibigan at kapwa politicians na ginanap sa Century Park at pangalawa naman sa kanyang mga kaibigan sa entertainment press na ginanap naman sa Annabels. Espesyal kay Bong ang Annabels Restaurant sa Quezon City dahil naging saksi ang nasabing lugar sa maraming okasyon ng kanyang buhay na kasama niya ang mga kaibigan sa entertainment press. Hindi ikinakaila ng batang senador na malaki ang naitulong sa kanya ng entertainment press kung anuman ang kanyang narating ngayon at ang kanyang mga nakalipas na achievements.
Nasubaybayan din ng mga movie writers ang pagsisimula ni Bong sa showbiz, sa kanyang pag-aasawa at sa kanyang pagpalaot sa dagat ng pulitika. "Kung anuman ako ngayon at kung ano ang aking narating, naging kaagapay ko ang mga kaibigan natin sa entertainment media," paglalahad ni Bong. "Kung anuman ang aking mga pangako nung nangangampanya pa lamang ako, sisikapin kong matupad lahat at ayaw kong biguin ang mga taong nagtiwala sa akin," dugtong pa niya.Ngayong balik na naman sa dati ang pagkakaibigan nila ng kanyang nakatampuhang kaibigan na si Jinggoy Estrada na isa rin sa pinalad na maluklok sa senado, buo na naman ang barkada nila nina Rudy Fernandez at Phillip Salvador.
Kakaiba ang papel na ginampanan ni Juday sa Sabel. Isa siyang social worker na madalas bumibisita sa city jail para magbigay ng pag-asa at kasiyahan sa mga inmates. Nagbibigay siya ng Bible counseling. Pero sa kasamaang palad ay na-rape siya ng isang gwapong inmate na si Kanor na ginampanan ni Wendell Ramos. Dahil dito, huminto si Sabel sa pagbisita sa kulungan. Nang lumaya si Kanor, hinanap niya si Sabel at dito nabuo ang kanilang pag-iibigan hanggang siyay mabuntis. At kung kelan gustong pangatawanan ni Kanor ang kanyang atraso kay Sabel ay saka naman biglang nag-disappear si Sabel. Matapos ma-heartbroken si Kanor, naghanap siya ng ibang kaligayahan at dumating sa buhay niya si Jenny (Iza Calzado), isang manunulat na nakilala niya sa jail. Nagpakasal ang dalawa at nagkaroon sila ng anak. Pagkaraan ng maraming taon, muling pinagtagpo ng tadhana sina Sabel at Kanor pero sa isang kumplikadong sitwasyon. Si Sabel ay nahaharap sa isang murder case habang si Kanor ay hindi na malayang mahaling muli dahil meron na itong asawa at pamilya. Proud si Juday na sa kanya ipinagkatiwala ng Regal ang nasabing proyekto na ipinagmamalaki niya saan man siya makarating.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended