Ara, sinugod si Danica?
June 3, 2004 | 12:00am
May balitang lumabas na madalas mag-text si Danica Sotto kay Jomari Yllana. Nagsimula raw ang pagiging close ng dalawa nang maging guest sila sa Lagot Ka Isusumbong Kita.
Nagtataka nga si Ara Mina na bida ng Singles kung bakit may intriga pang sinugod niya si Danica sa taping ng programa dahil nabalitaang nali-link ito sa kanyang boyfriend.
Ayon pa kay Ara ay never niya itong gagawin, ang manugod ng babae sa taping dahil malaki ang tiwala niya kay Jom. Sawang-sawa na ang aktres sa tsismis kaya hindi na lang niya pinapansin ang intriga.
Nanalong vice-governor ng Rizal si Jestoni Alarcon kung saan naging maintriga rin ang pangangampanya nito. Paano ba naman, sinabi ni Victor Wood na anak niya si Jes. Hindi na lang niya pinatulan ang gimik at inakalang baka nagbibiro lang ang singer.
Pero kahit paano ay naapektuhan din ang kanyang ina sa pangambang baka maniwala siyang nagkaroon nga sila ng relasyon ni Victor. Sinabi pa rin ni Jes na anim na taon lang siya nang mamatay ang kanyang ama at di na muling nag-asawa pa ang kanyang ina.
Idinagdag pa rin ni Jess na kung totoo nga ang sinasabi ng singer na anak siya nito ay bakit hindi ito sinabi sa kanya ng harapan. Nilabanan pa siya nito bilang vice-governor ng Rizal.
Nakikiusap ang aktor na sanay tigilan na ang tsismis dahil tapos na ang eleksyon at inaming wala siyang nadamang lukso ng dugo kay Victor.
May nagtatanong kung bakit madalas ang TV guesting ni Assunta de Rossi sa Siyete gaya ng Magpakailanman at Lagot Ka
Isusumbong Kita. Hindi kaya babalik siya sa Siyete? Dati na itong taga-GMA hanggang magpasyang lumipat sa Dos. Mukha namang na-frozen delight siya sa Dos hanggang natapos ang kontrata.
Bihira ang nakakaalam na naging girlfriend ni Marvin Agustin si Kristine Hermosa pero idini-deny ito ng aktres. Ngayon naman ay nali-link siya kay Lei Atienza pero hindi raw totoong nanliligaw siya sa dalaga dahil barkada lang nito ang kapatid niyang lalaki.
Hindi naging vocal sa kanyang lovelife si Marvin at ayaw niyang pag-usapan ito.
Kahit pagod kami sa maghapong trabaho ay nalibang kami nang manood ng concert ng Searchers Live in Manila sa Araneta Coliseum noong Sabado. Sinimulan ito ng mga awiting sumikat noong 1960s ni Ramon Jacinto and Friends. Well-applauded ang Saturday Night Fever.
Nag-enjoy din kami at napapaindak sa mga awitin ng The Searchers ang grupong pumapangalawa noon sa The Beatles. Paborito ko ang "Love Potion No. 9", "Sugar Spice" at "Where Have All The Flowers Gone".
Ang ikinaiba lang nila sa The Beatles ay magagaling silang lahat as songwriters. Walang pagbabago sa boses ng grupo na binubuo nina Eddie Rothe, John McNally, Frank Allen at Spencer James.
Ang concert ay prodyus ng DZRJ disc jockey Steve O Neal at ng Solar Entertainment.
Bata pa ang gwapong aktor na ito na nataypan ang isang napakagandang sexy star. Nagkita ang dalawa sa isang showbiz function at nagka-crush agad ang aktor sa aktres dahil bukod sa maganda ay seksing-seksi pa ito. Agad niyang hiningi ang number ng aktres at wala na yatang ginawa ang aktor kundi tawagan ang aktres araw-araw. Halos mapuno rin ang kanyang cell ng mga text messages na maya-maya ay ipinadadala sa aktres.
Ang gwapong baguhang aktor ay galing sa angkan ng mga artista samantalang malapit nang magkaroon ng launching movie ang aktres.
Nagtataka nga si Ara Mina na bida ng Singles kung bakit may intriga pang sinugod niya si Danica sa taping ng programa dahil nabalitaang nali-link ito sa kanyang boyfriend.
Ayon pa kay Ara ay never niya itong gagawin, ang manugod ng babae sa taping dahil malaki ang tiwala niya kay Jom. Sawang-sawa na ang aktres sa tsismis kaya hindi na lang niya pinapansin ang intriga.
Pero kahit paano ay naapektuhan din ang kanyang ina sa pangambang baka maniwala siyang nagkaroon nga sila ng relasyon ni Victor. Sinabi pa rin ni Jes na anim na taon lang siya nang mamatay ang kanyang ama at di na muling nag-asawa pa ang kanyang ina.
Idinagdag pa rin ni Jess na kung totoo nga ang sinasabi ng singer na anak siya nito ay bakit hindi ito sinabi sa kanya ng harapan. Nilabanan pa siya nito bilang vice-governor ng Rizal.
Nakikiusap ang aktor na sanay tigilan na ang tsismis dahil tapos na ang eleksyon at inaming wala siyang nadamang lukso ng dugo kay Victor.
Hindi naging vocal sa kanyang lovelife si Marvin at ayaw niyang pag-usapan ito.
Nag-enjoy din kami at napapaindak sa mga awitin ng The Searchers ang grupong pumapangalawa noon sa The Beatles. Paborito ko ang "Love Potion No. 9", "Sugar Spice" at "Where Have All The Flowers Gone".
Ang ikinaiba lang nila sa The Beatles ay magagaling silang lahat as songwriters. Walang pagbabago sa boses ng grupo na binubuo nina Eddie Rothe, John McNally, Frank Allen at Spencer James.
Ang concert ay prodyus ng DZRJ disc jockey Steve O Neal at ng Solar Entertainment.
Ang gwapong baguhang aktor ay galing sa angkan ng mga artista samantalang malapit nang magkaroon ng launching movie ang aktres.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended