^

PSN Showbiz

Korina,inaamin na ang relasyon nila ni Sen. Roxas

- Veronica R. Samio -
Yes, sa presscon ng kanyang solo magazine show sa ABS CBN na pinamagatang Rated K Handa Na Ba Kayo? ay inamin na ni Korina Sanchez na may relasyon na nga sila ni Senator-elect Mar Roxas. At the same time, sinabi rin niya na ayaw niyang maging presumptous (ayaw pangunahan) dahil ang mga ganitong relasyon daw ay walang kasiguruhan. Kung nun ay sinabi niya na hindi siya mag-aasawa sa isang pulitiko pero, heto siya ngayon at mayro’ng relasyon sa isang politician.

Ang Rated K ay mapapanood sa time slot na iiwan ng Sharon show. Matagal na ring hindi napapanood si Korina sa mga ganitong palabas simula nang mawala ang Balitang K. Sa programang ito gusto niyang muling buksan ang koneksyon niya sa publiko. Dapat nga raw ay magkasama sila ni Mar Roxas sa palabas na ito pero ngayong nanalo ito ay magiging abala na ito sa kanyang bagong tungkulin.

Magsisimula ang Rated K, bukas, Linggo, 5:30-6:30 NG.

Muli, ibabalik ni Korina ang konsepto ng balitang K na nagtampok ng mga makukulay na features from in and around the country na may personal touch ng host. Dito makakatulong ang maraming taong karanasan ni Korina bilang isang mahusay na broadcaster at isa sa pinagkakatiwalaang news personalities ng bansa.
*****
Sino nga kaya ang mananalo sa finals ng Star Circle Quest (Teens & Kids) na ngayon ay tiglilima na lamang ang finalists sa dalawang kategorya.

Hindi pa nalalaunan nang matanggal ang isa sa pinaka-paboritong Questor sa bahay ko na nagngangalang Neri. Dahil nasa opisina ako kung kaya wala akong pagkakataon na mapanood ang show maliban na lang nung minsang magkasakit ako at umuwi ako ng maaga ng bahay. Napanood ko ang isa sa mga episodes nito na kung saan pakiramdam ko ay masyadong malupit ang ginagawa sa kanila ng mga judges. Parang tini-3rd degree na sila.

I saw the 2 sets of the Circle of 5 last week and we were asked to vote kung sino ang paborito namin.

Una, dadaanin ko na lang sana sa mukha pero, magaganda silang lahat although I found Hero na parang sickly, mapayat. Ano kayang criteria ang gagamitin ko? Lahat ng mga bata very smart. Yung tatlong babaeng teens, okay din, pretty. I immediately called up my house para magtanong kung sino ang dapat kong iboto– sina Joross at Aaron daw. Kung sila nga ang karapat dapat I leave it to the real viewers of the show.

Tandaan sa June 5 na ang finals, mapapanood ito ng live sa Araneta Coliseum sa ika-5:00 NH.

Ngayong araw na ito, nasa Cebu City ang 10 kabataan para sa isang live fans day.
*****
Email: [email protected]

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BALITANG K

CEBU CITY

KORINA

KORINA SANCHEZ

MAR ROXAS

RATED K

RATED K HANDA NA BA KAYO

STAR CIRCLE QUEST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with