Ara, Aubrey magsososyo sa negosyo
May 28, 2004 | 12:00am
Nagsimula lamang ang ideya na magsosyo sa negosyo sina Aubrey Miles at Ara Mina nang magkasama sila sa Singles ng Regal Films. Naisip ni Aubrey na sayang naman at natutulog lamang ang kanyang pera sa bangko. Kumikita man ito ng interes ay lubhang napakaliit lamang. Dito pumasok sa isip niya na makipagsosyo kay Ara Mina na mayron nang negosyo na napapatakbo nito ng mahusay.
Naging malaking factor din ang pagpasok sa isip ni Aubrey ng pagnenegosyo nang alukin siya ng may-ari ng mga SM Malls na si G. Henry Sy ng spot sa popular nitong mall, isang spot na kung saan ay maaari siyang magtinda.
Naisip ni Aubrey na magbukas ng isa pang linya ng lingerie items, yung katulad ng Private Joyce pero, mas malawak ang linya at mas maraming produkto.
"Kailangang upuan namin to ni Ara. Sayang naman kung natutulog lamang ang pera sa time deposit samantalang pwede naman itong lumago kung ini-negosyo ko. At dahil may negosyo na si Ara kung kaya inalok ko siyang maging partner, pumayag naman siya. Pero kailangang pag-isipan namin ito ng husto," ani Aubrey na patuloy ang pasasalamat sa mga tinatanggap niyang blessings.
Bagaman at nalungkot siya nang mawala ang mga palabas niya sa TV, nagkaroon naman siya ng pelikula. Bukod sa napakaraming corporate shows na ginagawa niya, marami pa rin siyang imbitasyon para kumanta. Pagkatapos na pagkatapos ng Singles na nagtatampok din kay Angel Locsin, ginagawa niya ang Beautiful Life under ni Gil Portes. May gagawin din sila ni Troy Montero, ang kanyang ka-MU ngayon na ididirek ni Erik Matti.
"Happy na ako dahil hindi na ako ang bread winner sa bahay. Marami na kaming magkakapatid na nagtutulung-tulong para mapabuti ang aming kabuhayan. Masaya na ako dahil bukod sa aking magandang career, magkakasama pa rin kami ng pamilya ko at yun ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon na pag-ibayuhin pa ang trabaho ko."
Namatay kahapon ang isa sa itinuturing ko na malabis pa sa isang kaibigan, isang kapatid, bagaman at Mama Elay (Formaran) na ang nasimulan kong tawag sa kanya. Madali sanang tanggapin ang kanyang pagkawala kung namatay siya sa normal na pamamaraan pero, hindi, siya ay walang awang pinaslang.
Marami pa naman itong planong blowout at concert. Si Mama Elay kasi kapag nagplano, bongga. Hindi lang kami binubusog sa pagkain, may regalo pang kasama. Kahit sabihin mo pang wine lamang yun pero, ibinabalot niya ito ng napakaganda kaya kaming tumatanggap ay siyang- siya.
Mami-miss ko definitely si Mama Elay. Ang madalas na pagtawag nito sa phone para lang makipagkwentuhan, minsan nagsusumbong. Ang madalas na pagyayang kumain ako, kami ni Letty (Celi) sa bahay niya.
Nasaan ka man, Mama Elay, maging masaya at matahimik ka sana. Bahala na ang Diyos sa puminsala sa iyo. Pero kung kilala kita. Im sure enjoy ka sa atensyon na tinatamasa mo ngayon. Di ka talaga pumayag na umalis nang di pag-uusapan, di ba?
[email protected]
Naging malaking factor din ang pagpasok sa isip ni Aubrey ng pagnenegosyo nang alukin siya ng may-ari ng mga SM Malls na si G. Henry Sy ng spot sa popular nitong mall, isang spot na kung saan ay maaari siyang magtinda.
Naisip ni Aubrey na magbukas ng isa pang linya ng lingerie items, yung katulad ng Private Joyce pero, mas malawak ang linya at mas maraming produkto.
"Kailangang upuan namin to ni Ara. Sayang naman kung natutulog lamang ang pera sa time deposit samantalang pwede naman itong lumago kung ini-negosyo ko. At dahil may negosyo na si Ara kung kaya inalok ko siyang maging partner, pumayag naman siya. Pero kailangang pag-isipan namin ito ng husto," ani Aubrey na patuloy ang pasasalamat sa mga tinatanggap niyang blessings.
Bagaman at nalungkot siya nang mawala ang mga palabas niya sa TV, nagkaroon naman siya ng pelikula. Bukod sa napakaraming corporate shows na ginagawa niya, marami pa rin siyang imbitasyon para kumanta. Pagkatapos na pagkatapos ng Singles na nagtatampok din kay Angel Locsin, ginagawa niya ang Beautiful Life under ni Gil Portes. May gagawin din sila ni Troy Montero, ang kanyang ka-MU ngayon na ididirek ni Erik Matti.
"Happy na ako dahil hindi na ako ang bread winner sa bahay. Marami na kaming magkakapatid na nagtutulung-tulong para mapabuti ang aming kabuhayan. Masaya na ako dahil bukod sa aking magandang career, magkakasama pa rin kami ng pamilya ko at yun ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon na pag-ibayuhin pa ang trabaho ko."
Marami pa naman itong planong blowout at concert. Si Mama Elay kasi kapag nagplano, bongga. Hindi lang kami binubusog sa pagkain, may regalo pang kasama. Kahit sabihin mo pang wine lamang yun pero, ibinabalot niya ito ng napakaganda kaya kaming tumatanggap ay siyang- siya.
Mami-miss ko definitely si Mama Elay. Ang madalas na pagtawag nito sa phone para lang makipagkwentuhan, minsan nagsusumbong. Ang madalas na pagyayang kumain ako, kami ni Letty (Celi) sa bahay niya.
Nasaan ka man, Mama Elay, maging masaya at matahimik ka sana. Bahala na ang Diyos sa puminsala sa iyo. Pero kung kilala kita. Im sure enjoy ka sa atensyon na tinatamasa mo ngayon. Di ka talaga pumayag na umalis nang di pag-uusapan, di ba?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended