Finals ng 'American Idol' sa ABC 5, sa Mayo 27
May 23, 2004 | 12:00am
Im sure naman na kahit na-vote out na ang ating kababayan na si Jasmine Trias sa programang American Idol ay susubaybayan natin ang programa hanggang sa finals nito sa May 27 if only to see kung karapat dapat nga itong mawala at matalo ng dalawa pang babae na nakalaban niya ng mahigpit, sina Diana DeGarmo at Fantasia Barrino.
Mapapanood ang finals Live Via Satellite sa ABC5, Mayo 27, 11:00 NU at may replay sa ika-6:00 NG para sa hindi makakapanood sa unang oras na nabanggit.
Bago ito, sa Miyerkules mapapanood ang dalawa pang natitirang contenders. Magkakantahan muna sila bago sumabak sa pinakaaabangang grand finals.
Im sure natutuwa si Mark Bautista sa magandang takbo ng kanyang career. Mataas ang naging rating ng kanyang life story sa Maalaala Mo Kaya. Bukod sa programang ito, sinusubaybayan na rin siya ng mga followers niya sa mga programang Sarah at ASAP Mania.
"Halos mapaiyak ako sa tuwa," sambit ng gumaganap ng role ni Baste sa Sarah, The Teen Princess ng ABS CBN. "Sabi ko nga sa sarili ko, artista na pala ako," dagdag pa niya.
Maliban dito nakakapagpaligaya rin kay Mark ang pagkakakuha sa kanila ni Sarah Geronimo bilang mga endorsers ng Jollibee. Interpreter pa rin siya sa darating na 1st Levi Music Festival. At bagaman at labanan ito ng mga komposisyon, malaking karangalan na kay Mark ang makalaban ang ilan sa pinaka-malalaking pangalan sa mundo ng musika.
Sa kabila ng kanyang kaabalahan, nakauwi na ng probinsya si Mark para bisitahin ang kanyang pamilya. Hindi man siya nakapag-pahinga nakaligaya naman sa kanya ang pangyayaring nabisita niya ang kanyang pamilya at ang lahat niyang mga kamag-anak.
Sa likod ng pagtatagumpay ng kanyang tiyahing si Rica Peralejo, unti-unti na ring umaangat ang career ng 14 na taong gulang na pamangkin nitong si Nica Peralejo.
Magmula sa pinag-umpisahan niyang mga programang Kaybol at Ang TV, itinuturing na isa sa most promising ang pinaka-baby sa Batch 11 ng Star Circle na si Nica.
Pangarap niya lumaking mas matangkad pa sa kanyang mga tiyahing sina Rica at Paula Peralejo dahil gusto niyang maging super model. Bagaman at itinuturing pa rin siyang isang baby ng kanyang mga kasamahan sa ABS-CBN, incoming third year na siya sa high school sa Holy Spirit.
Bagaman at love na love niya ang kanyang mga magagandang tiyahin, gusto ni Nica na magkaroon at maka-establish ng sarili niyang identity bilang artista.
Lubhang napaka-bata pa ni Jiro Manio para maapektuhan ng pangyayaring siya ang pinaka-batang artista na nanalo ng Best Actor sa Star Awards for Movies, Gawad Tanglaw, Pasado Awards at Guillermo Mendoza Memorial Awards para sa pelikulang Magnifico na hindi lamang dito ipinalabas kundi sa maraming bahagi na ng mundo. Labing-apat na taon gulang si Patrick Garcia nang manalo sa kapareho ring kategorya.
Pero, hindi lamang sa Magnifico kinakitaan ng galing sa pag-arte si Jiro, kundi maging sa mga pelikula niyang Bagong Buwan, Anghel Sa Lupa, Mila, La Vida Rosa at Tanging Ina.
Kung saan minana ni Jiro ang kanyang talino sa pag-arte ay hindi niya malaman. Pero marami ang nagsasabi na ang pagkagiliw nito sa kanyang ina na nagtatrabaho sa ibang bansa ang nagsisilbing inspirasyon para maging isang mahusay na artista si Jiro.
Sa kabila ng kanyang kaabalahan sa kanyang pag-aartista at pagkakaroon ng mga regular na palabas sa TV Tanging Ina at Bastat Kasama Kita, pawang nasa ABS CBNika-6 na grado na siya sa mababang paaralan sa pasukan sa Holy Child Parochial School sa San Juan.
Mapapanood ang finals Live Via Satellite sa ABC5, Mayo 27, 11:00 NU at may replay sa ika-6:00 NG para sa hindi makakapanood sa unang oras na nabanggit.
Bago ito, sa Miyerkules mapapanood ang dalawa pang natitirang contenders. Magkakantahan muna sila bago sumabak sa pinakaaabangang grand finals.
"Halos mapaiyak ako sa tuwa," sambit ng gumaganap ng role ni Baste sa Sarah, The Teen Princess ng ABS CBN. "Sabi ko nga sa sarili ko, artista na pala ako," dagdag pa niya.
Maliban dito nakakapagpaligaya rin kay Mark ang pagkakakuha sa kanila ni Sarah Geronimo bilang mga endorsers ng Jollibee. Interpreter pa rin siya sa darating na 1st Levi Music Festival. At bagaman at labanan ito ng mga komposisyon, malaking karangalan na kay Mark ang makalaban ang ilan sa pinaka-malalaking pangalan sa mundo ng musika.
Sa kabila ng kanyang kaabalahan, nakauwi na ng probinsya si Mark para bisitahin ang kanyang pamilya. Hindi man siya nakapag-pahinga nakaligaya naman sa kanya ang pangyayaring nabisita niya ang kanyang pamilya at ang lahat niyang mga kamag-anak.
Magmula sa pinag-umpisahan niyang mga programang Kaybol at Ang TV, itinuturing na isa sa most promising ang pinaka-baby sa Batch 11 ng Star Circle na si Nica.
Pangarap niya lumaking mas matangkad pa sa kanyang mga tiyahing sina Rica at Paula Peralejo dahil gusto niyang maging super model. Bagaman at itinuturing pa rin siyang isang baby ng kanyang mga kasamahan sa ABS-CBN, incoming third year na siya sa high school sa Holy Spirit.
Bagaman at love na love niya ang kanyang mga magagandang tiyahin, gusto ni Nica na magkaroon at maka-establish ng sarili niyang identity bilang artista.
Pero, hindi lamang sa Magnifico kinakitaan ng galing sa pag-arte si Jiro, kundi maging sa mga pelikula niyang Bagong Buwan, Anghel Sa Lupa, Mila, La Vida Rosa at Tanging Ina.
Kung saan minana ni Jiro ang kanyang talino sa pag-arte ay hindi niya malaman. Pero marami ang nagsasabi na ang pagkagiliw nito sa kanyang ina na nagtatrabaho sa ibang bansa ang nagsisilbing inspirasyon para maging isang mahusay na artista si Jiro.
Sa kabila ng kanyang kaabalahan sa kanyang pag-aartista at pagkakaroon ng mga regular na palabas sa TV Tanging Ina at Bastat Kasama Kita, pawang nasa ABS CBNika-6 na grado na siya sa mababang paaralan sa pasukan sa Holy Child Parochial School sa San Juan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended