^

PSN Showbiz

Alternatibong trabaho para kay Eddie Gil

- Aster Amoyo -
Kakaibang episode na ang matutunghayan ngayong gabi sa ganap na ika-11:45 sa GMA sa Celebrity Turns hosted by Junie Lee (Michael V.) at Pops Fernandez.

Ano kaya ang kalalabasan ng one-on-one interview ni Junie Lee kay Mahal at magpatalbog naman kaya si Jeffrey Quizon kay Junie Lee?

Samantala, may pagkakataon naman si Pops na ma-solo ang all-male sing-and-dance group na Masculados ganoon din ang Mossimo winners na sina Brent Javier at Richard Turner.
* * *
Although hindi pa tapos ang bilangan sa national positions mula panguluhan hanggang mga senador, majority ng mga winners sa local levels ay nadeklara na ng Comelec at kasama na rito ang maraming showbiz personalities tulad nina Mikey Arroyo bilang congressman sa ikalawang distrito ng Pampanga, Jestoni Alarcon bilang vice-governor ng Rizal, Mark Lapid bilang bagong governor ng Pampanga, E.R. Ejercito bilang mayor ng Pagsanjan sa ikalawang pagkakataon, Aiko Melendez bilang konsehal sa ikalawang pagkakataon sa ikalawang distrito ng Quezon City, Herbert Bautista bilang vice-mayor ng Quezon City (ikalawang termino), Cita Astals, Robert Ortega at Iskho Moreno bilang konsehal ng Maynila, Dodot Jaworski bilang kongresista ng lone district ng Pasig, Barbara Milano bilang konsehal ng Talavera, Nueva Ecija, Daniel Fernando bilang board member ng Bulacan, second term, Anjo Yllana bilang bagong vice-mayor ng Parañaque at iba pa.

Nakakatuwang isipin na kahit ano pa ang sabihin ng iba na walang ‘K’ as in karapatan ang mga taga-showbiz na pumasok ng pulitika, marami pa ring porsiyento ng mga taga-showbiz ang pinapaboran ng mga botante.
* * *


Na-disqualify man si Eddie Gil sa kanyang pangarap na maging isang presidente ng bansa, nakatagpo naman siya ng panibagong career, ang pagiging isang artista. Mukhang ang ABS-CBN ang naka-tap sa hidden talent ni Eddie Gil, ang pagiging isang komedyante nang hindi niya sinasadya. Hindi man umarte si Eddie Gil ay nakakatawa na siya. Hindi man namin siya napanood sa kanyang guesting sa MTB, napanood naman namin ang kanyang guesting sa Ang Tanging Ina: The Series kung saan papel ng isang mayamang manliligaw ni Aiai delas Alas ang kanyang ginampanan.

Bukod kay FPJ na isang artista, ito ang naging edge ni Eddie Gil sa ibang kumakandidato sa pagka-pangulo dahil nakahanap siya ng alternatibong pagkakakitaan, ang pagiging isang natural comedian.
* * *
Mag-iisang taon pa lamang si Lorin Gabriella Gutierrez Bektas, ang first baby ng mag-asawang Yilmaz Bektas at Ruffa Gutierrez-Bektas sa darating na Agosto pero ito’y magkakaroon na ng baby sister sa buwan ng September. Nakatakdang isilang ni Ruffa ang kanilang ikalawang baby ni Yilmaz sa September 30 o di kaya sa unang linggo ng Oktubre.     

Since sa Amerika (Los Angeles, California) isinilang ni Ruffa si Lorin, wala pang balita kay Ruffa kung sa Istanbul na siya magsisilang ng kanyang second baby.

Ngayong magdadalawa na ang anak na babae nina Ruffa at Yilmaz, gusto naman daw ni Yilmaz na maging boy na ang susunod nilang maging baby. 

Ang mag-asawang Ruffa at Yilmaz ay nag-celebrate ng kanilang unang wedding anniversary nung nakaraang Marso 25.  Sa kabila ng kanilang magkaibang kultura, magkasundung-magkasundo ang dalawa although hindi pa rin naman nawawala sa kanila ang magkatampuhan paminsan-minsan na natural namang nangyayari sa isang mag-asawa.   "Pero pareho kaming nag-mature ni Yilmaz nang lumabas si Lorin unlike before na konting kebot lang ay madalas kaming mag-away," ani Ruffa na nagi-enjoy sa kanyang buhay may asawa ngayon.
* * *
<[email protected]>

BILANG

CENTER

EDDIE GIL

JUNIE LEE

QUEZON CITY

RUFFA

YILMAZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with