Anton,hindi nagpatalbog kay Mark sa pagreregalo sa b-day ni Jennylyn !
May 20, 2004 | 12:00am
Hindi nagpatalbog si Anton de la Paz kay Mark Herras sa pagbibigay ng regalo kay Jennylyn Mercado. Niregaluhan niya ito ng set of crystal jewelry na malaki rin ang halaga. Unang nanligaw ang binatilyo sa aktres noong bago pa lang sila sa StarStruck. Handa naman siyang maghintay kay Jenny kahit nanliligaw si Mark Herras dito.
Malapit nang ilunsad ang kanyang album titled "Living The Dream" na may carrier single na "Kahit Sandali".
Tumawag sa amin ang ina ni Charee Pineda at sinabi kung bakit na-trauma ang kanyang anak dahil sa panghihiya at laging paninigaw dito ng direktor na si Ruel Bayani.
Nanggaling si Charee sa Star Circle Quest pero ni-request ni Direk na mapasama sa Ikaw Sa Puso Ko na pinagbibidahan nina Oyo Boy Sotto at Nadine Samonte. Trese anyos lang ang dalagita pero, tinanggap ito para mapasama sa soap opera dahil pwede naman daw itong magmukhang disiotso dahil matangkad at maganda ang katawan. Ginawang kontrabida ni Nadine ang young actress.
"Noong una ay tuwang-tuwa ang aking anak dahil maganda ang pakita sa kanya ni Direk pero nang sumapit ang ikalawang buwan ay nagsimula na itong mainis kay Charee. Nagsimula na niyang sigaw-sigawan ang aking anak pero pinangaralan namin ito na huwag iiyak. Dumating din sa puntong sinigawan niya ito sa harap ng maraming tao. Okey lang sana na pagalitan si Charee ni Direk pero huwag sa maraming tao," anang ina ng baguhang artista.
Ayon pa kay Mrs. Pineda ay ilang beses na itinulak ni Direk ang kanyang anak at tumama ito sa isang double deck. Masakit din itong magbitiw ng mga salita: "Boba" o "Babasagin ko ang mukha mo" (na patungkol naman sa naka-assign sa wardrobe).
Dahil sa takot ay tamad nang pumunta ng taping si Charee.
Nakahinga sila nang maluwag nang mag-last taping ito noong Biyernes. May eksenang hihimasin ni Charee ang likod ni Nadine bago itulak sa swimming pool. "Pero hindi makuha ng anak ko ang gustong ipagawa ni Direk kaya nagpakawala na naman ito ng masasakit na salita "Ang tanga mo, ang tagal mo nang nagti-taping, hindi ka pwedeng artista." Pumanhik ito sa second floor ng mansion at nag-iiyak. Nang puntahan namin siya ay nanginginig ito at di magkandatuto sa pag-aalis ng lapel mike. Doon ko na-realize kung gaano ang takot nito sa direktor. Lalong nagalit si Direk at nagsalita pa ng "Kayong magulang ang magtrabaho at di yang anak nyo na boba, idiota, ang utak nasa kanyang suso." Hindi na namin ito nakaya kaya lumapit sa kanya ang aking asawa at akmang susuntukin si Direk. Pero nakapanhik ito sa itaas at dun patuloy na nagsisigaw," sey pa ni Mommy.
Sumulat na ng complaint sa TAPE ang pamilya ni Charee para aksyunan ang masamang pag-uugali ni Direktor Bayani o kundi man ay baka magdemanda sila sa DOL dahil sa physical, verbal o psychological abuse na ginawa nito kay Charee.
Ayon pa kay Mrs. Pineda, kung ganito ang klase ng direktor na hahawak sa kanyang anak, di bale na lang na huwag na lang itong mag-artista.
Bukas din ang aming pahina sa magiging paliwanag ni Direk Ruel at ng TAPE sa reklamo ng magulang ni Charee.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended