Tanya, hiniling sa Diyos na mapangasawa si Aga !
May 19, 2004 | 12:00am
Inaamin ni Tanya Garcia na maliit pa siya ay pinapanood na niya si Aga Muhlach. At an age na hindi pa niya alam kung paano magka-crush ay nakadama na siya ng ganitong damdamin para sa gwapong aktor.
Maski na nung magdalaga siya ay hindi nawala sa kanya ang malaking paghanga kay Aga.
Nang makuha siya sa Star Circle Batch 5 bilang isang talent ng ABS CBN ay na-excite siya. Iisa na ang istasyon na kinabibilangan nila. Imposible na kahit minsan ay hindi sila magkita. Labing-anim na taon na siya at the time.
Hindi naman naging lihim maging sa mga kasamahan niya ang damdamin niya para kay Aga. Si Paolo Contis na madalas niyang makasama nun ay madalas siyang sinisiko para makuha lamang ang pansin niya lalot napapangarap niya si Aga.
Nabigyan ng katuparan ang kanyang pangarap nang makuha siya para mag-guest sa programa nitong Oki Doki Dok.
"Excited ako dahil matapos ang taping namin ay binibigyan niya ako ng chocolates at stuffed toy. Nasa akin pa rin ang mga ito. Yung chocolates, balat na lang na talagang itinago ko bilang souvenir," ani Tanya.
"My admiration for him grew stronger till it came to a point na ipinagdasal ko sa Diyos na sana siya ang mapangasawa ko. Wala pa akong hiniling sa kanya na hindi niya ibinigay. Yung iba, matagal bago niya ibigay pero, ibinibigay niya," natatawang sabi ni Tanya who incidentally, is tackling her most important role as an actress in Viva Films Kulimllim.
"Asawa ako ni Robin (Padilla) sa movie. I was raped at ipinaghiganti niya ako. Pinatay niyang lahat ang nang-rape sa akin," patuloy ng magandang aktres.
Sa pelikula, kinailangang mag-mature ng konti si Tanya dahilan sa ang role niya bukod sa pagiging isang asawa ay nanay din siya ng dalawang kabataan na ang panganay ay 11 years old, malapit nang magdalaga.
"Dahil nagmamadali na kami, kaya wala na kaming workshop. Basta ako, pinag-aralan ko na lang kung paano magmukhang nanay, ginawa kong very reserved ang personality ko," sabi pa niya.
Habang hinihintay natin ang rematch ng laban ni Manny Pacquiao kay "Dinamita" Marquez na kung saan ay inaasahan natin na mapunan ang ating gutom sa hustisya sa malinaw na pagkakadaya sa ating kampeon, minabuti ng Viva Video na maglabas ng pinakabagong video ni Pacquiao na pinamagatang The Peoples Champion... The saga continues.
Ito ang sequel sa nauna niyang blockbuster, ang No Fear: The Manny Pacquiao Story. Mapapanood dito ang pinaka-importanteng world title fights kabilang na ang kanyang kagila-gilalas na pagwasak sa kilalang kampeon na si Antonio Barrera. Pero para sa gustong makita si Manny sa likod ng kanyang kamaong bakal, marami silang mapupulot dito.
Mula sa The Destroyer, siya ngayon ay si Pacman, ang bago niyang palayaw na tunay na naaangkop sa kanya dahil taglay nito ang kanyang reputasyon bilang isang mabangis na boksingero at ang kapuri-puri niyang katangian bilang tao.
Ang Peoples Champion ay mabibili sa mga tindahan sa format na DVD (P299) at VCD (P199).
Nagsimula na ang nationwide summer dance tour ng Cyber Teens, isang grupo ng mga kabataang mananayaw na binubuo nina Roberto Ruiz, Emzu Schampera, Adam Corpuz, Jamir Lagarde, Jomar Ali, Jun Dumanjug, Ace Padua at Marvin Halipot kahapon, Mayo 18 sa Villa Agoncillo resort sa Bulacan.
The tour will have stops in Subic, Nueva Ecija, Pampanga, Oriental Mindoro at Cavite.
Para sa ilang mga katanungan, tawagan si Vir Mateo sa Talents Unlimited Entertainment Prods c/o Boyet.
[email protected]
Maski na nung magdalaga siya ay hindi nawala sa kanya ang malaking paghanga kay Aga.
Nang makuha siya sa Star Circle Batch 5 bilang isang talent ng ABS CBN ay na-excite siya. Iisa na ang istasyon na kinabibilangan nila. Imposible na kahit minsan ay hindi sila magkita. Labing-anim na taon na siya at the time.
Hindi naman naging lihim maging sa mga kasamahan niya ang damdamin niya para kay Aga. Si Paolo Contis na madalas niyang makasama nun ay madalas siyang sinisiko para makuha lamang ang pansin niya lalot napapangarap niya si Aga.
Nabigyan ng katuparan ang kanyang pangarap nang makuha siya para mag-guest sa programa nitong Oki Doki Dok.
"Excited ako dahil matapos ang taping namin ay binibigyan niya ako ng chocolates at stuffed toy. Nasa akin pa rin ang mga ito. Yung chocolates, balat na lang na talagang itinago ko bilang souvenir," ani Tanya.
"My admiration for him grew stronger till it came to a point na ipinagdasal ko sa Diyos na sana siya ang mapangasawa ko. Wala pa akong hiniling sa kanya na hindi niya ibinigay. Yung iba, matagal bago niya ibigay pero, ibinibigay niya," natatawang sabi ni Tanya who incidentally, is tackling her most important role as an actress in Viva Films Kulimllim.
"Asawa ako ni Robin (Padilla) sa movie. I was raped at ipinaghiganti niya ako. Pinatay niyang lahat ang nang-rape sa akin," patuloy ng magandang aktres.
Sa pelikula, kinailangang mag-mature ng konti si Tanya dahilan sa ang role niya bukod sa pagiging isang asawa ay nanay din siya ng dalawang kabataan na ang panganay ay 11 years old, malapit nang magdalaga.
"Dahil nagmamadali na kami, kaya wala na kaming workshop. Basta ako, pinag-aralan ko na lang kung paano magmukhang nanay, ginawa kong very reserved ang personality ko," sabi pa niya.
Ito ang sequel sa nauna niyang blockbuster, ang No Fear: The Manny Pacquiao Story. Mapapanood dito ang pinaka-importanteng world title fights kabilang na ang kanyang kagila-gilalas na pagwasak sa kilalang kampeon na si Antonio Barrera. Pero para sa gustong makita si Manny sa likod ng kanyang kamaong bakal, marami silang mapupulot dito.
Mula sa The Destroyer, siya ngayon ay si Pacman, ang bago niyang palayaw na tunay na naaangkop sa kanya dahil taglay nito ang kanyang reputasyon bilang isang mabangis na boksingero at ang kapuri-puri niyang katangian bilang tao.
Ang Peoples Champion ay mabibili sa mga tindahan sa format na DVD (P299) at VCD (P199).
The tour will have stops in Subic, Nueva Ecija, Pampanga, Oriental Mindoro at Cavite.
Para sa ilang mga katanungan, tawagan si Vir Mateo sa Talents Unlimited Entertainment Prods c/o Boyet.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended