^

PSN Showbiz

Monching,balak balikan si Lotlot !

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Maraming umaasa na babalikan pa rin ni Ramon Christopher si Lotlot de Leon dahil mahal pa rin niya ito. Ayon pa kay Monching ay mahirap itapon ang 15 years nilang pinagsamahan bilang mag-asawa.

Kahit may mga bulungan na may bagong boyfriend si Lotlot ay hindi naniniwala si Monching sa tsismis. Kilala niya raw ang kanyang asawa at naniniwalang hindi siya ipagpapalit nito kahit kaninuman. Palilipasin muna nito ang sama ng loob sa kanya ni Lotlot at umaasang magkakabalikan pa sila alang-alang sa kanilang anak ayon pa sa aktor.
Hanga Kay Direk Mac
Sinabi ni Ara Mina na masarap kasama si Direk Mac Alejandre dahil hindi mainitin ang ulo nito. Mula sa mga sexy films at superheroes gaya ng Sukdulan at Captain Barbell ay isang dramedy naman ang ginagawa ni Direk titled Singles.
Galing Stage Ang Baguhang Artista
Pitong taon na rin bilang stage actor ang gwapong si Jayson Silva ng Balintataw na nagsimulang mag-artista noong 16 years old lang. Makaraan ang ilang taon ay nagpasya itong tapusin ang pag-aaral sa kolehiyo kung saan graduate ito ng Mass Communication major in Broadcast Journalism sa St. Joseph College.

Matapos ang pag-aaral ay nagtrabaho ito sa Channel 13 bilang segment producer ng public affairs shows. Pero talagang malakas ang kaway ng showbiz kay Jayson kaya pinasyang lumabas muli sa pelikula at telebisyon. Habang naghihintay ng tamang project ay sa treatro muna siya para lalo pang mahasa sa akting.

Galing ang aktor ng That’s Entertainment at nakalabas na rin sa ilang pelikula gaya ng Kuratong Baleleng, Bilibid Boys, Birthday Gift at Gregorio del Pilar Story. Mas type nitong lumabas sa drama o komedi.

Naniniwala si Jayson na mabigyan lang ng tamang break ay maipamamalas niya ang galing sa pag-arte. Under negotiation ang isang sitcom o soap opera na lalabasan niya kasama ang mga sikat na artista.
Angelica, Ipinagtanggol Si Bok!
Dalawa ang lalaking nali-link ngayon kay Angelica Jones, sina Bobby Yan at Bok Brillantes ng Masculados.

Nagpaliwanag na ang seksing aktres tungkol sa pagdi-deny ni Bok sa panliligaw nito sa kanya.

"Nahihiya kasi si Bok na amining nanliligaw siya sa akin dahil ipinangako niya kay Mommy na magkaibigan lang kami. Wala naman siyang sariling disposisyon kaya minabuting mag-deny na lang. Sa totoo lang, na-realize niya namang hindi maganda para sa isang lalaki ang i-deny ang panliligaw sa isang babae," paliwanag ni Angie.
Bawal Sa Relihiyon Ang Makipag-Relasyon Sa Bakla
Ayaw ipasulat ng sikat na aktor sa mga kaibigang press people ang naging relasyon nito sa isang sikat na direktor. May ka-live in ngayon si Direk na isa ring artista.

Sey ng actor: "Bawal kasi sa aming relihiyon ang makipag-relasyon sa bakla dahil baka tanggalin nila ako. Kaya mabuti pang tumahimik na lang ako at ayaw ko nang pag-usapan pa ito. Tutal tapos na naman ang aming relasyon. Naka-live in ko rin si Direk," aniya.

Matagal-tagal na rin sa showbiz ang aktor na lumalabas din minsan bilang kontrabida. Magaling itong umarte at kahit saan ilagay ay kaya niyang gampanan ang role.

vuukle comment

ANGELICA JONES

ARA MINA

BAWAL SA RELIHIYON ANG MAKIPAG-RELASYON SA BAKLA

BILIBID BOYS

BIRTHDAY GIFT

CENTER

DIREK

LOTLOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with