Hannagene, gustong pakasalan ng negosyante
May 17, 2004 | 12:00am
Walang kapagod-pagod ang singer-comedian na si Yoyoy Villame. Pagkatapos ng ilang buwang pangangampanya, naghahanda naman ito papuntang Milan, Italy. Makakasama niya ang anak na si Hannagene Villame.
Matagal nang nasagutan ito ng mag-ama. Kaso, may nasagutan din sila sa kampanya. Si Hanna ay isang buwan sa lungsod ng Davao. Doon niya nakilala ang isang poging negosyante na nabihag ang beauty niya.
Palagi siyang pinadadalhan ng roses sa hotel na tinutuluyan niya sa Davao.
"Araw-araw ito. Ang mahal pa naman nung roses na yun," kwento ni Hanna. Pero imposible namang pigilan niya ang negosyante sa pagdadala ng roses. Tinutukso nga siya ng Visayan Jukebox King na si Max Zurban at anak na si Beth. Baka raw maging taga-Davao na siya. Ang tiyaga raw kasi ng poging negosyante.
Natigil lang ang pagpapadala nito nang tumanggi na siyang magpakasal. Wala kasi sa bukabularyo ni Hanna ang magpakasal lalo pa ngayong bumobongga na ang kanyang singing career.
Tiyak, hindi papayag ng amang si Yoyoy na bantay sarado sa kanya ngayon.
Klik ang mag-ama sa awiting revival ni Yoyoy. Pupunta rin sila sa Canada at US. Vir Gonzales

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended