^

PSN Showbiz

Ness, tanggap na ang pagkatalo

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Aware na si Alma Moreno noong gabi pa lang ng botohan na hindi siya mananalo dahil sa impluwensya ng kalaban. Nasa ikatlong pwesto ito sa bilangan kaya malabong manalo. Gayunpaman, hindi naman siya nasiraan ng loob dahil plano nito na magbalik-telebisyon. Umaasa ito na sana’y mapasama siya sa isang sitcom gaya ng Daboy En Da Girl kung saan maganda naman ang chemistry nila ni Rudy Fernandez.

Higit sa lahat, makapagpapahinga na siya at maaasikaso na ang kanyang mga anak lalo na paglabas ni Mark Anthony Fernandez sa rehabilitation center. Mas kailangan niya ngayon ang ina para maging gabay sa maagang paggaling. Kailangan lang nila ng komunikasyon para maiwasan na ng kanyang anak ang bawal na gamot.
Suspendido Sa SOP
Pinabulaanan ng manager ni Jennylyn Mercado na nag-inarte sa SOP ang kanyang alaga kaya suspendido ito ng tatlong buwan.

"Pinagpahinga muna si Jenny sa SOP dahil kailangan niyang maghanda para sa launching ng kanyang album under GMA Record. Wala namang pasabing ibinigay ang mga executives ng GMA kaya paano siya masususpindi?" sey nito.

Kailangan din ng young actress na magpahinga dahil sa rami ng commitment di lang bilang aktres kundi bilang singer din.
Gustong Sumabak Sa Aksyon
Matagal naming nakakwentuhan si Oyo Boy Sotto sa presscon ng Singles under Regal Entertainment. Kung mabibigyan ito ng solo movie, nais niya ay isang action. "Mas maganda rin kung naiiba ang tema ng action movie hindi gaya ng dati na pare-pareho ang istorya-yung inililigtas ang leading lady o kaya’y paghihiganti sa napatay na mahal sa buhay," aniya.

Inamin din nito na close sila ni Danica at nagsasabihan sila ng problema. Boto si Oyo Boy sa boyfriend ng kanyang kapatid na si Mark Escueta ng Rivermaya dahil nababaitan siya rito.

Nakadalawa na itong girlfriend-si Anne Curtis na nakarelasyon niya for two years at si Alessandra de Rossi na dalawang buwan lang.

Bakit naman kayo naghiwalay agad ni Alex, tanong namin.

"Lagi kasi kaming nagtatalo sa iba’t ibang bagay. Pareho kaming mahilig sa hip-hop sound at kapwa rin kaming mabilis magmaneho ng kotse," aniya.

Ano naman ang ikinaiba ni Nadine Samonte sa iba mong naging nobya?

"Hindi ko pa naman nobya si Nadine. Nanliligaw pa lang ako sa kanya.

"Pero mabait siya at simple lang. Higit sa lahat very appreciative siya sa lahat ng ginagawa ko," sey pa nito.
Maagaw Kaya Ng Young Actress Ang Pag-Ibig Ng Gwapong Aktor?
Nasa flirting stage daw ang young actress na ito at ang gwapong aktor na may karelasyon ngayong sikat na sexy star. Nagkita ang dalawa sa isang taping at tipong nagka-crush agad ang young actress sa aktor dahil malakas ang appeal nito. Magaan agad ang loob nila sa isa’t isa hanggang maging textmate na sila ngayon.

Ano kaya ang masasabi ng seksing aktres na ka-on ng gwapong aktor kapag nalaman nito na nagpi-flirt din ang kanyang mahal? Syempre, mas bata ang aktres kaysa sa kanya at sexy din ito.

Parang trianggulo ng pag-ibig na pwedeng isalin sa isang soap opera o pelikula.

vuukle comment

ALMA MORENO

ANNE CURTIS

ANO

CENTER

DABOY EN DA GIRL

GUSTONG SUMABAK SA AKSYON

HIGIT

JENNYLYN MERCADO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with