First major solo concert ni Michael V.
May 15, 2004 | 12:00am
Itinanggi ng concert queen na si Pops Fernandez na balak niyang bumalik ng ABS-CBN pagkatapos ng kanyang teleserye sa GMA-7, ang Twin Hearts. Ayon kay Pops, walang rason para bumalik siya sa Kapamilya network. Una, wala umanong alok sa kanya. Pangalawa, masaya na umano siya sa kanyang mga programa ngayon sa GMA. Bukod kasi sa Twin Hearts, nariyan pa ang kanyang sitcom na All Together Now kasama sina Christopher de Leon, Johnny Delgado at Edgar Mortiz. Siya rin ang kinuha bilang kapalit ni Lani Misalucha bilang co-host ni Junie Lee (Michael V.) sa Celebrity Turns tuwing Sabado ng gabi. Paminsan-minsan din ay nasa SOP siya.
Personal din niyang pinabulaanan na may plano na sila ng boyfriend niyang si Brad Turvey na magpakasal. Speaking of Pops, expired na ang kanyang kontrata sa Viva Records kaya naghahanap siya ngayon ng bagong record label na malilipatan lalo pat may bago siyang konsepto na nasa isip.
Natutuwa kami para sa aming kababayan sa Cainta, Rizal na si Mon Ilagan (ng ABS-CBN News Department) dahil ito ngayon ang nangunguna sa bilangan sa pagka-alkalde ng Cainta na matagal-tagal na ring panahong pinamumunuan ng mga Felix. Ang buong akala pa nga namin ay mahihirapan si Mon dahil ang nakalaban niya ay siyang nakapwesto, may impluwensya at may pera.
Pero naghahanap marahil ang mga taga-Cainta ng mga pagbabago sa nasabing lugar kaya mas pinaboran nila ang isang bagito sa pulitika na tulad ni Mon. Ganunpaman, dapat pahalagahan ni Mon ang tiwala na ibinigay sa kanya ng mga botante ng Cainta sa pamamagitan ng magandang serbisyo. Kapag naging maganda ang kanyang serbisyo, ang unang tatlong taong ilalagi niya bilang alkalde ay puwedeng ma-extend sa dalawa pang termino at puwedeng umabot ng siyam na taon.Ang unang pakiusap ko kay Mon ay bigyang pansin niya ang trapiko sa junction (Ortigas Extension) na lalo lamang lumalala. Pagandahin ang main road ng Cainta patungong Sta. Lucia Grand Mall at i-improve ang drainage system para maiwasan ang matinding baha sa tuwing dumarating ang tag-ulan.Kung hindi sana napapabayaan ang Cainta, matagal na sana itong naging siyudad tulad ng mga kalapit nitong bayan ng Pasig at Marikina.
Dalawang beses nang nabigo ang aktor na si Gary Estrada sa kanyang attempt na maging alkalde ng San Antonio, Quezon pero hindi ito nangangahulugan na tuluyan na niyang tatalikuran ang pulitika. Naniniwala si Gary na pana-panahon lamang ito at hindi pa rin nawawala sa kanyang puso ang hangarin na makapag-lingkod.
Samantala, kung hindi man pinalad si Gary sa ikalawang pagkakataon, kabaliktaran naman ang nangyari sa kanyang half-brother na si E.R. Ejercito na muling nahalal sa pagka-alkalde ng Pagsanjan, Laguna.
Tila nawalan na rin ng kinang ang political career ni Caloocan Mayor Rey Malonzo dahil hindi lamang siya ang natalo kundi maging ang kanyang misis na si Gigi.
Since parehong hindi pinalad ang dating mag-asawang Joey Marquez at Alma Moreno, tiyak na balik-showbiz ang dalawa. Balik si Joey sa kanyang hosting job sa S-Files at sa kanyang weekly sitcom na Lagot Ka, Isusumbong Kita na parehong napapanood sa GMA-7. Bago pa man magsimula ang kampanya, gusto sana naming payuhan si Alma na huwag na nitong ituloy ang kanyang planong pagtakbo sa pagka-mayor ng Parañaque pero ayaw naming magmukhang kontrabida sa kanya. Sa simulat sapul ay alam na naming mahihirapan siya dahil bukod sa experience, may pera ang kanyang mga kalaban sa pulitika. Sa mga talunang pulitiko, natalo man kayo, tiyak na meron kayong natutunan kahit papaano. Kailangan lamang na marunong kayong tumanggap ng inyong pagkatalo.
Tiyak na magiging exciting ang kauna-unahang major solo concert ng dating rapper-turned comedian na si Michael V. na gaganapin sa Araneta Coliseum sa darating na Hulyo 17 na may pamagat na Show Ko To na ididirek ni Erik Matti. Kakaiba ang konsepto ng concert ni Michael V. na siya mismo ang magku-conceptualize. Itoy magkatulong na ipu-produce ng OctoArts Entertainment na pinamumunuan ni G. Orly Ilacad at ng X-Zone ni Dondon Monteverde.Si Michael V. ang creative director at isa sa mga lead stars ng long-running and top-rated gag show na Bubble Gang. Si Michael V. rin ang lone talent na mina-manage hanggang ngayon ni G. Ilacad. Bukod sa concert, naghahanda rin ang OctoArts ng movie project para kay Michael V. na huling napanood sa Fantastic Man na pinagbidahan ni Vic Sotto.
Email: [email protected]
Personal din niyang pinabulaanan na may plano na sila ng boyfriend niyang si Brad Turvey na magpakasal. Speaking of Pops, expired na ang kanyang kontrata sa Viva Records kaya naghahanap siya ngayon ng bagong record label na malilipatan lalo pat may bago siyang konsepto na nasa isip.
Pero naghahanap marahil ang mga taga-Cainta ng mga pagbabago sa nasabing lugar kaya mas pinaboran nila ang isang bagito sa pulitika na tulad ni Mon. Ganunpaman, dapat pahalagahan ni Mon ang tiwala na ibinigay sa kanya ng mga botante ng Cainta sa pamamagitan ng magandang serbisyo. Kapag naging maganda ang kanyang serbisyo, ang unang tatlong taong ilalagi niya bilang alkalde ay puwedeng ma-extend sa dalawa pang termino at puwedeng umabot ng siyam na taon.Ang unang pakiusap ko kay Mon ay bigyang pansin niya ang trapiko sa junction (Ortigas Extension) na lalo lamang lumalala. Pagandahin ang main road ng Cainta patungong Sta. Lucia Grand Mall at i-improve ang drainage system para maiwasan ang matinding baha sa tuwing dumarating ang tag-ulan.Kung hindi sana napapabayaan ang Cainta, matagal na sana itong naging siyudad tulad ng mga kalapit nitong bayan ng Pasig at Marikina.
Samantala, kung hindi man pinalad si Gary sa ikalawang pagkakataon, kabaliktaran naman ang nangyari sa kanyang half-brother na si E.R. Ejercito na muling nahalal sa pagka-alkalde ng Pagsanjan, Laguna.
Tila nawalan na rin ng kinang ang political career ni Caloocan Mayor Rey Malonzo dahil hindi lamang siya ang natalo kundi maging ang kanyang misis na si Gigi.
Since parehong hindi pinalad ang dating mag-asawang Joey Marquez at Alma Moreno, tiyak na balik-showbiz ang dalawa. Balik si Joey sa kanyang hosting job sa S-Files at sa kanyang weekly sitcom na Lagot Ka, Isusumbong Kita na parehong napapanood sa GMA-7. Bago pa man magsimula ang kampanya, gusto sana naming payuhan si Alma na huwag na nitong ituloy ang kanyang planong pagtakbo sa pagka-mayor ng Parañaque pero ayaw naming magmukhang kontrabida sa kanya. Sa simulat sapul ay alam na naming mahihirapan siya dahil bukod sa experience, may pera ang kanyang mga kalaban sa pulitika. Sa mga talunang pulitiko, natalo man kayo, tiyak na meron kayong natutunan kahit papaano. Kailangan lamang na marunong kayong tumanggap ng inyong pagkatalo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended