Flop ang show ng StarStruck sa Expo Filipino!
May 14, 2004 | 12:00am
Nung unang ipakilala sa amin ang kilalang young star ng sikat na TV network ay naartehan na kami. Maarte na nga ang mukha niya at kilos ay maarte pa rin siyang magsalita.
Hindi namin masyadong pinansin ang young star dahil unang-una ay napulsuhan na naming hindi siya sisikat ng husto dahil may attitude problem ito.
Wholesome ang image niya sa lahat, although umamin namang naging boyfriend niya ang isa ring young actor na halos singlaki lang niya, pero break na sila nung aminin niya, what else is new?
Ang hindi namin ma-take ay nung nakipag-one night stand ito sa isang actor/TV host na halos doble ang tanda sa kanya at kilalang playboy.
Nagulat kami nang marinig ang kwento dahil hindi namin lubos maisip kung paano pumatol ang isang young star sa halos tatay na niya, yun nga lang, malakas pa rin ang appeal sa chicks ng aktor na hiwalay sa asawat may mga anak na at ngayoy kasalukuyang may jowang nagbabalik-showbiz.
Super flop pala ang show ng StarStruck sa Expo Filipino last May 6 dahil ang 16,000 seating capacity ay limang daan lang ang nanood.
Naloka rin ang organizer ng show at maging ang staff ng Expo Filipino, Clark, dahil hindi nila ini-expect na ang sangkaterbang myembro ng StarStruck ay hindi pala ganun kalakas? At pawang press releases lang daw ang mga nababasa nila sa pahayagan.
Wrong venue raw kasi ang Expo Filipino para sa StarStruck dahil pawang bagets din daw ang followings nila, e, ang Expo Filipino ay AB ang crowd, bukod pa sa walang pampasaherong sasakyang pumapasok sa venue. Sana lang ay sa gym na lang ng Pampanga ginawa ang show para madaling puntahan.
Hindi rin daw kasi maganda ang promotion dahil ang Final Four na sina Rainier Castillo, Mark Herras, Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi lang ang ibinebenta gayung kasama rin pala sa show ang Avengers na sina Tyron Perez, Alvin Aragon, Dion Ignacio, Anton dela Paz, Christian Esteban, Sheena Halili, Katrina Halili, Jade Lopez, Nadine Samonte at Cristine Reyes na singlaki lang ng ID picture ang mukha nila sa posters na nakapaskel sa venue at puro mukha ng Final Four ang malalaki.
Di kaya sawa na ang tao sa Final Four dahil sila na lang ang laman sa telebisyon?
Hindi na mapapanood tuwing Sabado ang StarStruck Kids dahil ang timeslot nila na Sabado ay kukunin na ng 24 Oras nina Mel Tiangco at Mike Enriquez.
Yes, extended na til Saturday ang news program ng GMA7 dahil nalaman nilang may TV Patrol na rin tuwing Sabado ang Dos.
Nanghinayang naman kami sa StarStruck Kids dahil tuwing Sabado lamang ito humahataw sa ratings at maski na anong itapat na programa dito ng ABS-CBN ay hindi pa natalo ang SSK.
Hindi namin masyadong pinansin ang young star dahil unang-una ay napulsuhan na naming hindi siya sisikat ng husto dahil may attitude problem ito.
Wholesome ang image niya sa lahat, although umamin namang naging boyfriend niya ang isa ring young actor na halos singlaki lang niya, pero break na sila nung aminin niya, what else is new?
Ang hindi namin ma-take ay nung nakipag-one night stand ito sa isang actor/TV host na halos doble ang tanda sa kanya at kilalang playboy.
Nagulat kami nang marinig ang kwento dahil hindi namin lubos maisip kung paano pumatol ang isang young star sa halos tatay na niya, yun nga lang, malakas pa rin ang appeal sa chicks ng aktor na hiwalay sa asawat may mga anak na at ngayoy kasalukuyang may jowang nagbabalik-showbiz.
Naloka rin ang organizer ng show at maging ang staff ng Expo Filipino, Clark, dahil hindi nila ini-expect na ang sangkaterbang myembro ng StarStruck ay hindi pala ganun kalakas? At pawang press releases lang daw ang mga nababasa nila sa pahayagan.
Wrong venue raw kasi ang Expo Filipino para sa StarStruck dahil pawang bagets din daw ang followings nila, e, ang Expo Filipino ay AB ang crowd, bukod pa sa walang pampasaherong sasakyang pumapasok sa venue. Sana lang ay sa gym na lang ng Pampanga ginawa ang show para madaling puntahan.
Hindi rin daw kasi maganda ang promotion dahil ang Final Four na sina Rainier Castillo, Mark Herras, Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi lang ang ibinebenta gayung kasama rin pala sa show ang Avengers na sina Tyron Perez, Alvin Aragon, Dion Ignacio, Anton dela Paz, Christian Esteban, Sheena Halili, Katrina Halili, Jade Lopez, Nadine Samonte at Cristine Reyes na singlaki lang ng ID picture ang mukha nila sa posters na nakapaskel sa venue at puro mukha ng Final Four ang malalaki.
Di kaya sawa na ang tao sa Final Four dahil sila na lang ang laman sa telebisyon?
Yes, extended na til Saturday ang news program ng GMA7 dahil nalaman nilang may TV Patrol na rin tuwing Sabado ang Dos.
Nanghinayang naman kami sa StarStruck Kids dahil tuwing Sabado lamang ito humahataw sa ratings at maski na anong itapat na programa dito ng ABS-CBN ay hindi pa natalo ang SSK.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended