^

PSN Showbiz

Uso pa ba ang harana?

- Veronica R. Samio -
Hindi ako magtataka kung balang araw ay tumaas ang appreciation ng mga kabataan ng Marikina City sa musika. Ngayon pa lamang ay nagsisimula na ang pamahalaan nito sa pamamagitan ng kanilang Marikina Historial, Cultural at Arts Council sa tulong ni Mayor Marides C. Fernando sa pamamagitan ng Marikina Cultural Affairs Office na sanayin ang mga kabataan nila sa pakikinig ng mga magagandang musika at pataasin ang antas ng kanilang art appreciation. Layunin din na i-promote ang creative skills ng mga Marikeños.

Bukas, Mayo 15, Sabado, sa ika-7:30 ng gabi, isang magandang palabas ang nakatakdang mapanood sa Teatro Marikina na matatagpuan sa Shoe Ave., San Roque, Marikina City na pinamagatang A Night of Filipino Classical Music (Harana sa Bayan) na magtatampok sa world renowned Philippine Madrigal Singers na sa susunod na linggo ay magtutungo ng Europa.

Ang palabas ay isang love call and offering hindi lamang para sa mga kabataan ng Marikina kundi maging sa mga myembro ng komunidad. Bukod sa Philippine Madrigal Singers, tampok din sa nasabing palabas ang the three Tenors na binubuo nina MMDA Chairman Bayani Fernando, Sec. Joey Lina at Sec Angelo Reyes. Ang palabas ay nasa direksyon ni Nanding Josef, isa ring Marikeño. Pangunahing layunin ng tatlo ang suportahan ang proyekto, pangalawa lamang ang bigyan laya ang kanilang talino sa pag-awit.

Mabibili na ang tiket sa Marikina Cultural Office, Teatro Marikina at Kapitan Moy. Para sa ibang detalye, tumawag sa 6473330/6462360 loc. 221/789-8554/0917-8510887/0920-8688129.
* * *
Ang Philippine Madrigal Singers ay unang nakilala sa mundo nung 1969 sa pamamagitan ng First Choruses of the World Festival na ginanap sa Lincoln Center New York. Ito ang nagbigay daan para makasali sila sa maraming international world competitions – Spittal (Australia), Arezzo at Gorizia (Italy), Neuchatel; (Switzerland, Debrecen (Hungary), Varna (Bulgaria), Tolosa (Spain) at Marktoberddorf (Germany) na kung saan ay nagawa nilang ilagay ang Pilipinas sa world’s cultural map.

Ang Philippine Madrigal Singers ay isang grupo ng mga mag-aaral, faculty members at alumni na mula sa iba’t ibang colleges ng UP na pinag-iisa ng kanilang pagkanta at may layunin na itaas ang choral singing sa bansa sa lebel ng international art form na kilala natin ngayon.
* * *
Magsisimula na ang computer training ng Mowelfund bilang bahagi ng kabilang livelihood program sa Mayo 17-22 sa Mowelfund Plaza, No. 66 Rosario Drive, Cubao, QC.

May dalawang sesyon ito, ang isa ay sa ika-8:00 NU-12:00 NT at ang ikalawa ay sa 1:00-5:00 NH, Lunes hanggang Biyernes. Ito ay joint project ng Mowelfund at Bagong Henerasyon Foundation, Inc.

Lahat ng interesadong myembro ay maaaring magparehistro sa Social Welfare Office sa Mowelfund Plaza. Hanapin lamang si Ms. Jacque Patual. Magdala ng 2 1X1 pic. Tumawag sa Tel # 7271915/727-1961.

A NIGHT OF FILIPINO CLASSICAL MUSIC

ANG PHILIPPINE MADRIGAL SINGERS

ARTS COUNCIL

BAGONG HENERASYON FOUNDATION

MARIKINA

MARIKINA CITY

MOWELFUND PLAZA

PHILIPPINE MADRIGAL SINGERS

TEATRO MARIKINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with