^

PSN Showbiz

Bong Revilla may ibinabahay

-
Ngayong tapos na ang botohan at naghihintay na lamang tayo kung sino ang mananalo sa mga kumandidato, I think this is the right time for me to write this article upang hindi naman ako masabihang sinisiraan si upcoming Senator Bong Revilla.

I’m giving upcoming Senator Bong the benefit of the doubt because in the first place, I don’t know if this is true, though my source told me everything and even dared me to investigate to see with my own two eyes the real truth about the Bong Revilla-Cheska Garcia brouhaha.

Tulad nga ng sinabi ko, isang listener namin ni Tito Jimmy Morato sa aming programang Chachahin Mo Baby sa DWIZ ang tumawag sa akin upang ibigay ang kanyang nalalaman sa pinagpyestahang balita tungkol kina Bong at Cheska. Ayon sa aming listener na isang lalaki at nasa mid 50’s na ang edad, he just wants to impart this piece of news to clarify na rin at tuloy ay maiwas na ng tuluyan si Cheska sa intriga. Ito’y pagkatapos na pagkatapos kong ma-interview ang nanay ni Cheska na si Mrs. Bing Garcia upang humingi ng update kaugnay sa kasong isinampa nila sa mga pulis Baler na umaresto kay Patrick Garcia.

Ayon sa aming listener, totoong may ibinabahay daw si Bong, ngunit hindi ang not-so-young actress na si Cheska kung hindi ibang babae. Kaya lamang umano napagkamalang si Cheska ang naturang babae na nasa edad disi-otso hanggang disi-nueve ay dahil may pagkakahawig ito kay Cheska at isa ring mestiza.

Umano’y kilala niya sa mukha ang sinasabing karelasyon ni Bong dahil halos magkapitbahay sila nito sa Manuela Subdivision sa Las Piñas kung saan nakita niya rin umanong bumisita doon si Bong. Idinagdag pa ng aming listener na akala niya ay kapatid o kaya’y anak lamang ni Bong ang naturang babae ngunit iyon pala ay karelasyon na nito. At tulad ng mga ginagawa ng ibang artista na may bawal na pag-ibig ay hating-gabi niya ring nakita si Bong nang bumisita ito. Halos nasa harapan umano ng isang basketball court ang bahay ng naturang karelasyon ni Bong.

Samantala, ayaw namang pangalanan ng aming listener ang girl upang mapangalagaan naman daw kahit paano ang privacy nito. Idinetalye rin sa akin ng aming listener kung paano mapupuntahan ang sinasabing pugad ni Bong at ng naturang girl. Well, tulad nga ng panawagan namin sa aming programa, bukas din kami sa anumang panig ni upcoming Senator Bong Revilla. Tonton Villamor

AMING

AYON

BONG

BONG REVILLA

CHACHAHIN MO BABY

CHESKA

CHESKA GARCIA

LAS PI

MANUELA SUBDIVISION

SENATOR BONG REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with