^

PSN Showbiz

Kristine, 2 o 3 taon pa bago makakawala sa ABS-CBN !

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Masayang ibinalita sa akin ni ABS-CBN production director for drama Cathy Ochoa-Perez na muling namayani sa ratings ang lahat ng soap opera ng ABS-CBN. Halos lahat ng teleserye ng ABS-CBN ay hindi na bumababa sa 40% mark. Ito ay ang Marina, Sana’y Wala Nang Wakas, It Might Be You at Basta’t Kasama Kita.

Kahit ang iba pang drama programs ‘tulad ng Maalaala Mo Kaya, Mangarap Ka, Sarah, The Teen Princess, Tara Tena at Wansapanataym ay namamayani rin sa kani-kanilang timeslots.

"We just want the public to know that the management of ABS-CBN is very pleased with the strong support that we are getting from our loyal viewers. Be assured that we will continue to provide the viewers with the best drama programs, new concepts and casting combinations in our future shows. Salamat talaga sa suporta ng viewers," sabi ni Inay Cathy, as she is fondly called by friends.

Ibinalita rin ni Inay Cathy ang paglulunsad ng mga bagong programa soon.

"Surprise," sabi nito. "Matutuwa ang mga loyal viewers ng mga teleserye ng ABS-CBN sa mga nakahanda naming programa."

Tanggap na pala ng GMA 7 na mahihirapan na nilang tapatan ang taas ng rating at ganda ng production values ng mga drama shows ng ABS-CBN sa katunayan, ang pinakamataas na rating na nakukuha ng kanilang drama show ay nasa 20% mark lang.

Speaking of Cathy Perez, gusto ko siyang batiin ng belated birthday greetings. She turned a year older last May 1. Happy birthday, Inay Cathy. May you continue be a blessing and inspiration to your friends, family and to your people.
* * *
Maganda ang feedback ng nakaraang episode ng Maalaala Mo Kaya – ang The Rene Cayetano Story na tinampukan nina Ronaldo Valdez at John Lloyd Cruz. One common feedback sa episode ay ang magandang pagtitinginan sa pamilya Cayetano. Na-highlight sa episode ang sakripisyo ng anak para sa kanyang ama.

Matatandaan na walang pag-iimbot na ibinigay ni Lino ang 80 percent ng kanyang liver para sa ama nang mag-undergo ito ng liver transplant last year. Mahusay na nagampanan ni John Lloyd ang role bilang Lino.

Sa kabuuan ng episode, iisa ang masasabi mo sa pamilya Cayetano – isa silang magandang ehemplo ng pamilyang Pilipino.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapagdirek ng isang drama episode si Lino Cayetano at nangyari pa ito sa ABS-CBN. Kilala si Lino bilang isang GMA 7 direktor.

Kahit ang mga MMK staff ay hanga sa naging work experince nila with Lino.

"Expected na maging emotional siya dahil he is directing no less his family’s story," says an MMK staff. "He has his own style as a director. Nakita naman ‘yon sa episode."

Kung masusundan ang first directorial job ni Lino sa ABS-CBN, it will be up to Direk Lino raw. Nakabukas ang pintuan ng ABS-CBN para sa isang dating kapamilyang nagbabalik.
* * *
May reaction ang ABS-CBN Talent Center sa lumabas na balitang magma-migrate na sa Canada si Kristine Hermosa. Ayon kay Alan Real, senior talent supervisor, hindi totoong nakatakdang umalis na ng bansa ang kanyang artista.

"It’s not true," sabi ni Alan. "Kristine has existing contract with us. She recently signed up contracts for new endorsements. After Sana’y Wala Nang Wakas, nakahanda na ang new show niya. Pati na rin sa Star Cinema.

Nilinaw ni Alan na kung may plano man daw mag-migrate si Kristine sa Canada, hindi ‘yon urgent. "Maybe in the next 2 or 3 years pero hindi ‘yon magti-take place ngayon. Marami siyang trabahong sisimulan," sabi pa ni Alan.

Magiging abala si Kristine sa mga susunod na araw para sa promo ng All My Life ang first screen team up nila ni Aga Muhlach. Pinag-uusapan na ang movie dahil sa magandang trailer nito.

ABS

AGA MUHLACH

ALAN REAL

ALL MY LIFE

CBN

INAY CATHY

KRISTINE

MAALAALA MO KAYA

WALA NANG WAKAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with