Nanunutok din ng baril ang actor/politician kapg nagseselos sa gf
May 11, 2004 | 12:00am
Puring-puri ang ugali ng aktor na ito na isa ring pulitiko. Pero nang makausap ko ang isang kaibigan ay naikwento nito ang tungkol sa isang insidente na taliwas sa ugali ng aktor na hinahangaan ng marami lalo na ang isang sikat ding aktres na nali-link sa kanya ngayon.
Sey nito "Naku! Mainitin din ang ulo nya dahil minsan ay natitigan lang ng isang gwapong med-representative ang kanyang girlfriend, tinutukan niya agad ito ng baril. Gandang-ganda kasi ang med-rep sa nobya ng aktor na nag-artista din noon. Ewan ko lang kung nagbago na siya ng ugali ngayon," sey ng aking kaibigan.
Ang sikat na aktor ay nanggaling sa angkan ng mga artista pero mas binibigyan ng prioridad ang pagiging pulitiko. Kasalukuyan itong nali-link sa isang TV host.
Nagkaroon Ng Stretch Marks Nang Magpa-Body Scrub Ng May Monthly Period!
Isa sa may pinakamagandang mukha sa kalipunan ng mga sexy stars si Tracy Torres at never pa nitong ipinagagalaw ang kanyang mukha o katawan. Ayon sa kanya, wala namang masama kung iparetoke ang katawan o mukha ng isang sexy actress. "Ingat na ingat din ako sa tulong ng aking manager sa paghahanap ng tamang doctor na magpapaganda. Mas type ko ang isang lehitimong doctor gaya ni Dr. Jonathan Dizon na nangangalaga sa aking kagandahan lalo na sa aking balat. One time kasi ay nagpa-body scrub ako sa isang kilalang doctor. Pero ang gumawa ay ang kanyang attendant. Nagkataong may mens ako kaya tinanong ko kung di ba ito masama. Sinabi ng attendant na hindi naman masama kaya pumayag ako. Pero nagkaroon ito ng epekto kung saan nagkaroon ako ng stretch marks. Mabuti na lang at nawala ito sa tulong ng aking doctor ngayon. Pagdating sa pagpapaganda ay wala akong beauty routine pero maganda pa rin ang aking kutis. Mahalaga ang balanced diet at exercise," aniya.
Malapit na itong maging freelancer dahil tapos na ang kanilang kontrata sa Leo Films at may natatanggap na silang movie offer na pinag-aaralan ng kanyang manager. Paborito sa mga TV guesting ang aktres, sa Mens Room na mapapanood sa May 28 sa Studio 23 na magsisimula ang airing sa June 8 gayundin sa Magandang Umaga sa Celebrity Portion ng Salamat Dok.
Sa May 28 ay nasa Casino Filipino ito for a fashion show sa kagandahang loob ni Armando Favia.
Kung ang ibang ampon ay nagrerebelde ay taliwas ito kay Mark Herras. Mahal nito ang kinagisnang ama at hindi naman nagkikimkim ng sama ng loob sa tunay na ama kahit wala na silang komunikasyon. Kahit iniintriga siyang bading ang kanyang kinalakhang ama ay hindi siya apektado. Ang daddy niya ang humahawak ng pera at binibigyan na lang siya nito ng weekly allowance. Nag-iipong mabuti si Mark para makabili ng bagong sasakyan.
Naiintriga rin ito tungkol sa pagpapabaya sa kanyang ina na may sakit. Dumalaw naman daw si Mark sa kanyang ina at kapag natanggap na ang ibang talent fee mula sa kanyang kinikita sa pagiging artista ay hindi naman ito nakakalimot sa pagbibigay ng pera sa kanyang ina.
Inamin ni Mark kung gaano niya kamahal si Jennylyn Mercado kahit marami siyang kaagaw dito sa pag-ibig. Malaking bentahe nito ang pagiging magka-loveteam nila dahil halos araw-araw ay magkasama sila sa taping at mga out-of-town shows.
Enjoy si Gladys Reyes nang maranasan ang pagiging domestic helper sa Hongkong para sa Extra Challenge. Kasama niya sina Rosanna Roces at Melanie Marquez.
Kwento nga ng aktres ay naranasan niyang maglinis ng bahay ng kanyang amo, maghatid-sundo sa iskwela sa bata at maglinis ng CR. Mabuti na lang at mabait ang naging amo nito.
Sa kabilang banda, natutuwa ang aktres dahil naging mainstay na ang kanyang asawang si Christopher Roxas ng Mangarap Ka sa Channel 2 bilang bida-kontrabida ni Piolo Pascual. Si Gladys naman ay malapit nang mapanood sa isang soap opera sa Syete kaya parehong busy sa trabaho ang mag-asawa.
Kung nabigyan ng karangalan si Judy Ann Santos sa Mano Po 2 ng Golden Screen Awards bilang Best Supporting Actress sa pamamagitan ni Joel Lamangan ay si Sunshine Dizon naman ang baka makakuha ng acting award dahil sa isang matinding role sa pelikulang Sabel na entry ng Regal Entertainment sa darating na Manila Film Festival.
Sa pelikulang ito ay makakasama niya sina Judy Ann Santos, Wendell Ramos, Rio Locsin, Isa Calzado at iba pa sa direksyon ni Joel Lamangan.
Sey nga ni Direk ay napakagaling ng portrayal ni Sunshine sa kanyang role at hanga din siya sa kahusayan nito sa pag-arte kaya laging isinasama sa kanyang mga projects.
Sey nito "Naku! Mainitin din ang ulo nya dahil minsan ay natitigan lang ng isang gwapong med-representative ang kanyang girlfriend, tinutukan niya agad ito ng baril. Gandang-ganda kasi ang med-rep sa nobya ng aktor na nag-artista din noon. Ewan ko lang kung nagbago na siya ng ugali ngayon," sey ng aking kaibigan.
Ang sikat na aktor ay nanggaling sa angkan ng mga artista pero mas binibigyan ng prioridad ang pagiging pulitiko. Kasalukuyan itong nali-link sa isang TV host.
Nagkaroon Ng Stretch Marks Nang Magpa-Body Scrub Ng May Monthly Period!
Isa sa may pinakamagandang mukha sa kalipunan ng mga sexy stars si Tracy Torres at never pa nitong ipinagagalaw ang kanyang mukha o katawan. Ayon sa kanya, wala namang masama kung iparetoke ang katawan o mukha ng isang sexy actress. "Ingat na ingat din ako sa tulong ng aking manager sa paghahanap ng tamang doctor na magpapaganda. Mas type ko ang isang lehitimong doctor gaya ni Dr. Jonathan Dizon na nangangalaga sa aking kagandahan lalo na sa aking balat. One time kasi ay nagpa-body scrub ako sa isang kilalang doctor. Pero ang gumawa ay ang kanyang attendant. Nagkataong may mens ako kaya tinanong ko kung di ba ito masama. Sinabi ng attendant na hindi naman masama kaya pumayag ako. Pero nagkaroon ito ng epekto kung saan nagkaroon ako ng stretch marks. Mabuti na lang at nawala ito sa tulong ng aking doctor ngayon. Pagdating sa pagpapaganda ay wala akong beauty routine pero maganda pa rin ang aking kutis. Mahalaga ang balanced diet at exercise," aniya.
Malapit na itong maging freelancer dahil tapos na ang kanilang kontrata sa Leo Films at may natatanggap na silang movie offer na pinag-aaralan ng kanyang manager. Paborito sa mga TV guesting ang aktres, sa Mens Room na mapapanood sa May 28 sa Studio 23 na magsisimula ang airing sa June 8 gayundin sa Magandang Umaga sa Celebrity Portion ng Salamat Dok.
Sa May 28 ay nasa Casino Filipino ito for a fashion show sa kagandahang loob ni Armando Favia.
Naiintriga rin ito tungkol sa pagpapabaya sa kanyang ina na may sakit. Dumalaw naman daw si Mark sa kanyang ina at kapag natanggap na ang ibang talent fee mula sa kanyang kinikita sa pagiging artista ay hindi naman ito nakakalimot sa pagbibigay ng pera sa kanyang ina.
Inamin ni Mark kung gaano niya kamahal si Jennylyn Mercado kahit marami siyang kaagaw dito sa pag-ibig. Malaking bentahe nito ang pagiging magka-loveteam nila dahil halos araw-araw ay magkasama sila sa taping at mga out-of-town shows.
Kwento nga ng aktres ay naranasan niyang maglinis ng bahay ng kanyang amo, maghatid-sundo sa iskwela sa bata at maglinis ng CR. Mabuti na lang at mabait ang naging amo nito.
Sa kabilang banda, natutuwa ang aktres dahil naging mainstay na ang kanyang asawang si Christopher Roxas ng Mangarap Ka sa Channel 2 bilang bida-kontrabida ni Piolo Pascual. Si Gladys naman ay malapit nang mapanood sa isang soap opera sa Syete kaya parehong busy sa trabaho ang mag-asawa.
Sa pelikulang ito ay makakasama niya sina Judy Ann Santos, Wendell Ramos, Rio Locsin, Isa Calzado at iba pa sa direksyon ni Joel Lamangan.
Sey nga ni Direk ay napakagaling ng portrayal ni Sunshine sa kanyang role at hanga din siya sa kahusayan nito sa pag-arte kaya laging isinasama sa kanyang mga projects.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 29, 2024 - 12:00am