^

PSN Showbiz

Award ni Judy Ann Santos, dinedma ng ABS-CBN

-
Gusto lang namin i-set the record straight tungkol sa naisulat dito sa PSN dated May 7 na hinarang ng ABS-CBN 2 si Judy Ann Santos para di makapag-co-host ng S-Files ng GMA 7 noong nakaraang linggo, May 2.

Isa kami sa naging saksi na may lumapit kay Alfie Lorenzo na taga-The Buzz pagkatapos ng radio program niya sa DZMM noong Sabado. Kung di kami nagkakamali ay gustong i-guest si Juday sa naturang Sunday showbiz show na agad sinagot ng manager ng aktres na naka-schedule na ang aktres na maging co-host ng S-Files kinabukasan.

Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik kay Tito Alfie ang taga-The Buzz at nag-request kung pwedeng makunan na lang ang aktres ng tape interview para maipalabas sa kanilang programa habang live sa pagko-host sa Siyete. Pumayag naman agad ang manager pero nang kausapin ng taga-The Buzz ang in-charge sa TV promo ng I Will Suvive ay umayaw ito kaya di napagbigyan ang hiling ng programang The Buzz.

Sa pagkakaalam namin ay may dalawang pagpipiliang option kung saan dapat mag-guest si Juday in connection sa promo ng movie. Una, pwede siyang mag-promote sa SOP sa tanghali at sa The Buzz sa hapon at iyong isa, pwede siya sa ASAP Mania at sa hapon ay sa S-Files na tulad ng nangyari, ang huling option ang nasunod.

Sa kabilang banda, hindi lang si Tito Alfie ang sumama ang loob kundi ang mga tagahanga ng aktres nang di man lang nabanggit si Juday sa The Buzz sa pagkapanalo nito ng Golden Screen Best Supporting Actress Award samantalang ang mga co-winner nitong sina Albert Martinez at Ara Mina ay parehong binati.

Sa sama ng loob ng talent manager ay nakapagpahayag ito na iba talaga ang treatment ng network sa kanyang alaga na naging loyal sa Dos. Ayon sa kanya, para na nitong nakikinita na kung si Claudine ang nanalo ay tiyak isang buwang pagdiriwang ang gagawin ng ABS-CBN kumpara sa kanyang alaga na ni isang lobo ay wala para ipagdiwang ng network ang victory.

Magkaganoon man, mahinahon namang nakiharap si Tito Alfie sa taga-The Buzz at pinagsabihan itong huli na sila sa pag-schedule kay Juday, naunahan sila ng S-Files na nagbigay pa ng simpleng birthday presentation sa aktres. — Alex Datu

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

ALEX DATU

ALFIE LORENZO

ARA MINA

BEST SUPPORTING ACTRESS AWARD

BUZZ

GOLDEN SCREEN

JUDAY

S-FILES

TITO ALFIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with