May sirena na rin ang Siyete
May 9, 2004 | 12:00am
Kung may Marina ang Dos na tinatampukan ni Claudine Barretto, meron namang Marinara ang Siyete. Si Rufa Mae Quinto ang pangunahing artista. Pero naiiba naman ang tema nito. Kung ang Marina ay fantasy-drama, isang katatawanan naman ang telenobelang pagbibidahan ni Rufa Mae, pero isa rin itong sirena.
Matagal na nanirahan si Yasmien Kurdi sa ibat ibang bahagi ng Middle East kaya marami itong alam na lengwahe gaya ng Lebanese, French at English. Nalulungkot nga ito dahil matagal na niyang hindi nakikita o nakakausap man lang ang amang si Mike Kurdi na may iba nang pamilya.
Pero kahit may sama ng loob sa ama ay pinatawad na rin niya ito. Katwiran nito ay ito ang nagbigay ng buhay sa kanya.
Nag-iipon ngayon ang magandang young actress dahil gusto niyang makabili ng brand new na sasakyan. Second hand na sasakyan ang ginagamit nito. Malapit ang kanyang bahay sa GMA at pwede niya itong lakarin lalo na kung may mahalagang appointment na paminsan-minsan ay ginagawa niya.
Nakakwentuhan namin si Reggie Curley na kasama rin sa pelikulang I Will Survive bilang papa ng closet queen na si Eric Quizon.
Nagsimula si Reggie bilang winner ng Bodyshots kaya akala nila ay kailangan nitong magpa-sexy sa pelikula. "Okey naman sa akin ang magpa-sexy huwag lang maghubad gaya nang ginawa ko sa Liberated. Nagpapasalamat nga ako dahil sa magandang break na ipinagkaloob sa akin ni Mother Lily sa pelikulang ito na puro magagaling ang mga kasama kong artista gayundin si Direk Joel Lamangan," aniya. Crush nya si Dina Bonnevie. Dahil sa kaseksihan nito.
Ikinararangal namin ang aming inang si Lydia Tan Abuan na tatanggap ngayong umaga ng Ulirang Ina Award 2004 sa Hotel Intercon sa socio-civic/religious sector. Ang parangal ay mula sa Mothers Day & Fathers Day Foundation, Inc. sa pamumuno nina Justice Consuelo Santiago at Ms. Leticia Talag.
Hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa pagtulong sa mga kapuspalad ang aming ina gayundin sa mga civic projects. Dahil may pusong maka-Diyos ay naituro nito sa aming magkakapatid ang magagandang values mula sa pagkabata hanggang sa aming paglaki. Closely knit ang aming pamilya at ito ang itinuturing naming higit na yaman-walang inggitan sa aming magkakapatid at maging sa kapwa tao.
Napagtapos nito kaming lahat sa kolehiyo at may matatag na pamilya at hanggang sa kasalukuyan ay nariyan pa rin siya para maging gabay namin lalo na sa gitna ng problema. Higit sa lahat nagsilbi itong role model sa amin kaya deserving sa kanyang award.
Hindi naming siya naringgang nagmura o namalo kahit noong bata pa kami. Healthy living ang kanyang pinairal noon hanggang ngayon. Bukod sa pagiging ulirang ina ay napakabuti rin nitong asawa kaya siguro hanggang ngayon ay malakas pa rin ang aking magulang.
Masarap ang may ina na napaghihingahan ng problema. Pero mortal sin sa aming magkakapatid ang bigyan siya ng sama ng loob.
Kaya naman sa araw na ito ng Mothers Day ay bigyan natin ng pagpupugay at pagdakila ang ating mga ina.
Nalaman ko kung gaano kabuti sa kanilang ina sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes. Parang magkaibigan lang ang turingan nila sa isat isa. Kahit noong nasa Thats Entertainment pa ang dalawa ay nirerespeto nila ang kanilang ina di gaya nang ibang kabataang ginagawang alalay ang ina at nasisinghalan pa kapag hindi nadala ang kanilang gamit lalo na kung sila ang breadwinner.
Sabi nga ni Juday, hindi pa kumpleto ang kanyang kaligayahan dahil gusto pa niyang mailagay sa ayos ang kanyang ina at mga kapatid. Sa kabilang banda naman kahit may asawa na si Gladys ay halos ayaw pa rin nitong humiwalay sa kanyang ina dahil naging role model din ito sa pagiging closely-knit ng kanilang pamilya.
Kaya hindi kami magtataka kung bakit hanggang ngayon ay swerte pa rin ang dalawa sa pagpapahalagang inuukol sa kanilang inang si Mommy Carol at Mommy Zenny.
Pero kahit may sama ng loob sa ama ay pinatawad na rin niya ito. Katwiran nito ay ito ang nagbigay ng buhay sa kanya.
Nag-iipon ngayon ang magandang young actress dahil gusto niyang makabili ng brand new na sasakyan. Second hand na sasakyan ang ginagamit nito. Malapit ang kanyang bahay sa GMA at pwede niya itong lakarin lalo na kung may mahalagang appointment na paminsan-minsan ay ginagawa niya.
Nagsimula si Reggie bilang winner ng Bodyshots kaya akala nila ay kailangan nitong magpa-sexy sa pelikula. "Okey naman sa akin ang magpa-sexy huwag lang maghubad gaya nang ginawa ko sa Liberated. Nagpapasalamat nga ako dahil sa magandang break na ipinagkaloob sa akin ni Mother Lily sa pelikulang ito na puro magagaling ang mga kasama kong artista gayundin si Direk Joel Lamangan," aniya. Crush nya si Dina Bonnevie. Dahil sa kaseksihan nito.
Hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa pagtulong sa mga kapuspalad ang aming ina gayundin sa mga civic projects. Dahil may pusong maka-Diyos ay naituro nito sa aming magkakapatid ang magagandang values mula sa pagkabata hanggang sa aming paglaki. Closely knit ang aming pamilya at ito ang itinuturing naming higit na yaman-walang inggitan sa aming magkakapatid at maging sa kapwa tao.
Napagtapos nito kaming lahat sa kolehiyo at may matatag na pamilya at hanggang sa kasalukuyan ay nariyan pa rin siya para maging gabay namin lalo na sa gitna ng problema. Higit sa lahat nagsilbi itong role model sa amin kaya deserving sa kanyang award.
Hindi naming siya naringgang nagmura o namalo kahit noong bata pa kami. Healthy living ang kanyang pinairal noon hanggang ngayon. Bukod sa pagiging ulirang ina ay napakabuti rin nitong asawa kaya siguro hanggang ngayon ay malakas pa rin ang aking magulang.
Masarap ang may ina na napaghihingahan ng problema. Pero mortal sin sa aming magkakapatid ang bigyan siya ng sama ng loob.
Kaya naman sa araw na ito ng Mothers Day ay bigyan natin ng pagpupugay at pagdakila ang ating mga ina.
Sabi nga ni Juday, hindi pa kumpleto ang kanyang kaligayahan dahil gusto pa niyang mailagay sa ayos ang kanyang ina at mga kapatid. Sa kabilang banda naman kahit may asawa na si Gladys ay halos ayaw pa rin nitong humiwalay sa kanyang ina dahil naging role model din ito sa pagiging closely-knit ng kanilang pamilya.
Kaya hindi kami magtataka kung bakit hanggang ngayon ay swerte pa rin ang dalawa sa pagpapahalagang inuukol sa kanilang inang si Mommy Carol at Mommy Zenny.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended