^

PSN Showbiz

Jennylyn, nakabili na ng sasakyan at condo

-
Napaka-bilis ng pag-asenso ni Jennylyn Mercado! Kailan lamang siya nanalo bilang StarStruck Survivor pero, kilala na siya sa apat na sulok ng bansa. Hindi lamang ito, mayro’n na siyang nabiling sariling sasakyan at isang condo unit. Dapat ay matuwa na siya dahil napakabata pa niya para makapag-pundar ng mga nabanggit na bagay pero, kasabay naman nito ay ang pagdagsa ng mga hindi magagandang balita tungkol sa kanya na hindi lamang nakasisirang puri, kundi nakakahiya pa.

Gaya ng diumano ay pagkakaro’n niya ng anak. Dahilan para idemanda niya ang isang reporter na nagpasimuno ng pagsusulat ng balita na hanggang ngayon ay pinagdidiinan niyang hindi totoo!

Hindi lamang sila sa Census makakakita ng mga records na makakapagpatunay kung ilang taon talaga si Jennylyn at kung ano ang estado niya sa buhay. May records din siya sa iskwela na pinag-aralan niya, ang Agustinian Abby School. May record din na available sa Music Studio ni Susana Pichay kung saan ay matagal na siyang nag-aaral ng boses. –Virgie Balatico

vuukle comment

AGUSTINIAN ABBY SCHOOL

DAHILAN

DAPAT

GAYA

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

KAILAN

MUSIC STUDIO

NAPAKA

SUSANA PICHAY

VIRGIE BALATICO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with