^

PSN Showbiz

Bukod sa piracy, malaking problema na rin ng industriya ng pelikula ang smuggling!

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Noong tumaas ang halaga ng dolyar, natural tumaas din ang cost of production ng pelikula. Ang ginawa ng mga producers, sa halip na magdagdag ng puhunan ay gumawa ng mga pelikulang pitu-pito. Yan yong mga pelikulang tinipid ang pagkakagawa at minadali pa, para mas makatipid pa. Ang mga artista ay binabayaran per day, para maiwasan ang malaking talent fee. Kahit na may kaunting mali, sige na lang para makatipid sa negatibo.

Dahil diyan, bumagsak ang kalidad ng pelikulang Pilipino. Nahalata naman yon ng mga tao, kaya hindi na sila nanood. Bumagsak ang industriya. Kumikita ang mga pelikula kung may festival, dahil alam nila na ang mga pelikulang isinasali roon ay ginagastusan ng husto. Pero kung hindi festival, bagsak ang mga pelikula.

Ganyan din ang nangyari sa film industry ng Korea noong araw. Bumagsak ang kanilang industriya ng pelikula. Hanggang isang araw, may producer na gumawa ng isang pelikulang high budget yong Shiri. Kumita yon ng napakalaki, at nagsimula ang panibagong trend sa Korea. Ginagastusan na nila ang kanilang mga pelikula at kumikita naman ng malaki ang mga yon.

Nitong mga nakaraang araw, marami kaming napapanood na pelikulang Koreano. Napanood namin yong Untold Scandal na ang bida ay ang matinee idol na si Bae Yong Joon na lumabas ding bida sa telenovela na Winter Sonata.

Napanood din namin yong Musa The Warrior, na isang epic talaga ang dating.

Iyan ang matagal na naming sinasabi. Gumawa tayo ng mga matitinong pelikula at kikita ang ating industriya. Marami tayong ginagamit na excuses, pati na ang sensura. Hindi yon ang problema eh.

Ang problema talaga, binababoy kasi natin ang ating mga pelikula. Wala tayong ginawa kundi mga walang kwentang comedy o kaya ay bomba.

Ngayon tingnan ninyo, hindi ba nasa kamotehan ang ating industriya?
* * *
Napag-usapan na rin lang yang mga Korean movies. Yong nabibili naming Korean movies ay nasa DVD, pero hindi yon pirated copies.

Original iyon pero smuggled dahil hindi iyon para ibenta sa Pilipinas.

Sa Baguio City noong isang linggo, nakabili rin kami ng original DVD mula sa Singapore ng pelikulang War and Peace na ginawa ng direktor na si Sergei Bondarchuk, ito iyong Russian version ng klasikong nobela ni Leo Tolstoy.

Ang punto namin ngayon ay ito, hindi lang piracy ang problema kung di smuggling. Hindi nga pirated ang mga DVD na yan eh, pero makikita mo, "not for sale outside of Singapore".

Ibig sabihin, binili roon at ipinasok sa Pilipinas nang illegal. Hindi sila nagbabayad ng tax. Hindi ba talaga mapipigil yan?
* * *
Sabi ng isang kaibigan namin sa Baguio, madalas daw nilang makita ang isang female star na namamasyal sa Baguio. Madalas daw sa view deck ng isang mall doon, at may kasamang DOM.

Madalas daw na mag-shopping sa mall ang female star, at nagtataka sila bakit doon kailangang mag-shopping ang female star.

Bakit hindi rito sa Metro Manila, kung saan mas maraming shops?

BAE YONG JOON

BUMAGSAK

ISANG

LEO TOLSTOY

MADALAS

METRO MANILA

MUSA THE WARRIOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with