Mother Lily,walang hinihinging kapalit sa mga tinutulungang showbiz politicians
May 7, 2004 | 12:00am
Kung mayrong isang movie producer na tumutulong sa mga artista natin, at maski na yung mga hindi na sumasabak sa pulitika, ito ay walang iba kundi ang matriarka ng Regal Films na si Lily Monteverde, Mother Lily sa mga nakakakilala sa kanya. Ikalawang presidentiable na si Fernando Poe, Jr. sa mga tinutulungan niya. Una siyang tumulong kay dating pangulong Fidel Ramos. Inilapit na rin niya sa print media, partikular sa showbiz media si Loren Legarda nung una itong tumakbong senador. Ganundin sina Gringo Honasan, Franklin Drilon, Ralph Recto, Kiko Pangilinan, at Tito Sotto.
Sa eleksyon sa Lunes, marami siyang sinusuportahan Loren, Lito Lapid, Ernesto Herrera, Ernesto Maceda, Juan Ponce Enrile, Bong Revilla, Boots Anson Roa, Jinggoy Estrada, at si FPJ.
"Actually, Im not even close to Ronnie Poe. He made only one movie for Regal in the mid-80s, Batang Quiapo, opposite Maricel Soriano. Regal was not doing so well and here comes Da King offering his services. He requested me to let him take care of everything, from script to shooting to post production. Batang Quiapo was a blockbuster. From then on, I was an admirer of FPJ."
She continues, "Ronnie didnt talk much, he still does not. But he delivers. FPJ is not a man of action. Im closer to his wife, Susan Roces, who made a number of movies for Regal. Im a fan of Susan from way back, such a beautiful person inside and out. She will make an ideal first lady."
Kung manalo si Da King, walang inaasahan dito si Mother Lily. "Wala akong hihilinging pabor o posisyon. Ill not even go to Malacañang. Its enough that a decent and hardworking man is elected president."
Nagdiriwang ng kanyang ika-25th anniversary ang Miss Gay Philippines na ang competition sa taong ito ay magaganap sa D Point Italian Bar & Restaurant sa Mayo 22 (pre-pageant) at ang finals sa May 29, 8:00 NG. Dalawamput limang kandidato ang kukunin, edad 18 taon, may taas na 55, high school grad, smart, maganda at in good shape. Kung interesado kayo, tumawag sa 0919-3453938.
Hindi magkandatuto ang mga kumakain sa Shangri-La Restaurant nung Huwebes ng tanghali sapagkat sabay na kumain ng tanghalian dun ang kampo ni Kabayan Noli de Castro, kandidato sa pagka-bise presidente ng K4 at ang KNP ni FPJ.
Bagaman at umagaw ng pansin si Kabayan dahilan sa kanyang kasimplehan at non-violent tactics lalo sa pagsagot sa mga isyu na ibinabato sa kanya, "Mag-concentrate na lamang po tayo sa mga kapaki-pakinabang na bagay sa halip na black propaganda," aniya, nabigyan ng pagkakataon ang mga diners ng nasabing lugar na mahintay ang standard bearer ng oposisyon na nakaalis na ako ay hindi pa dumarating pero, puno ang first floor ng restaurant sa mga naghihintay kay FPJ.
Maraming senior citizen ang sumusuporta kay Kabayan dahilan sa ito ang principal author at sponsor ng Expanded Senior Citizen Act of 2003. Bilang Chairman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare & Rural Devt., pabibigatin ng Senado ang parusa sa mga hindi sumusunod dito.
Walang makain? Walang pera? Walang masyadong available na trabaho? Magulong peace and order situation? Ngayon, may tamang sagot na tayo ryan- ang S.M.I.L.E. (Samahan ng mga mangangalakal para sa Ikauunlad ng Lokal na Ekonomiya). Malinaw ang objective nitong tumulong sa mga maliliit na negosyante, mula sa sidewalk vendors hanggang maliliit na kumpanya sa pamamagitan ng paggawa ng mga batas na makatutulong at makalulutas ng problema ng mga negosyante at ekonomiya na may malaking epekto sa ating pang-araw-araw na buhay.
Kaya, huwag nang sumimangot, S.M.I.L.E. na lang tayo.
Dahil nalalapit na ang eleksyon at hindi na pwede ang mga paki- ng ating mga kafatid kung kaya, ito na siguro ang pinaka-huli kong pralala na pagbibigyan na mula sa isang kapwa entertainment editor.
Ito ay tungkol sa senatoriable na si Frank Chavez na maituturing kong isa ring taga-showbiz dahil kamag-anak siya ni Pancho Magalona at kapatid niya ang isang singer na sumikat nung 80s, si Samantha. Bagaman at isang matagumpay na abogado ay gusto pa nitong mabantayan ang kapakanan ng mamamayan. Kung natatandan pa ninyo, siya ang naglantad ng katiwalian sa PCGG, Philippine Air Lines at PCSO. Siya rin ang nagsumigasig para mabawi ang ill-gotten wealth ng mga Marcos.
Tama yung desisyon ni PGMA na huwag nang magpaka-pulitiko sa homestretch ng campaign period at sa halip ay pagtuunan ng pansin na magkaroon tayo ng isang malinis at mapayapang halalan.
Pwede nang magpa-petik-petik ang pangulo dahil sa lahat naman ng surveys ay nangunguna ang pangalan niya.
Nang tanungin siya kung bakit ito ganito, sinabi niyang "Aware na ang mga tao na ang kinabukasan ng ating bansa ay dapat nakasalalay sa isang may karanasan na at may malinaw na programa ng gobyerno."
[email protected]
Sa eleksyon sa Lunes, marami siyang sinusuportahan Loren, Lito Lapid, Ernesto Herrera, Ernesto Maceda, Juan Ponce Enrile, Bong Revilla, Boots Anson Roa, Jinggoy Estrada, at si FPJ.
"Actually, Im not even close to Ronnie Poe. He made only one movie for Regal in the mid-80s, Batang Quiapo, opposite Maricel Soriano. Regal was not doing so well and here comes Da King offering his services. He requested me to let him take care of everything, from script to shooting to post production. Batang Quiapo was a blockbuster. From then on, I was an admirer of FPJ."
She continues, "Ronnie didnt talk much, he still does not. But he delivers. FPJ is not a man of action. Im closer to his wife, Susan Roces, who made a number of movies for Regal. Im a fan of Susan from way back, such a beautiful person inside and out. She will make an ideal first lady."
Kung manalo si Da King, walang inaasahan dito si Mother Lily. "Wala akong hihilinging pabor o posisyon. Ill not even go to Malacañang. Its enough that a decent and hardworking man is elected president."
Bagaman at umagaw ng pansin si Kabayan dahilan sa kanyang kasimplehan at non-violent tactics lalo sa pagsagot sa mga isyu na ibinabato sa kanya, "Mag-concentrate na lamang po tayo sa mga kapaki-pakinabang na bagay sa halip na black propaganda," aniya, nabigyan ng pagkakataon ang mga diners ng nasabing lugar na mahintay ang standard bearer ng oposisyon na nakaalis na ako ay hindi pa dumarating pero, puno ang first floor ng restaurant sa mga naghihintay kay FPJ.
Maraming senior citizen ang sumusuporta kay Kabayan dahilan sa ito ang principal author at sponsor ng Expanded Senior Citizen Act of 2003. Bilang Chairman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare & Rural Devt., pabibigatin ng Senado ang parusa sa mga hindi sumusunod dito.
Kaya, huwag nang sumimangot, S.M.I.L.E. na lang tayo.
Ito ay tungkol sa senatoriable na si Frank Chavez na maituturing kong isa ring taga-showbiz dahil kamag-anak siya ni Pancho Magalona at kapatid niya ang isang singer na sumikat nung 80s, si Samantha. Bagaman at isang matagumpay na abogado ay gusto pa nitong mabantayan ang kapakanan ng mamamayan. Kung natatandan pa ninyo, siya ang naglantad ng katiwalian sa PCGG, Philippine Air Lines at PCSO. Siya rin ang nagsumigasig para mabawi ang ill-gotten wealth ng mga Marcos.
Pwede nang magpa-petik-petik ang pangulo dahil sa lahat naman ng surveys ay nangunguna ang pangalan niya.
Nang tanungin siya kung bakit ito ganito, sinabi niyang "Aware na ang mga tao na ang kinabukasan ng ating bansa ay dapat nakasalalay sa isang may karanasan na at may malinaw na programa ng gobyerno."
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended