Mga nanood ng concert ni Bocelli,nagwala sa pag-claim ng cellphone
May 4, 2004 | 12:00am
I learned my lesson now. Next time, pag manonood ako ng concert, hindi na lang ako aasa sa complimentary ticket dahil wala talagang assurance ang convenience.
Ever since kasi, feel ko na si Andrea Bocelli kaya the first time I heard na matutuloy ang concert niya here in Manila, na-excite akong manood.
Para ma-assure ko nga na nasa mabuti akong kamay, I chose na sumama kay Ms. Ethel Ramos although pinadalhan naman ako ng ticket para manood ng concert na once in a lifetime thing na ginanap sa Araneta Coliseum last Friday. I know kasing may koneksyon siya (Ms. Ethel) sa ABS-CBN na co-production ng Father Pio Lend a Hand Foundation Inc. na nagdala rito kay Mr. Bocelli dahil nga si Ms. Ethel siya per se.
Pero nang dumating ako sa venue, feeling ko theres something wrong nang makita ko si tita Ethel along with her sister, tita Nel Alejandrino na nasa isang sulok nakaupo at take note sa lower box pa. They came in kasi ahead of me kaya nang dumating ako, nakaupo na sila.
Grabe parang miserable ang area na kinauupuan nila dahil nasa pinaka-dulo na, wala ka pang chance na makita ang stage dahil halos nakatakip na ang design ng stage. In other words, wala ka talagang makikita sa stage, hindi lang kasi malayo kundi talagang uncomfortable ang area para mapanood mo ang nangyayari.
Actually, sinabi ko kay tita Ethel na feeling ko, humiliated ako para sa kanya lalo na sa sister niyang si Tita Nel na bihira lang manood ng concert.
Mabuti na lang at hindi nagtagal, isang taga-ABS-CBN PR department ang nag-offer sa amin ng seats sa patron section dahil na-realize yata nila na mali ang naibigay nilang ticket kay tita Ethel na in a way ay connected sa PR department nga ng Dos.
Medyo maganda naman ang lugar na nilipatan namin. Pero ang nakakaloka, nakaka-afraid dahil any moment baka palayasin kami dahil hindi nga yun ang original seats namin. True enough, isang usher ang nakiusap kay Tita Nel na kung pwedeng lumipat siya sa ibang seat dahil andiyan na raw ang totoong may-ari.
So ako, medyo kinakabahan dahil baka any moment, dumating din ang totoong may-ari ng binigay sa aming two extra seats.
Buti na lang, sa awa ng Diyos, hindi dumating ang dalawang may hawak ng tiket na inupuan namin hanggang sa matapos ang show.
Well, ano pa bang puwedeng sabihin tungkol sa ganitong experience. Next time, wag na lang umasa sa complimentary tickets.
Nag-complain na rin tungkol dito si Tita Vero Samio sa ibinigay na tiket sa kanya sa concert ni Piolo Pascual. Isang tiket na nga lang daw, don pa sa lugar na dinadaan-daanan siya ng mga tao. Kaya nang ma-discover niyang isang ticket na naman ang pinadala sa kanya ng ABS-CBN para sa concert ni Bocelli, nag-decide siyang ipamigay na lang. Kasi nga naman, nag-iisa na, upper box pa.
Actually, tama ang decision niya na wag na lang manood. Isa pang lifestyle editor ang nag-complain tungkol sa complimentary ticket na yan dahil nga nasa upper box sila.
Kaya next time, buy na lang ako ng ticket or Ill ask tita Ethel na manghingi na lang kaya sa mismong may-ari ng Araneta Coliseum para siguradong nasa patron section kami.
Before 9:00 p.m. na nag-start ang concert ni Maestro Andrea Bocelli. Una niyang kinanta ang "Aranjuez" (Italian song). Paglabas pa lang niya, nagtayuan na ang audience.
For a change, tahimik ang audience habang kumakanta si Mr. Bocelli bagamat hindi pa rin naiwasan ng ibang nanonood na ma-late kahit na nga alam nilang 8:00 p.m. ang start ng show - may mga dumating pa rin ng 9:00. Kaya ang tendency, may mga pumapasok pa rin kahit nagi-start na ang show.
Pero behaved ang audience kasi nga mga sosyal ang andoon. Majority, naka-coat and tie for men and gown and cocktail dress naman for women.
Fifteen songs ang kinanta ni Mr. Bocelli kasama na ang four duets nila ni Ms. Maria Luigi Borsi na pagkagaling-galing din.
Totoong gift from God ang boses ni Mr. Bocelli. Italian ang mga songs niya, pero mararamdaman mo kung gaano siya kagaling, ang pagmamahal niya sa musika at kung gaano kaganda ang boses niya. Parang wala rin siyang ka-effort-effort sa kanyang ginawa, grabe.
Sabi nga ni Celine Dion na naka-duet niya sa "The Prayer," "If God had a voice, it would be that of Andrea Bocelli."
From the start hanggang sa matapos ang concert, wala kang maririnig na spiel. Ang sinabi lang niya na twice or thrice lang yata: "thank you."
Wala ring change of costume, kung ano ang suot nila nang magsimula, hanggang sa matapos yun pa rin. Samantalang kung dito nga naman, sigurado, naka-ilang change costume na yun. Magiging proud ka rin sa Father Pio Symphony Orchestra sa galing nila.
Si Mr. Marcello Rota ang conductor. Ang Father Pio Symphony Orchestra, ang grupo ng Filipino na nag-participate sa nasabing concert.
After 10 songs, nagkaroon ng 15 minutes intermission.
Pagbalik sa second part, mas familiar na ang song na kinakanta ng kino-consider na one of the most gifted tenors.
After five solo and three duets with Maria Luigi Borsi, natapos ang concert. Pero as expected kahit mga sosyal, sigawan ang nasa big dome ng more. Bumalik ng stage si Mr. Bocelli.
After one song, nag-wave na naman siya. Pero ayaw pa ring umalis ng audience kaya bumalik naman ng stage si Mr. Bocelli.
After three more songs, saka lang na-satisfy ang audience.
Hindi dumating si Pres. Gloria Macapagal-Arroyo na ini-expect ng audience dahil may advance party na ito.
Ilan sa mga celebrities na nanood ay sina Gary Valenciano, Piolo Pascual, Cesar Montano with wife Sunshine Cruz, Cocoy Laurel. Nanood din si former first lady Imelda Marcos, Presidentiable Raul Roco, Noli de Castro, Gringo Honasan, Mar Roxas with Korina Sanchez among others.
Almost 11:00 p.m natapos ang concert. Kung nong nasa loob ng venue ay tahimik ang lahat, pagdating sa labas ng Araneta, nagkakagulo dahil hindi na naging systematic ang pagki-claim ng cellphone na ini-request na iwan sa check in counter.
Nawalan ng pila kaya kahit mga sosyal na naka-gown, hindi naiwasang makipagsiksikan. Pati mga foreigner, galit na galit sa nangyari dahil natapos nga naman ng maaga ang concert, hindi naman agad sila nakauwi dahil inabot sila ng halos one hour sa pagki-claim ng cellphone. Nakakahiya sa mga foreign guests dahil nadiskubre ang kawalan ng sistema.
Mura ang maririnig mo sa iba dahil nga nagkakagulo na ang lahat at may ibang cellphone na nawawala na.
Almost 12:00 am na kami nakaalis, pero marami pang hindi nakaka-claim ng kanilang cellphone.
Salve V. Asis e-mail - [email protected]/[email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended