May 2 bagong member ang Masculados
May 4, 2004 | 12:00am
Pagkatapos sumikat ang grupong Masculados at makasungkit ng gold record ang first self-titled album nila, heto at muli na namang nagbabalik ang sing and dance grupo sa kanilang second album.
Nangailangan ng bagong member ang Masculados pagkatapos ma-injury si Kiro Amirati nang maglaro ito minsan ng basketball, bago pa magsimula ang kanilang second album. Kailangan namang huminto sa grupo ni Bok Brillante, ang dentist ng Masculados dahil tumatakbo itong konsehal sa Parañaque.
Tatlo sana ang balak kunin ni Direk Maryo delos Reyes pero dalawa lang ang nakapasa sa mga nag-audition. Isa sa napili ni Direk Maryo ay si Enrico Mofar, 24 yrs old, graduate ng Marine Transportation. Palibhasay magaling na dance instructor (DI) si Enrico kaya nakapasok siya sa Masculados. Madaling makilala si Enrico sa grupo dahil isa siya lagi sa nasa harapan kapag nagsasayaw sila. Madali mo siyang mapapansin dahil bagamat sabay-sabay sila sa kanilang dance step angat na angat si Enrico sa kanyang pagsasayaw. Eh ikaw ba naman ang maging DI for more than five years pag hindi ka pa naman gumaling sumayaw tulad ni Enrico. May ibubuga rin si Enrico pagdating sa kantahan dahil may timbre rin ang boses nito.
Si Richard Sevilla Yumul ang pangalawang bagong pambatong myembro ng Masculados at pinakabata sa grupo sa edad na 21 yrs old. Matagal nang solo singer si "Chard" at madalas maging front act sa mga shows ng mga sikat na singer. Nakalabas na rin siya sa Habang Kapiling Ka. Ang magandang boses ni Chard ang naging lisensya nito kaya siya nakapasa sa audition ng Masculados. Pagdating naman sa paghataw ng sayaw ay magaling din ito dahil siya raw ang pambato sa kanilang school kapag may program sila since elementary. Napilitang huminto sa pag-aaral sa kursong Masscom sa CEU dahil sa financial problem.
Lahat nang dating myembro na sina Robin, Omar, Kiro, Ailex, Lexter, Bok at Zoltan ay nagsasabing malaki ang na-improve sa kanilang mga boses at pagsasayaw. Sabi nga ni Robin isa sa pinaka-gwapo sa grupo, ay na-enhance lalo ang kanyang talent sa singing and dancing.
"Mas naging flexible at hyper ako this time sa pagkanta at pagsasayaw namin. Mas naging double din yung effort ko sa mga dance training namin at pagbo-voice lesson. Plus enjoy pa ang trabaho ngayon dahil mas maraming nakaka-appreciate at natutuwang fans sa mga ginagawa namin," sabi ni Robin.
Nakabili na ng Honda Civic si Robin mula sa kita niya sa pelikulang U-Belt at may kasunod na siyang movie na gagawin, ang Bulaklak na malapit na niyang simulan. Ang second target ni Robin na gusto niyang bilhin ay bahay.
Walong kanta ang nilalaman ng second album ng Masculados tulad ng "Jumbo Hotdog," "Asar," "Nakaka," "Titigas Lalambot," "Gigil," "Di na Bale," "Masku." Dalawa rito ang love songs ang "Sinong Magsasabi" at "Di Na Bale" na release ng Universal Records.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am