^

PSN Showbiz

Jean, dalawa ang movie sa MFF

-
Sa mundo ng showbiz ay lampas na sa daliri ng mga kamay ang nagtagumpay sa TV, pelikula at sa pagkanta na galing sa programang That’s Entertainment. At kabilang sa kanila si Jean Garcia. Hilig niya talaga ang pag-arte. Kaya nga bata pa lang ay nagtiyaga na siyang makipagsapalaran sa That’s Entertainment ni Kuya Germs. Hindi naman siya nabigo. Marami na siyang nagampanan sa pelikula. Nagbida siya sa pelikulang horror, ang Impaktita.

Pero sandaling nawala siya sa limelight nang matuto siyang umibig. Nagkaanak ng isa at ngayon ay nagdadalaga na. Gusto na niyang magbalik noon sa pag-arte nang makatanggap siya ng malaking alok sa Japan. Noon ay kainitan ng mga local entertainers na nagdya-Japan-lucrative and tempting ang offers sa mga mahuhusay kumanta at sumayaw. Isa si Jean Garcia sa sumubok. Dahil talagang magaling kumanta at sumayaw ay dumami at sunud-sunod ang mga alok sa kanya roon. Sumikat din siya nang husto sa Japan at natural, gumanda rin nang husto ang kanyang kinikita.

Kaya lang, mas feel ni Jean ang eksena rito sa ‘Pinas. Kaya kahit may anak na siya sa kanyang Japanese husband ay umuwi uli siya rito para muling subukin ang pagganap. Sa ABS-CBN siya nabigyan ng isang magandang break sa kanyang pagbabalik. Ang role ng isang kontrabida. First time siyang gumanap ng malditang role na napaka-effective talaga. Galit na galit sa kanya ang tagasubaybay ng teleseryeng Pangako Sa ‘Yo. Sa ngayon ay kakaibang role naman ang kanyang ginagampanan sa It Might Be You. Isang luka-luka, si Ola. Isa ring una ito sa mga role na nagawa na niya.

At pag nagkataon ay dalawang pelikula niya ang makakasali sa Manila Filmfest. Ang Volta ng Star Cinema at ang Anak Ka Ng Tatay Mo na pinagbibidahan sa unang pagkakataon ni Ram Revilla, isa pang anak ni Senador Revilla. — Mimi Citco

ANAK KA NG TATAY MO

ISA

IT MIGHT BE YOU

JEAN GARCIA

KAYA

KUYA GERMS

MANILA FILMFEST

MIMI CITCO

PANGAKO SA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with