^

PSN Showbiz

Sino ang sisikat,sino ang hindi ?

- Veronica R. Samio -
Napakarami na nagsusulputang mga bagong mukha na lahat ay umaasang sisikat sila in the very near future bilang artista. Libu-libo rin ang sumasagot sa panawagan ng mga networks ngayon na nagsasagawa na ng mga artista search. At kahit na mahirapan ang mga kandidato ay okay lang basta hindi sila matanggal at matulad sa StarStruck Survivors na ngayon ay mga sikat na.

Ang 15 years old na si KB de Jesus, luckily, ay hindi dumaan sa ganitong pagsubok. Bata pa lamang siya ay gumawa na siya ng di mabilang na commercials –Nestle, Sprite, Gummy Bears Downy, Raid, Chowking, atbp. Siya ngayon ang latest endorser ng Icarus shirts.

Nagbida na rin siya sa TV, sa telesine na may pamagat na Junior, bilang anak ni Lorna Tolentino na kinidnap ni Sandy Andolong.

Nakalabas na rin siya sa Kasangga, Maynila at Magpakailanman bilang kid brother ni Ethel Booba.

Iisa pa lamang ang movie niya, ang Ang Titser Kong Pogi with Bong Revilla.

To stay in competition, nagri-refresher course siya sa Balintataw drama workshop.
* * *
16 years old naman si Nathalie de Leon, na pinapili ng kanyang mga magulang ng gusto niyang regalo para sa kanyang birthday. Pera ba o isang malaking party? Hiniling niya na payagan siyang mag-artista sa Pilipinas.

Sampung taon nang naninirahan sa San Jose, California ang pamilya ni Nathalie. Pumunta silang lahat dun para maghanap ng bagong buhay. Dun na nag-aaral si Nathalie at ang kakambal niyang si
Patrick. Naging honor student pa ito sa high school.

Swerte naman si Nathalie dahil nang dumating siya ng Pinas kasama ang magulang at kapatid ay agad silang nakatagpo ng isang mabait na manager na siyang umaasikaso ngayon sa magandang teener.

Bumalik na sa US ang ina at kakambal ni Nathalie. Naiwan ang kanyang ama para gabayan siya sa kanyang pag-aartista.

May gagawing sitcom si Nathalie anytime now na pinamagatang
Teksas ni Mang Pedro.
* * *
Ten years old naman si Bea Nicolas na kasama na sa ABS CBN Talent Center. Dahil dito marami na siyang palabas dito, gaya ng Wansapanataym at Maalaala Mo Kaya. Gumagawa na rin siya ng pelikula at na-nominate bilang child star sa pelikulang Laro Sa Baga. Sa kasalukuyan ay may ginagawa siyang movie sa Regal Films kasama si Judy Ann Santos.

Bukod sa pagiging artista, isa ring print and TV ad model si Bea at nakagawa na ng mga komersyal.

Nasa grade V na si Bea sa St. Michael’s College sa Laguna.
* * *
Maraming ita akong nakita nung birthday ni Mikey Arroyo na ginanap sa kanyang bayan sa Pampanga. Kaya pala, binibigyan niya ng pagkain at bigas ang mga ito kaya malapit sa kanya.

Bagaman at kapwa sila malakas ng kanyang ina na si
PGMA sa kanilang probinsya, sinabi ni Mikey na kahit matalo ang kanyang ina sa eleksyon ay hindi siya titigil ng pagtulong sa kanyang mga kababayan.

"Ang problema, sa akin ipinasang lahat ang mga pangangailangan ng mga kababayan ko. Kapag may proyekto naman ako, lahat nakiki-ride on. Pero, di bale, nasosolusyunan naman lahat ng problema sa aking probinsya," aniya.

Pinaka-magandang b-day gift na tinanggap niya ay nang sabihan siya ng kanyang mga kababayan na mahal nila siya sa lugar na kung saan ay malakas ang kanyang kalaban.
* * *
Wala akong masabi kay Nora Aunor na ginawang parang isang malaking campaign rally para kay PGMA ang kanyang sariling reunion concert sa FAT kamakailan lamang. Nakipag-dweto pa siya sa Pangulo sa awiting "Together Again".

Bago pa dumating si PGMA ay pinagsabihan na ni Nora ang kanyang mga tagahanga at supporters na mag-ingat sa pagpili ng kanilang iboboto. Nagkamali na raw siya, ayaw niyang magkamali rin sila.

"Alam po ninyo, mahirap ang magkamali. At ako, marami akong pagkakamaling nagawa sa buhay ko pero, hindi pa rin ako natututo," aniya.
* * *
[email protected]

ANG TITSER KONG POGI

BEA

BEA NICOLAS

CENTER

KANYANG

NATHALIE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with