Successful lahat ng shows ni Vina sa US
May 2, 2004 | 12:00am
Maganda yung teaser ng pelikulang I Will Survive. Sa teaser pa lang stateside na ang dating. Isa naman itong dekalidad na movie mula syempre sa mahusay na direktor na si Joel Lamangan.
Iba ang tema ng movie na makikita natin dito. Isa uling bading dito si Eric Quizon at ilang beses na niyang napatunayan na magaling siya sa ganitong role.
Humahanga ako kay Mother Lily na gumagawa naman ng movie ngayon sa kabila ng panggyayari ng kakaunti na ang gustong mag-produce. Katulad ng dati, hindi lang basta-basta pagbibigay ng maganda at feel good movie ang ginagawa niya kundi pelikulang maipagmamalaki nating mga Pinoy.
Napanood nyo ba kung paano nag-iiyakan ang mga bata at pati na rin ang mga magulang dahil sa pagkakatanggal ni Serge Gaerlan Bautista Septimo sa StarStruck Kids? Talagang nagwala si Serge sa pagkakaalis niya sa grupo. Pati tuloy yung iba niyang kasamahan at pati mga magulang ay nakisimpatya sa kanya. Marahil ganun din ang mga maraming viewers natin na sumusubaybay sa programa.
Pero ganun talaga kailangan may maalis at naroon ang puso ng palabas. Sa isang banda ay mai-enjoy ngayon ni Serge ang summer bago man lang mag-umpisa ang pasukan.
Successful ang lahat ng show ni Vina Morales sa States. Ito rin ang sabi ni Randy Santiago dahil magkasama sila roon sa isang show. Nagugulat daw ang mga foreigner, at takang-taka sila sa galing ng performance ni Vina. Ang galing naman talaga ng Filipino entertainers natin na pwede talagang tumapat sa ibang mga banyaga. Kaya nga patok dito ang palabas na American Idol, dahil may dalawang Fil-Am na kasali, sina Jasmine Trias at Camille Velasco bago siya natanggal sa contest.
Isa pang successful ang show ay si Piolo Pascual nung nakaraang Sabado sa Araneta. Ngayon ay made na bilang concert star si Piolo. Im sure masusundan pa ang concert na ito ni Piolo.
Anak, keep up the good work, more power and congrats!
Iba ang tema ng movie na makikita natin dito. Isa uling bading dito si Eric Quizon at ilang beses na niyang napatunayan na magaling siya sa ganitong role.
Humahanga ako kay Mother Lily na gumagawa naman ng movie ngayon sa kabila ng panggyayari ng kakaunti na ang gustong mag-produce. Katulad ng dati, hindi lang basta-basta pagbibigay ng maganda at feel good movie ang ginagawa niya kundi pelikulang maipagmamalaki nating mga Pinoy.
Pero ganun talaga kailangan may maalis at naroon ang puso ng palabas. Sa isang banda ay mai-enjoy ngayon ni Serge ang summer bago man lang mag-umpisa ang pasukan.
Anak, keep up the good work, more power and congrats!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended