Survivor si Serena !
April 30, 2004 | 12:00am
Sa September 7 ay magpu-fourteen na ang dating child actress na si Serena Dalrymple. Sa kanyang murang edad, masasabing isa rin siyang survivor dahil anim na taong gulang pa lamang siya nang sumakabilang-buhay ang kanyang Scottish-American father at sampu naman siya nang yumao ang kanyang ina. Naiwan silang tatlong magkakapatid (na pawang babae) na ulilang lubos.
Sa presscon ng pelikulang I Will Survive na dinirek ni Joel Lamangan for Regal Entertainment, inamin ni Serena na tanggap na rin niya at ng dalawa niyang mga kapatid na sina Sarah (16) at Samantha (15) na wala na silang mga magulang. Pero mabuti na lamang at nariyan ang kanilang Uncle Samson (kapatid ng kanilang ina) at ang pamilya nito na patuloy na gumagabay sa kanilang magkakapatid.
Sina Sarah at Samantha ay tumatanggap ng pension sa American government habang si Serena naman ay wala dahil kumikita na ito ng sarili. Pero kapag wala nang income si Serena at hindi na siya magta-trabaho ay tatanggap na rin siya ng pension hanggang sa umabot siya sa edad na 18. Silang tatlong magkakapatid ay nag-aaral sa O.B. Montessori, Las Piñas. Parehong nasa 4th year high school sina Sarah at Samantha habang nasa second year high school naman si Serena.
Nang mawala ang kanilang ina, lalo umano silang naging close ng kanyang mga kapatid. Sila ang magkakasama sa pamamasyal at pagsa-shopping at maaga rin umano silang nag-mature lalo na pagdating sa kanilang mga responsibilities. Since mas malaki naman ang income ni Serena kesa tinatanggap na pension ng dalawa niyang kapatid, halos lahat umano ng gastusin sa kanilang bahay ay si Serena ang sumasagot.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended