Dyan Delfin,kapalit ni Patricia Javier sa puso ni Marc Nelson
April 29, 2004 | 12:00am
Mayasang ibinalita ni Becky Aguila na ang isa sa alaga niya na si Dyan Delfin ay kasali sa Mutya ng Pilipinas 2004 na napapanood sa Channel 5. Ang proseso na ginagawa ay gaya nang sa StarStruck noon kung saan sa tatlong buwang training ay may mai-eliminate din hanggang mapili ang mga finalists na siyang maglalaban-laban para sa beauty pageant.
Taglay naman ni Dyan ang mga katangian ng isang beauty queen kaya naman hanga sa kanya (o nanliligaw na) ang dating boyfriend ni Patricia Javier na si Marc Nelson.
Maraming naninibago kay Valerie Concepcion dahil higit itong gumanda ngayon at talagang may hugis na ang katawan. Sixteen years old na ito last birthday kaya kita na ang magandang hubog ng katawan.
Na-develop na rin ang self-confidence nito at hindi na mahiyain. Dahil sa rami ng shows ay paborito na rin itong kunin para maging commercial model.
Kung ang ibang aktres ay nagpaparetoke ay hindi ito gagawin ni Valerie dahil kuntento na siya kung ano ang ibinigay sa kanya ni Lord. Dahil sa pagbabago ng katawan na karaniwan sa isang nagdadalaga, pwede nang isali si Valerie sa Bb. Pilipinas Beauty Pageant.
Naniniwala ang young actress na mas komportable siya pag kasama ang ina dahil feeling nito ay ligtas siya sa tukso na talamak sa showbiz.
Tahimik na ngayon ang bawat kampo nina Aiai delas Alas at Angelica Jones at maganda na uli ang relasyon ng dalawa bilang magkaibigan. Nagsimula ang intriga nang mabawasan ang segment ng seksing aktres sa MTB dahil daw sa komedyante na tipong insecure kay Angelica.
Sa kabilang banda, nali-link ngayon ang dalaga kay Bobby Yan kung saan madalas itong maimbitahan for dinner kaya lang, may pagkakataong hindi ito nakakasama dahil sa sobrang kaabalahan sa trabaho.
Taglay naman ni Dyan ang mga katangian ng isang beauty queen kaya naman hanga sa kanya (o nanliligaw na) ang dating boyfriend ni Patricia Javier na si Marc Nelson.
Na-develop na rin ang self-confidence nito at hindi na mahiyain. Dahil sa rami ng shows ay paborito na rin itong kunin para maging commercial model.
Kung ang ibang aktres ay nagpaparetoke ay hindi ito gagawin ni Valerie dahil kuntento na siya kung ano ang ibinigay sa kanya ni Lord. Dahil sa pagbabago ng katawan na karaniwan sa isang nagdadalaga, pwede nang isali si Valerie sa Bb. Pilipinas Beauty Pageant.
Naniniwala ang young actress na mas komportable siya pag kasama ang ina dahil feeling nito ay ligtas siya sa tukso na talamak sa showbiz.
Sa kabilang banda, nali-link ngayon ang dalaga kay Bobby Yan kung saan madalas itong maimbitahan for dinner kaya lang, may pagkakataong hindi ito nakakasama dahil sa sobrang kaabalahan sa trabaho.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended