Stella L.,swapang sa pera ?
April 28, 2004 | 12:00am
Malaki ang hinanakit ng sexy star-cum-talent manager na si Katrina Paula sa sexy star na si Stella L.
Ayon kay Katrina nang ma-interview ko ito sa aming radio program ni Tito Jimmy Morato sa DWIZ, personal niyang inendorso ang pangalan ni Stella upang makasama sa campaign trail ng tumatakbong vice mayor ng Parañaque, ngunit nang makuha na ito ay basta na lamang siyang binalewala.
Ayon pa kay Katrina, kahit pasasalamat ay wala siyang narinig mula kay Stella kung kayat masamang-masama ang loob niya rito. Ang masama lamang umano ay sa kanya pa nagalit ang manager nito dahil ang akala nito ay siya ang kumuha ng komisyon mula sa 10 araw na pagsama ni Stella sa naturang campaign trail kung saan umabot sa P100,000.00 ang nakuhang talent fee nito.
Sinabi pa nito na naiintindihan niya ang pagsisintir ng manager dahil isa rin siyang talent manager, alam niya kung anong effort ang ini-exert ng isang talent manager para lamang maihanap ng trabaho ang isang alaga nito.
Samantala, kinumpirma ni Katrina na ilang beses niyang biniro si Stella tungkol sa komisyon, ngunit palagi lamang umano nitong sinasabi na marami pa itong hahatian sa komisyon kung kayat hindi na niya ito inulit pa.
Lalo pang sumama ang loob ni Katrina nang malaman nito na ang PR man ni Nora Aunor ang nakinabang sa komisyong dapat ay para sa manager nito dahil siya nga ang nag-book dito.
Ayon kay Katrina, respeto lamang ang kailangan niya mula kay Stella ngunit sa kasamaang-palad ay hindi ito naibigay sa kanya. Kaugnay nito, nangako si Katrina na hinding-hindi na niya kailanman bibigyan ng raket si Stella dahil sa ginawa nito sa kanya. Atty. Tonton

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
December 23, 2024 - 12:00am