Troy payag mag-bold!
April 27, 2004 | 12:00am
Pinabulaanan ni Aubrey Miles na nagli-live-in na sila ni Troy Montero. Pero inamin nito na madalas silang mag-date. Sinabi nito na wala namang masama sa kanilang relasyon dahil kapwa sila walang sabit.
Walang nangyayari sa career ni Troy kaya balak nitong mag-bold na at payag naman ang sexy star. Susuportahan naman niya ang nobyo. Baka sa pagbabagong imahe nito ay magkaroon ng sigla ang nananamlay na career ng aktor.
Abala ngayon si Aubrey sa syuting ng Single kasama sina Ara Mina at Angel Locsin.
Sa nakaraang Golden Screen Awards ay buong ningning na inihandog ni Ara Mina ang kanyang trophy bilang Best Performance by an Actress in Drama kay Jomari Yllana. Hindi rin ito nahiyang sabihin ang mga katagang "I Love You Hon." Inamin nito na kagagaling lang nila ng Puhket, Thailand na silang dalawa lang kaya nagbibiro ang mga kapatid sa hanapbuhay na inuna muna nila ang honeymoon bago ang kasal.
Hindi naging maganda ang dating ni Ara nang sumama sa ama noong mag-guest ang dalawang partido sa pagka-mayor sa Quezon City kasama ang kanilang mga kandidato sa Dong Puno Live sa Dos.
Sa mga text messages na ipinakikita sa TV ay iisa ang mensahe na nagsasabing ang kapal naman ng mukha ni Ara na sumama pa sa daddy nito gayung naroon si Aiko Melendez na tumatakbo uling konsehal sa Kyusi. Syempre lumabas na underdog ang konsehala dahil feeling nila, inagaw ni Ara kay Aiko si Jom.
Sa kabilang banda, cool na cool naman sa programa sina Mayor Sonny Belmonte at Bistek habang nagpapaliwanag ng mga nagawa sa Kyusi kung saan tumaas nang husto ang pera sa kaban ng lungsod.
Sabi nga ng husband ko na nagtatrabaho sa Philippine Airlines, sa lahat ng naging pinuno ng PAL, pinakagusto nila si Mayor Belmonte dahil ang kinikita ng airlines ay ibinabahagi rin sa PALEA o sa mga employee kung saan napakarami nilang benepisyo noon.
Akala namin ay magkakatuluyan noon sina Jodi Sta. Maria at Lucky Manzano na hosts ng Star Circle Quest. Kaso, hindi ito natuloy bagamat nagdi-date na sana ang dalawa.
Masaya ang lovelife ng young actress dahil four years na sila ng kanyang nobyong anak ni Sen. Panfilo Lacson. Ang tawag nya rito ay "Mahal". Seloso si Panfi ayon sa aktres pero naiintindihan naman niyang kaya ganito ang ugali ng bf ay dahil sa sobrang pagmamahal sa kanya. Magkasama ang dalawa sa Baguio noong Mahal na Araw.
Tumutulong ba siya sa kampanya ng kanyang futures father-in-law?
Ayon sa aktres, hindi niya ito magawa dahil sa kaabalahan sa trabaho at di rin siya registered voter kaya gustuhin man niyang iboto ito sa darating na halalan ay di rin niya magagawa.
Naging panauhin ang mga kandidata ng Miss Philippines 2004 sa ongoing mall promotion ng Leonardo Bags. Ang promo na tinawag na "Leonardo: Fly High in Style, get A Chance to Win ang Family Beakaway Trip to Boracay" ay magbibigay ng trip for five sa Club Panoly sa Boracay ng tatlong araw at dalawang gabi with hotel accommodation, food & drinks at P5,000 pocket money, round trip airfare tickets at boat transfer. Ganito rin ang ibinibigay na premyo sa mananalo para sa Hotel Dominique sa Tagaytay kasama ang P3,000 pocket money with three days and two nights accommodation.
Ang sinumang makabili ng minimum purchase of P300 ng Leonardo Bags sa SM Department Stores nationwide ay may pagkakataong makasali sa promo.
Ang koronasyon ng Ms. Philippines 2004 ay sa May 2 sa UP Theater at mapapanood sa ABS-CBN ng 9:30 PM.
May ilang nagsasabi na sinungaling daw si Cindy Kurleto dahil hanggang ngayon ay ayaw nitong aminin na nagkaroon sila ng relasyon ni Jericho Rosales gayung nagkasama pa ang dalawa sa Vienna last Christmas.
Hindi rin nagustuhan ni Popoy (manager ni James Blanco) ang pagdi-deny ng seksing aktres tungkol sa alagang aktor. Naimbyerna sila lalo na nang sabihing di kilala si James gayung nagkasama ang dalawa sa Maynila ni Mayor Lito Atienza.
Sinabi nga ni James na panoorin nito ang tape ng teleserye para makilala siya nito.
No wonder na kaya hindi umangat ang career nito ay dahil sa pagiging denial queen.
Walang nangyayari sa career ni Troy kaya balak nitong mag-bold na at payag naman ang sexy star. Susuportahan naman niya ang nobyo. Baka sa pagbabagong imahe nito ay magkaroon ng sigla ang nananamlay na career ng aktor.
Abala ngayon si Aubrey sa syuting ng Single kasama sina Ara Mina at Angel Locsin.
Hindi naging maganda ang dating ni Ara nang sumama sa ama noong mag-guest ang dalawang partido sa pagka-mayor sa Quezon City kasama ang kanilang mga kandidato sa Dong Puno Live sa Dos.
Sa mga text messages na ipinakikita sa TV ay iisa ang mensahe na nagsasabing ang kapal naman ng mukha ni Ara na sumama pa sa daddy nito gayung naroon si Aiko Melendez na tumatakbo uling konsehal sa Kyusi. Syempre lumabas na underdog ang konsehala dahil feeling nila, inagaw ni Ara kay Aiko si Jom.
Sa kabilang banda, cool na cool naman sa programa sina Mayor Sonny Belmonte at Bistek habang nagpapaliwanag ng mga nagawa sa Kyusi kung saan tumaas nang husto ang pera sa kaban ng lungsod.
Sabi nga ng husband ko na nagtatrabaho sa Philippine Airlines, sa lahat ng naging pinuno ng PAL, pinakagusto nila si Mayor Belmonte dahil ang kinikita ng airlines ay ibinabahagi rin sa PALEA o sa mga employee kung saan napakarami nilang benepisyo noon.
Masaya ang lovelife ng young actress dahil four years na sila ng kanyang nobyong anak ni Sen. Panfilo Lacson. Ang tawag nya rito ay "Mahal". Seloso si Panfi ayon sa aktres pero naiintindihan naman niyang kaya ganito ang ugali ng bf ay dahil sa sobrang pagmamahal sa kanya. Magkasama ang dalawa sa Baguio noong Mahal na Araw.
Tumutulong ba siya sa kampanya ng kanyang futures father-in-law?
Ayon sa aktres, hindi niya ito magawa dahil sa kaabalahan sa trabaho at di rin siya registered voter kaya gustuhin man niyang iboto ito sa darating na halalan ay di rin niya magagawa.
Ang sinumang makabili ng minimum purchase of P300 ng Leonardo Bags sa SM Department Stores nationwide ay may pagkakataong makasali sa promo.
Ang koronasyon ng Ms. Philippines 2004 ay sa May 2 sa UP Theater at mapapanood sa ABS-CBN ng 9:30 PM.
Hindi rin nagustuhan ni Popoy (manager ni James Blanco) ang pagdi-deny ng seksing aktres tungkol sa alagang aktor. Naimbyerna sila lalo na nang sabihing di kilala si James gayung nagkasama ang dalawa sa Maynila ni Mayor Lito Atienza.
Sinabi nga ni James na panoorin nito ang tape ng teleserye para makilala siya nito.
No wonder na kaya hindi umangat ang career nito ay dahil sa pagiging denial queen.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended