'Yes, Yes Show,' nag-workshop
April 26, 2004 | 12:00am
Balik-aral sina Bayani Agbayani, Vhong Navarro, Candy Pangilinan, Long Mejia, Isko Salvador, Dagul, ang Viva Hot Babes at ang iba pang bumubuo ng hit live gag show na The Yes Yes Show ng ABS-CBN, dahil sumali ang mga ito sa intensive workshop ng Cultural Center of the Philippines sa "improvisational" o "improv" comedy sa ilalim ng Amerikanong "improv guru" na si Ed Reggi.
Layunin ng workshop na hasain ang galing ng mga artistang gaya ng cast ng Yes Yes sa improvisational comedy ang uri ng comedy kung saan matututo ang komedyanteng magpatawa na walang iskrip at gamit lamang ang kanyang utak. Kasama ng cast ng Yes Yes sa litratong ito ang ilang artista sa telebisyon at teatro na sumali rin sa workshop.
Si Ed Reggie ay kasalukuyang Artistic Director ng isang up-and-coming comedy group, ang Paper Slip Theatre ng St. Louis, Missouri. Isa siyang produkto ng dalawa sa pinakasikat na improv comedy troupes sa Amerika: ang Second City troupe, na pinagsimulan ng mga nangungunang komedyanteng sina Bill Murray, Mike Myers at Dan Aykroyd at ang Chicago City Limits, ang pinakaunang improve troupe ng NYC.
Ayon sa workshop facilitator na si Gabe Mercado, ang cast ng Yes Yes ang kauna-unahang pagkakataon na ang isang buong cast ng isang telebisyon show sa Pilipinas ay sumali sa isang intensive improv comedy workshop na gaya nito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended