Jennylyn at Mark,hindi raw on pero halikan nang halikan sa isang resort
April 24, 2004 | 12:00am
Isang obviously ay Jennylyn Mercado fan, kahit pa sinasabi niyang may edad kwarenta na siya, si Myla Santos ng Parañaque, Metro Manila, ang tumawag sa amin para lamang sabihin na hindi totoong may anak na ang StarStruck Survivor.
Nakasabay niya itong mag-outing sa Jade Resort sa Malolos, Bulacan nung Miyerkules at bagaman at may mga kasama ito, wala siyang batang nakita. Ang nakita niya ay ang nanay nito at si Mark Herras na obviously daw ay may relasyon na kay Jennylyn dahilan sa nakita nila na naghahalikan ito, lips to lips, habang nakahiga sa malapit sa pool.
Naawa lamang daw si Myla kay Jennylyn dahilan sa maraming balita ang nagsasabi na may anak na ito gayong wala naman siyang nakita na batang kasama nito.
Talagang all out na ang pagpapagandang ginagawa ng ABC 5 sa kanilang programming. Nagkaroon ng re-launching ng kanilang news program, ang ABC News sa pamamagitan ng dalawang bagong mukha na may malinis na reputasyon sa larangan ng broadcasting, sina Amelyn Veloso at Cheri Mercado-Santos na nagsimula nang mapanood nung Miyerkules, Abril 21, 10:15 NG.
Si Cheri ay gumawa na ng marka bilang isang mahusay na live reporter. Nakasama siya sa palabas sa cable na Coffee Talk at bahagi ng isang grupo ng mga kabataang hosts na kinilala sa 2003 Star Awards.
Sa kabilang dako, patuloy si Amelyn sa pagbibigay ng newscast simula pa nung 1991, nagtapos ito sa UP at lumawak ang karanasan sa broadcasting sa pamamagitan ng ilang public affairs shows sa ibat ibang network sa paglipas ng panahon.
Gaganapin na ngayong gabi sa QC Memorial Circle ang Mutya ng Lungsod Quezon. Dalawamput apat na naggagandahang babae na nagmumula sa apat na distrito ng siyudad ang mga kalahok.
Ang paligsahan ay prodyus ni Renee Salud kasama ang isang dating Bb. Pilipinas as co producer sa pakikipagtulungan ng City Government sa pamumuno ni City Administrator Atty. Jojo N. Ochoa, Jr. under the leadership of Mayor Sonny Belmonte.
Dalawamput apat na fashion designer din na taga-QC ang kinuha para damitan ang mga kalahok. Layunin na palawakin ang paggamit ng local fabric na Abel Iloko mula sa ILocos Region as the main material na gagamitin para sa mga damit ng kalahok.
Isa ang kambal na Roco, sina Dominic at Felix, ang binigyan ng birthday presscon ng ABSCBN kahapon. Ang iba pa ay sina Kathleen Hermosa, Bea Nicolas, Hazel Ann Mendoza, Mhyco Aquino at Allyzon Lualhati.
Unang napanood ang kambal sa pelikulang Otso Otso, Pamela Mela Wan na kung saan nakita ang husay nila sa pagpapatawa.
Pangarap ng dalawa na maabot man lamang kundi nila malalampasan ang mga nagawa ng kanilang ama na si Bembol Roco bilang artista.
Kahit na magkamukhang-magkamuha, hindi mahihirapan ang kahit na sino na makilala kung sino si Felix at kung sino si Dominic. Si Dominic ang seryoso sa dalawa at happy-go-lucky naman si Felix. Pareho silang mahilig mag-basketball at ang larong ito ang madalas nilang pag-awayan. Size 9 ang paa ni Dominic at 8 1/2 naman si Felix.
Nakasabay niya itong mag-outing sa Jade Resort sa Malolos, Bulacan nung Miyerkules at bagaman at may mga kasama ito, wala siyang batang nakita. Ang nakita niya ay ang nanay nito at si Mark Herras na obviously daw ay may relasyon na kay Jennylyn dahilan sa nakita nila na naghahalikan ito, lips to lips, habang nakahiga sa malapit sa pool.
Naawa lamang daw si Myla kay Jennylyn dahilan sa maraming balita ang nagsasabi na may anak na ito gayong wala naman siyang nakita na batang kasama nito.
Si Cheri ay gumawa na ng marka bilang isang mahusay na live reporter. Nakasama siya sa palabas sa cable na Coffee Talk at bahagi ng isang grupo ng mga kabataang hosts na kinilala sa 2003 Star Awards.
Sa kabilang dako, patuloy si Amelyn sa pagbibigay ng newscast simula pa nung 1991, nagtapos ito sa UP at lumawak ang karanasan sa broadcasting sa pamamagitan ng ilang public affairs shows sa ibat ibang network sa paglipas ng panahon.
Ang paligsahan ay prodyus ni Renee Salud kasama ang isang dating Bb. Pilipinas as co producer sa pakikipagtulungan ng City Government sa pamumuno ni City Administrator Atty. Jojo N. Ochoa, Jr. under the leadership of Mayor Sonny Belmonte.
Dalawamput apat na fashion designer din na taga-QC ang kinuha para damitan ang mga kalahok. Layunin na palawakin ang paggamit ng local fabric na Abel Iloko mula sa ILocos Region as the main material na gagamitin para sa mga damit ng kalahok.
Unang napanood ang kambal sa pelikulang Otso Otso, Pamela Mela Wan na kung saan nakita ang husay nila sa pagpapatawa.
Pangarap ng dalawa na maabot man lamang kundi nila malalampasan ang mga nagawa ng kanilang ama na si Bembol Roco bilang artista.
Kahit na magkamukhang-magkamuha, hindi mahihirapan ang kahit na sino na makilala kung sino si Felix at kung sino si Dominic. Si Dominic ang seryoso sa dalawa at happy-go-lucky naman si Felix. Pareho silang mahilig mag-basketball at ang larong ito ang madalas nilang pag-awayan. Size 9 ang paa ni Dominic at 8 1/2 naman si Felix.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended