^

PSN Showbiz

Caesar's Palace sa Las Vegas,nakakaligaw sa sobrang kalakihan

RATED A - Aster Amoyo -
Hinayang na hinayang kami nina Ronald Constantino (ng Tempo) at ang LA based businessman na si Alfonso Chu na hindi man lamang namin napanood ang number one attraction ngayon sa Las Vegas, si Celine Dion na regular na nagtatanghal sa coliseum ng Caesar’s Palace sa Las Vegas.   

Weeks before ang reservation sa show ni Celine kaya ‘yung nasa malalayong lugar ay maaga pa kung magpa-reserve ng tickets. 

Since overnight lamang kami sa Caesar’s Palace hindi na kami nagkaroon pa ng panahon na mapanood si Celine na talaga namang dinarayo ng mga turista na nagmumula  sa iba’t ibang bansa. Sina Celine at Elton John ang dalawang top attractions ng Caesar’s Palace kaya naman punum-puno parati ang nasabing hotel ng tao. 

One-stop show ang nasabing hotel dahil bukod sa casino, kumpleto ito ng mga amenities at kasama na rito ang napakaganda nilang shopping arcade, ang The Forum.    

Sa sobrang laki ng Caesar’s Palace, nagkakandaligaw-ligaw kami sa lobby pa lamang.   

Kung hindi kami nagkakamali, nakapagtanghal na sa nasabing hotel ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales nung dekada 70 at isang malaking karangalan ang makapagtanghal doon. Tulad na lamang ni Martin Nievera sa Golden Nugget Hotel. Kahit disyerto ang Las Vegas, napakaganda ng infrastructure ng nasabing lugar at napakabilis ng expansion kaya naman maraming taga-Amerika  at ibang bansa ang nagi-invest doon.  Ang Octo Arts big boss na si G. Orly Ilacad at si Martin Nievera ay may mga nabili nang bahay doon.  Maging ang dating OctoArts talent at That’s Entertainment member na si Mikee Villanueva ay doon na rin naka-base kasama ang kanyang asawa’t mga anak at maging ang kanyang mga in-laws na nagre-locate galing San Francisco.   

Itong buwan ng Abril ang pinakamagandang panahong magtungo sa Las Vegas dahil spring pa kaya hindi mainit.   

Nanghinayang din kami na hindi na namin inabutan  ang show ni Martin Nievera sa Golden Nugget Hotel na nagtapos nung katapusan ng Pebrero.
* * *
Muling nag-renew ng kanyang kontrata sa GMA-7 ang TV news anchor na si Mel Tiangco

Lumagda ito ng panibagong dalawang taong kontrata sa nasabing TV network.   

Si Mel ay may daily news program sa GMA, ang 24 Oras kasama si Mike Enriquez bilang co-anchor, may lingguhan din siyang drama anthology, ang Magpakailanman at ang kanyang Sunday talk show na Partners.  Siya rin ang tumatayong executive director ng Kapuso Foundation na tumutulong sa mga nangangailangan.   

Actually, naging blessing in disguise ang paglipat ni Mel sa GMA mula ABS-CBN.  Hindi lamang siya nakatulong sa GMA kundi natulungan din siya ng network para lalo pang umangat.
* * *
<[email protected]>

vuukle comment

ALFONSO CHU

CELINE

CELINE DION

ELTON JOHN

GOLDEN NUGGET HOTEL

KAPUSO FOUNDATION

LAS VEGAS

MARTIN NIEVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with