^

PSN Showbiz

Eric Quizon, ididirek si Rufa Mae Quinto sa GMA 7

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Magdi-direk na ng bagong teleserye sa GMA 7 si Eric Quizon. Guess kung sino ang lead star ng nasabing teleserye, no other than Rufa Mae Quinto.

Wala pang complete details pero anytime now ay magi-start na silang mag-taping.

Anyway, isa na namang gay ang role ni Eric sa bagong movie ng Regal Entertainment, ang I Will Survive with Maricel Soriano, Dina Bonnevie and Judy Ann Santos.

"Closet queen ako rito na nag-ampon pero hindi nila alam kung gay ako, although nararamdaman nila," he said.

"It’s a role that I guess any actor looking for - a great challenge na gusto agad nilang gawin," paliwanag ni Eric. Malaman daw kasi ang role and free-form. "Malalaro mo in so many ways because the character says a lot of things na nangyayari sa totoong buhay. Paanong ang ibang tao ay hinuhusgahan ang kapwa nila in good and bad ways. Paano tayo, ini-excuse ang ating sarili sa mga bagay na hindi dapat. Hanggang in the end mari-realize mo na wala naman palang dapat itago - o to be apprehensive about basta’t kilala mo ang sarili mo at alam mong matino kang tao at wala kang inaapi in the process."

Sa pelikulang ito, muli silang nag-reunite ni Direk Joel Lamangan na huli niyang nakasama sa pelikulang Mano Po.

Kararating lang ni Eric from New York kung saan nagbakasyon siya for two weeks. Bakasyon as in nag-enjoy lang siya sa pamamasyal, walang trabahong involve.

Kaya nga naiwan niya ang intriga sa kanyang daddy noong kainitan ng issue nito tungkol sa ABS-CBN. "Nandito ako no’ng nagi-start ang issue. Pagdating ko naman dito, wala na," he said.

Ayaw niyang mag-comment tungkol sa issue.

Anyway, aside from his new project sa GMA 7, tuloy pa rin ang pagho-host niya ng Road Trip sa RPN 9. "Hindi naman ako kumikita sa show na ‘yun pero nagi-enjoy ako dahil nakaka-travel ako all over the Philippines ng libre. Saka enjoy pag ganoon ang show," kwento ni Eric.
* * *
Swerte pa rin talaga si Rufa Mae Quinto dahil successful ang first project niya as line producer ng Viva Films. At least na-prove niya na hindi na lang siya basta sexy star ngayon. Pwede na siyang mag-line producer uli.

"Hindi rin madaling maging line producer. Grabeng tension ang inabot ko. Feeling ko talaga, magkakasakit ako ng ulcer. Para pa nga akong aatakihin kasi parang naninikip ang dibdib ko.

"Minsan naman, nangangasim ang sikmura ko kasi hindi na halos ako makatulog at makakain, literally ha," she confessed.

Pero ngayon, inspired siya na gumawa uli ng bagong project.

Pakiramdam niya rin, compatible sila ni Direk Joyce Bernal na magkatrabaho. Tuwing sila kasi ang gagawa ng pelikula, laging patok sa takilya.

Si Direk Joyce ang nag-direk ng launching movie ng sexy actress na Super B.

Nakasama niya sa Masikip Sa Dibdib ang real-life boyfriend niyang si Rudy Hatfield na showbiz na showbiz na ngayon.

o0o

Star studed ang ginanap na announcement of nominees ng Entertainment Press Society, Inc. (ENPRESS) last Thursday night sa Zirkho Bar in Timog Ave.

Magbibigay sila ng 19 different categories including their lifetime achievement award called Gawad Lino Brocka na ipagkakaloob sa Comedy King na si Dolphy.

Magbibigay sila ng recognition to both drama and comedy/musical film genres, particular na Best Motion Picture, Best Actor and Best Actress category.

Sa drama category, nominado ang Magnifico ng Violett Films. Nakakuha ang nasabing pelikula ng maraming nomination- Best Motion Picture-Drama, Best Director (Maryo J. delos Reyes), Best Actor-Drama (Jiro Manio and Albert Martinez), Best Actress-Drama (Lorna Tolentino) and Best Supporting Actress (Gloria Romero and Isabelle de Leon). Nakatanggap ng iba’t ibang award ang nasabing pelikula sa ibang bansa - sa limang international film festivals.

The rest of the Best Motion Picture-Drama nominees are as follows with their corresponding nominations: Mano Po 2 (11); The Debut (7); Filipinas (9) and Homecoming (3).

Sa comedy/musical category, Viva Films’ romance-comedy Pangarap Ko Ang Ibigin Ka ay nakakuha ng walong nominations that include Best Motion Picture-Comedy/Musical, Best Actor-Comedy (Christopher de Leon), Best Actress-Comedy (Regine Velasquez) and Best Original Song (Pangarap Ko Ang Ibigin Ka).

The other Best Motion Picture-Comedy or Musical nominees are: Bridal Shower (7), Kung Ako Na Lang Sana (7), Crying Ladies (2) and Ang Tanging Ina (2).
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]/[email protected]

AKO

ALBERT MARTINEZ

BEST

BEST MOTION PICTURE-COMEDY

COMEDY

MANO PO

PANGARAP KO ANG IBIGIN KA

RUFA MAE QUINTO

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with