^

PSN Showbiz

Sexy actress at bf nagkulong sa kwarto sa HK

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Panay pa rin ang denial ng sikat na seksing aktres na ito tungkol sa kanyang boyfriend na isa ring sikat na aktor.

Pero ayon sa isang source, nakatabi ng kanyang kwarto ang kwarto ng mag-boyfriend ng isang pamosong hotel sa Hongkong noong Holy Week. Pero kaiba ang ginawa ng dalawa dahil ni hindi sila lumalabas ng kwarto. Parang honeymooners di ba? Samantalang ang source ko ay walang ginawa kundi mamasyal nang mamasyal kasama ang mga alaga.

Naging kontrobersyal din ang lovelife ng dalawa dahil sa balitang kinukwartahan ng aktor ang sikat na sexy actress.

Nawala Ang Mga Bituin Sa Famas! Kapuna-puna sa 52nd FAMAS Annual Awards na sa kabila ng paghahandang ginawa ng pamunuan ng FAMAS sa pangunguna ni Atty. Art Padua ay hindi pa rin nakadalo ang malalaking bituin natin partikular na ang mga nominado sa best supporting actor at actress, best actor, best actress at director. Nakakalungkot isipin na halos lahat ng winners sa iba’t ibang kategorya ay wala rin para personal na tanggapin ang kanilang award.

Nag-uusap nga ang ilang FAMAS officers dahil mag-aalis nuebe na ng gabi ay wala pa ang ibang nominado para sa best actress. Naroon lang si Aiai delas Alas na tumayong host. Mabuti na lang at dumating si Ara Mina pero wala sina Lorna Tolentino, Maricel Soriano at Sharon Cuneta na naiintindihan natin ang kalagayan dahil nagdadalantao.

Sa best actor category ay naroon lang si Jay Manalo.

Tatlo lang ang dumalo sa mga nominadong direktor gaya nina Gil Portes, Mark Meily at Direk Maryo J. delos Reyes. Dalawa lang ang present sa best supporting actress nominees– sina Celia Rodriguez at Aiza Marquez. Isa lang ang dumalo among the nominees for best supporting actor, si Victor Neri.

Famas Sidelights: Nagsimula ang Awards Night ng 7:45PM. Walang makikitang fans na nagkakagulo at maiingay.

Namayani ang mga matitingkad na kulay na fuschia, apple green at ilan lang ang nagsuot ng itim na karaniwang isinusuot noong mga nakaraang awards night. Apat na beses nagpalit ng gown ang isa sa hosts na si Aiai delas Alas. Nagbibiro ito lagi during intermission na ikinatutuwa ng audience gaya ng "Madam (Imelda Marcos) ang ganda ko pero talo ako sa inyo."

Bago dumating ang pagtanggap ng German Moreno Youth Achievement Award na iginawad kina Heart Evangelista at Richard Gutierrez ay nagpaalala si Kuya Germs (during din sa intermission break) na mahalaga ang palakpak sa mga artista. "Sana naman ay matuto tayong pumalakpak," aniya.

Ang ganda pa rin ni Gloria Romero na dumating na naka-gold na gown kasama ang anak na si Maritess Gutierrez. Inihandog nito ang kanyang Lifetime Achievement Award sa kaisa-isang anak at apo. May nagtanong tuloy kung bakit hindi niya rin inalay ang award sa kanyang asawa.

Sa kabuuan ay tagumpay naman ang idinaos na FAMAS Night at deserving lahat ang mga nanalong artista.

Pangarap Maging Pulitiko Nakausap namin si Jay Manalo sa FAMAS Night at sinabing hindi siya nakakatiyak kung mananalo siya nang gabing yon.

Tuluy-tuloy na ang pagpasok nito sa pulitika at balitang malakas ang kandidatura bilang konsehal sa 2nd district sa Tondo.

Inamin nito na bata pa ay malapit na siya sa masa dahil galing din siya sa hirap kaya gusto ring makatulong sa mga kapuspalad lalo na sa mga kabataan.

Habang nangangampanya, nagsusyuting pa sila ni Kris Aquino ng Feng Shui kaya lagare ito.

AIAI

AIZA MARQUEZ

ANNUAL AWARDS

ARA MINA

ART PADUA

AWARDS NIGHT

BEST

JAY MANALO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with