^

PSN Showbiz

Streetboys, humahataw sa Klownz

-
Tapos na ang Holy Week, kaya’t muli na namang hahataw ang Klownz Araneta sa pagbibigay ng bagong gimik sa kanilang mga masusugid na parokyano! Ang kanilang unang pangsabak ay ang Fresh ng Streetboys! na nagsimula kahapon, April 18, 2004.

Walang tigil ang request ng kanilang mga fans para ibalik ang Streetboys sa Klownz Araneta kaya’t kahit napakaraming raket ngayon ng grupo, hindi sila makatanggi na mag-show muli sa Klownz.

Super busy talaga ang grupo, mayroon silang Eat Bulaga tuwing Huwebes at me ASAP naman tuwing linggo. Idagdag mo pa diyan ang kanilang walang tigil na guestings sa iba’t ibang parte ng bansa at raket sa mga kampanya at fiestas.

Ang mga original Streetboys na galing pa sa Miss Saigon na sila Meynard Marcellano, Jhong Hilario, Nicko Manalo at Sherwin Raux ay sasama rin sa hatawan nila Vhong Navarro, Spencer Reyes, Chris Cruz, Danilo Barrios, Jonathan Granaderos na humahataw sa Fresh.

Ilan sa mga Fresh production numbers ng Streetboys ay ang kanilang version ng "Chicago" at "Full Monty"! Kikiligin ang lahat sa "Full Monty" number ng grupo dahil medyo sexy ang dating nila.

CHRIS CRUZ

DANILO BARRIOS

EAT BULAGA

FULL MONTY

HOLY WEEK

JHONG HILARIO

JONATHAN GRANADEROS

KLOWNZ ARANETA

MEYNARD MARCELLANO

STREETBOYS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with