^

PSN Showbiz

Famas night kulang sa ningning/Aiai tinalo ni Ara

-
Wala nang gaanong excitement ang ginanap na 52nd awards night ng FAMAS noong Sabado ng gabi.

Kakaunti ang nakakaalam na may awards night pala last Saturday dahil walang publicity.

Kaya naman, maraming absent sa minor awardees. Mukhang wala rin ang mga nominees. At mismong mga presentors na rin ang naga-accept ng award.

Wala ring big stars na mako-consider, pati mga presentors ay mga TV personality rin - as in kulang sa ningning.

Hindi ko sure kong anong category ang ibinigay nila kay former first lady Imelda Marcos dahil pinanood niya ang buong show.

Nandoon din si MMDA Chairman Bayani Fernando na naging presentor.

Pero dahil nga sa tagal ng awarding ceremony na inabot yata ng hanggang alas-2:30 ng umaga, nakatulugan ko nang panoorin.

Basta ang narinig ko na lang, si Ara Mina ang nanalong best actress para sa pelikula niyang Ang Huling Birhen Sa Lupa. Malakas niyang nakalaban sa nasabing category si AiAi delas Alas na main host nang gabing ‘yun. Actually, hoping si AiAi from the start na mananalo siya dahil nag-dialogue siya: "Malay n’yo ako ang makapag-uwi ng trophy na ‘yan."

Pero sad to say, nakuha ni Ara Mina ang tropheo na naging very open noong last year sa pagbatikos sa FAMAS dahil si Aleck Bovick ang nanalong best actress noon na nakalaban niya para sa pelikulang Tampisaw.

In fact, nagbigay pa no’n ng statement si Ara, pero ngayong nanalo siya malamang na nabago na ang pagkilala niya sa credibility ng FAMAS.

Siguradong disappointed si AiAi sa nangyari.

Umiiyak si Ara na tinanggap ang kanyang third best actress trophy.

Si Jay Manalo naman ang nanalong best actor para sa pelikulang Bayaran. "Maraming salamat dahil hindi man ako nakakapagsalita sa pelikulang ‘yun, babawi naman ako ngayon," sabi niya sa kanyang acceptance speech.

Si Celia Rodriguez ang nanalong best supporting actress sa pelikulang Magnifico na nanalo namang best picture. Si Isabelle de Leon ang best child actress samantalang si Jiro Manio naman ang best child actor para pa rin sa nasabing pelikula.

Si Mark Gil ang nanalong best supporting actor pero wala siya para tanggapin ang trophy.

Maging sa mga host, maraming pintas ang mga nanood.

"Hindi pa sila (referring kina Chynna Ortaleza, Mikel Campos and Tanya Garcia) puwede sa mga ganyang awards night," comment ng isang observer.

Wala kasi silang introduction na hindi sila nag-buckle.

Kahit ang mga dance numbers ay hindi masyadong impressive.

Nakaagaw naman daw ng eksena sa Irwin Shaw Theater sa Ateneo University si Juliana Palermo na bakat na bakat daw ang nipple sa suot na gown. Nilagyan lang daw ito ni Juliana ng glitters na hindi pa rin naitago.

At any rate, dapat na sigurong mag-isip ngayon ang FAMAS kung bakit hindi sila sinisipot ng artistang supposedly ay kinikilala nila. (Salve V. Asis)

ALECK BOVICK

ANG HULING BIRHEN

ARA MINA

ATENEO UNIVERSITY

BAYANI FERNANDO

BEST

CELIA RODRIGUEZ

CHYNNA ORTALEZA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with