Winston Concert Series, nagiging venue sa mga musikong Pinoy!
April 18, 2004 | 12:00am
Napalapit sa aking office ang venue ng Winston in Concert series last Wednesday. Doon ginawa sa Ratsky-Tomas Morato ang show ng Parokya ni Edgar that night. Pagdating namin doon, halos mapuno na ang Ratsky.
Sandali pa lamang kaming nakaupo at di pa dumating ang order namin, capacity crowd na ang venue. Enjoy naman kami sa set ng Livewire Band, na tumugtog bago ang palabas ng Parokya.
Bago umakyat sa stage ang Parokya, nagkaroon pa ng mga games kung saan nagbigay ng mga premyo ang Winston. Sa portion na ito, na-display ang kanilang mga sexy promo girls. Magiging kwela pa ang kanilang mga palaro, kung talagang bibigyan nila ng sapat na exposure ang magagandang chicks na ito.
Karamihan kasi ng mga nanonood ng Winston concert series, mga cats. Pawang mga yuppies na talagang attracted sa magagandang chicks.
First number pa lang ng Parokya, "Mr. Suave" na. It provided the jovial mood sa Ratsky that evening. Sa live version nito, maraming mga nakakatawang linya at adlib na sinisingit si Chito Miranda.
Hinahanap namin si Vince na isa sa mga lead vocalist ng banda. Absent pala siya. Kaya naman sa kantang "The Yes Yes Show" ang vocalist ng bandang Kamikaze na si Jay Contreras ang ka-duet ni Chito.
Nakakatawa talaga ang kakulitan ni Jay sa stage kayat medyo nasapawan niya si Chito. Buti na lang, dalawang kanta lang siya kasama.
In fairness naman sa Parokya at kay Chito, pawang mga well-applauded ang lahat ng kanilang mga kinanta. Nasiyahan talaga ang lahat ng nanood sa mga kantang "Harana," "Buloy," "Silvertoes," "Halaga," at "This Guys In Love With You, Pare".
Merong mga nagulat nang kantahin ni Chito ang "Wonderful Tonight" ni Eric Clapton. Ang iba, na-shocked dahil ang binanatan niyang sumunod ay ang "Crazy For You" ni Madonna.
Talagang sa tuwing napapanood ko ng live ang Parokya ni Edgar, enjoy na enjoy sila sa pagtugtog. Parang naglalaro lang lahat sila sa stage.
Walang pressure o tension na mararamdaman, kayat super-gaan at feel good ang dating ng musikang Parokya sa kanilang audience. Kahit na nga seryosong love song na ang kinakanta o medyo serious ang tema, hindi pa rin mabigat sa dibdib ang dating ng Parokya.
Bago kantahin ni Chito ang "Dont Touch My Birdie," sinulat daw niya ito for the conservation of the Philippine eagle sa Davao! Tipong mga ganito ka-witty ang mga spiels ni Chito all throughout the show, kayat we didnt mind kung magsalita man siya nang magsalita bago kumanta.
Malaki ang pasasalamat ng mga bandang tulad ng Parokya ni Edgar sa Winston concert series. Nagiging venue kasi ito sa mga musikong Pinoy na marinig ang kanilang musika ng higit na maraming tao sa buong bansa.
Noong Biyernes, ang First Circle naman ang featured artists ng Winston sa Dream Bar.
Last Saturday, topbilled naman ng Winston ang Rage Band sa R&B sa Tarlac.
Bakit kaya si TJ Manotoc ang nasa kalye noong Biyernes ng umaga para sa traffic update ng Unang Hirit ng GMA?
Na-miss ko tuloy si Love Añover. Baka naman busy sa taping ng kanyang sariling show na Lovely Day ang very dynamic lady broadcaster.
Nagtaka rin ako dahil ang balita, lumipat na sa ABS-CBN si TJ Manotoc. Nagtanong naman ako sa GMA, sinabi sa akin na ang pinirmahang contract ni TJ sa GMA ay sa November pa matatapos.
Ang suspetsa ko, inobliga siyang tapusin muna niya ang kontrata bago siya magba-boo sa station na nag-build up sa kanya.
Ewan ko lang kung wise career move ito para kay TJ. Baka matulad siya kay Ryan Agoncillo na galing din sa pang-umagang show ng Channel 7. Biglang lipat sa kabila nang nagka-pangalan. Ang ending, naging host ng cooking show si Ryan, hindi pa sa Channel 2, sa mga istasyon na piling-pili lang ang viewership.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended