^

PSN Showbiz

Regine ipinaubaya na ng ama kay Ogie!/Maricel gustong magpa-tummy tuck

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Iniiyakan na pala ni Regine Velasquez si Ogie Alcasid. Ang rason: gusto na raw kasi ni Regine na i-flaunt ang relasyon nila ng singer/actor na hindi pa nga nila puwedeng aminin.

Ayon sa source ng Baby Talk, open na si Regine sa mga friends niya kaya gusto na rin niyang mag-open sa public although alam daw niya ang magiging effect nito sa career niya.

Alam na rin daw ng family ni Regine ang tungkol sa kanila ni Ogie kaya hindi na nito kasa-kasama ang amang si Mang Gerry sa mga lakad niya sa abroad particular na sa on-going tour ngayon nina Regine and Ogie sa States. Samantalang dati naman daw, kahit saan pumunta si Regine, andoon din si Mang Gerry.

Pero may sumagot namang kasama ni Regine ang sister at manager niya ngayong si Cacai: "Eh ano namang pakialam ni Cacai eh sunod-sunuran lang naman siya kay Regine dahil si Regine lang ang tumutulong sa kanilang mag-asawa," sagot agad ng isang mataray na talent manager.

Actually, matagal na ang kuwentong ito kaya lang consistent ang denial ng dalawa. Pero ngayon, mukhang wala na silang choice.

Nakikita na raw kasi silang nagki-kissing sa backstage ng SOP.
* * *
Feel ng diamond star na si Maricel Soriano na magpa-tummy tuck at mag-lipo ng arms. Kaya lang, wala pa siyang time at kailangan niya pang magpaalam sa kanyang manager. "Gusto ko kasing mag-sleeveless."

Hindi na raw kasi madadala sa exercise ang fat niya ngayon.

Contrary ito sa mga reaction ng iba na nagpa-touch na siya sa mga doctor. "Kung nagpa-botox ako, sana hindi ko na nagagalaw ang noo ko. Hindi ‘yun puwede dahil umaarte kami, paano na lang ako makaka-emote kung nagpa-botox ako," she said.

Anyway, binata na ang anak ni Maricel na si Maron, 17 years old na at kasalukuyang nang namumuhay ng solo sa North Carolina kung saan nag-aaral sa Oakrage Military School. "Slang nang magsalita ang anak ko ngayon. Pag nag-uusap nga kami, ayokong magsalita ng English dahil baka magkamali ako," natatawang kuwento ni Maria after the presscon of her latest movie, I Will Survive under Regal Entertainment with Judy Ann Santos, Eric Quizon, Dina Bonnevie among others.

Dahil military school ‘yun, disiplinado at maganda ang training ni Maron, sabi pa ni Maria.

Mismong si Maron ang naghanap ng nasabing school sa internet at nag-solo din itong mag-travel all the way to North Carolina. "Lahat, endorsements ang ginawa namin pagsakay sa eroplano kasi nga underage siya."

Admitted ang actress na hindi naging madali sa kanya ang decision na payagan ang anak na mag-aral sa Amerika. "Grabe, buong barangay umiiyak na, ako talagang hindi ako umiyak. Kailangang kong maging strong para makita niyang kaya ko. Kasi pag nakita niyang umiiyak ako, baka maapektuhan din siya," she recalls.

Next month, naka-schedule magbakasyon dito si Maron. School break daw kasi kaya magbabakasyon ito. Once a year lang kung umuwi ito ng Pilipinas pero six times ang school break nila (Maron).

Si Maron lang ang nag-iisang Pinoy na nag-aaral sa Oakrage Military School although may mga Fil-Am na doon na talaga ipinanganak na nag-aaral doon.

In coming third year high school si Maron at wala pa itong plano sa college. "Binigyan ko na siya ng ultimatum. Kailangang alam na niya kung saan siya mag-aaral ng college pagdating niya rito. Kung sa Florida, sa Boston o kung saan man para alam ko na kung anong gagawin ko," sabi pa ng actress.

May freedom si Maron kung anong gusto niyang kuning kurso sa kolehiyo. "Frustration ko kasi yan. Hindi ako no’n nagkaroon ng freedom sa gusto kong gawin. Ayokong ma-experience nila yung ganoon na bata pa lang ako, sinasaktan na ako ng tatay ko kaya hindi ako naka-graduate ng college. Second year high school pa lang ako noon, kailangan ko nang magtrabaho," she recalled.

Kung nakapag-aral lang sana siya, gusto niyang maging lawyer.

Kaya nga ayaw niyang mag-showbiz ang mga anak niya, si Maron and Sebastien na nag-aaral naman sa Ateneo. Pero this coming pasukan, sa ibang school na magi-enrol si Sebastien. Preparatory school daw ‘yun para sa mga mag-aaral abroad. "Saka kailangan din naming maglipat ng school dahil bagsak siya sa Tagalog at Araling Panlipunan. Ayaw na kasing magsalita ng Tagalog. Kahit kinakausap ko ng Tagalog talagang sasagutin ka niya ng English. Kahit anong gawin ko, binabakla ko na nga pero wa epek talagang gustong magsalita ng English," she averred.

"Pag pinilit ko naman, nagagalit sa akin."

Anyway, going back to Maron, once lang siya dumalaw sa North Carolina. Pero dahil proud si Maron, sinabi niya sa buong iskuwelahan niya na actress ang kanyang mom sa Philippines. "Kaya nang makita nila ako, aba mga nakatingin sa akin. Sabi ko nga sa anak ko, "bakit mo naman sinabi, aba, mga kulay blue ang mga nakatingin sa akin." Sabay tawang kuwento ni Maricel.

At dahil sa abroad nag-aaral ang anak, dollar ang allowance na pinadadala niya. "Everyday talagang tinitingnan ko kung magkano ang exchange rate.

"Saka bawal akong gumastos. Para sa kanila lahat nang ito (referring sa kanyang ginagawang trabaho) para sa kanilang future.

"As long as nagi-enjoy sila, nagi-enjoy din ako."

Hindi na taray image ang pino-project ni Maricel ngayon. Feeling niya kasi napagod na siyang magtaray. "Mas gusto ko na ngayong tumawa. Actually, may time pa rin namang nagagalit ako, pero hindi na talaga ‘yung may kasamang taray," she admitted.

Very religious na rin si Maricel. As in everyday nagbabasa siya ng Bible na nag-start three years ago pa. "Mapi-feel mo ang calling eh."

AKO

KUNG

LANG

MARICEL

MARON

NIYA

SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with