Rose Valencia,itutuloy ang pagdemanda sa tabloid
April 17, 2004 | 12:00am
Magsasampa ng demanda ang sexy star na si Rose Valencia laban sa isang tabloid dahil sa pagkaka-publish nito ng kanyang picture na masyadong daring na kinuha sa isang coffee table book. Yong libro ang siyang nag-pictorial nun at pinahintulutan nilang ilabas dahil may kontrata nga sila eh, pero ang ilabas yon ng isang tabloid nang walang pahintulot ang publisher ng libro, yon ang hindi niya nagustuhan.
Hindi rin naman daw masasabing nagbigay pahintulot ang book publisher, dahil kung ganoon ay may violation naman yon ng kanilang contract na nagsasabing exclusive ang mga photos nila sa coffee table book, hindi sa mga tabloids. Bagay ang mga kuha para sa isang coffee table book, pero too daring para sa tabloid.
Ang reklamo pa ni Rose, naapektuhan daw ang kanyang pamilya dahil sa lumabas sa tabloid. Isipin mo nga naman iyong nakabuyangyang ang pictures mo sa gitna ng kalye. Kung coffee table book yon, una prohibitive ang presyo kaya hindi mabibili ng kahit na sino, at saka hindi naman mabubulatlat yon ng hindi bibili. Eh yang tabloid, nakalatag na nga naman yan sa kalye kaya ano pa ang itinago mo?
May nagsasabi na baka raw gumagawa lang siya ng gimmick dahil showing na ang pelikula niyang Check Inn, pero ang sabi nga ni Rose, may pelikula man daw siya o wala ay talagang magdidemanda siya.
Tingnan natin kung ano ang kalalabasan ng kasong yan. Isa yang magandang test case sa mga bold na tabloid na ang laging katwiran ay freedom of the press.
Natawa kami sa isang kwentong narinig namin. Nabasa raw nila sa isang tabloid na gusto na ring mag-bold ni Judy Ann Santos. Pero syempre biro lang naman yon. Tingnan nga ninyo si Juday kung puwedeng mag-bold?
Sa totoo lang, pangit kung magbu-bold si Juday. Hindi niya makukumbinsi ang mga manonood dahil nakilala siya sa isang malinis na image. Kahit na nga siguro maghubad siya, ang nakatanim pa rin sa isip ng mga manonood ay ang kanyang image na nagda-drama. Kaya yong mga artistang gaya ni Juday, di puwedeng mag-bold yan. Ganoon din naman, ang isang artistang nagbilad na ng kanyang katawan sa pelikula ay hindi na matatanggap bilang isang wholesome star.
Puwede ang mga bold stars na kontrabida na lang, pero iyong sabihin mong magpapa-clean image, nagpapatawa ka.
Ibang klase rin ang drama ng isang showbiz gay. Pati raw yong masahista sa massage parlor ng mga bading ay binigyan ng ilusyon na maaari siyang pumasok sa showbusiness. Dinala raw yon sa isang TV network, at mukhang makakalusot naman. Wala namang masama kung gusto nung bata na magbagong buhay na, kaya nga lang alam naman ninyo ang mga tsismis. Oras na maging artista na yan at sumikat na, tiyak na maglilitawan ang mga baklang naging customer niya noong panahong siya ay isang masahista pa lamang.
Hindi rin naman daw masasabing nagbigay pahintulot ang book publisher, dahil kung ganoon ay may violation naman yon ng kanilang contract na nagsasabing exclusive ang mga photos nila sa coffee table book, hindi sa mga tabloids. Bagay ang mga kuha para sa isang coffee table book, pero too daring para sa tabloid.
Ang reklamo pa ni Rose, naapektuhan daw ang kanyang pamilya dahil sa lumabas sa tabloid. Isipin mo nga naman iyong nakabuyangyang ang pictures mo sa gitna ng kalye. Kung coffee table book yon, una prohibitive ang presyo kaya hindi mabibili ng kahit na sino, at saka hindi naman mabubulatlat yon ng hindi bibili. Eh yang tabloid, nakalatag na nga naman yan sa kalye kaya ano pa ang itinago mo?
May nagsasabi na baka raw gumagawa lang siya ng gimmick dahil showing na ang pelikula niyang Check Inn, pero ang sabi nga ni Rose, may pelikula man daw siya o wala ay talagang magdidemanda siya.
Tingnan natin kung ano ang kalalabasan ng kasong yan. Isa yang magandang test case sa mga bold na tabloid na ang laging katwiran ay freedom of the press.
Sa totoo lang, pangit kung magbu-bold si Juday. Hindi niya makukumbinsi ang mga manonood dahil nakilala siya sa isang malinis na image. Kahit na nga siguro maghubad siya, ang nakatanim pa rin sa isip ng mga manonood ay ang kanyang image na nagda-drama. Kaya yong mga artistang gaya ni Juday, di puwedeng mag-bold yan. Ganoon din naman, ang isang artistang nagbilad na ng kanyang katawan sa pelikula ay hindi na matatanggap bilang isang wholesome star.
Puwede ang mga bold stars na kontrabida na lang, pero iyong sabihin mong magpapa-clean image, nagpapatawa ka.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended