Arnell muntik nang mamatay dahil sa liposuction
April 15, 2004 | 12:00am
Im sure nagsisisi na ngayon si Arnell Ignacio na sa kagustuhan na maging maganda sa screen kapag naghu-host ng kanyang mga palabas sa TV ay sumailalim sa isang liposuction procedure sa isang klinika na puntahan ng mga celebrities.
Hindi ang sikat na dermatologist ang personal na nag-asikaso sa kanya kundi isa sa mga doktor nito. In the process, nagkaroon yata ng error sa ginagawa kay Arnell na naglagay sa kanyang buhay sa bingit ng kamatayan.
Hindi bakas sa mukha ni Jolo Revilla ang pangyayaring nakasabay ng birthday ng kanyang ina na si Lani Mercado ang paghihiwalay nila ng kanyang girlfriend na anak ni Rosanna Roces. Pumunta pa siya ng bahay nito para dalhan ito ng mga pasalubong mula sa Cebu na kung saan ay nag-Holy Week silang buong pamilya.
It was a mutual decision, ayon na rin kay Jolo pero hindi na ito nagbigay pa ng ibang detalye. Sapat nang sabihin niya na split na sila at libre na naman siya (na manligaw ng iba?)
Iniyakan pala ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang pelikulang The Passion of the Christ na pinanood niya nung Mahal na Araw sa isa sa mga sinehan ng SM sa Baguio City.
Marahil ay na-inspire sila ng pelikula tungkol sa huling 12 oras ng Panginoon at nagtatampok kay Jim Caviezel bilang Jesus Christ kung kaya gumawa ito at ang mga retreat masters ng sarili nilang re-enactment ng Last Supper sa pamamagitan ng pagkain ng mga bitter herbs, unleavened bread, fruit at vegetables.
Binalikan ng Pangulo ang panahon nung siya ay bata pa at isang movie fan. "Wala kaming ginawa kundi manood ng sine. Tagalog lamang ang ipinalalabas nun sa sinehan kung kaya ito lamang ang pinanonood namin ng lolo ko at ng aming driver na si Romeo.
"Nung congressman pa ang ama ko (Diosdado Macapagal), madalas kami nitong dinadala ng nanay ko para manood ng sine sa Times Theater, double feature pa ang mga sine nun.
"Lumaki ako na nalalaman ang kahalagahan ng sine sa ordinaryong Pilipino," dagdag pa ng Pangulo.
Kapag libre siya, nanonood sila ng kanyang anak na si Luli ng sine sa mga malls, o kaya nag-a-attend siya ng preview sa Viva.
Hindi lamang ang buong bayan ang natuwa sa pagkakaroon ng bagong show ni Love Añover sa TV na pinamagatang Lovely Day, Sabado, 10:00 NU, GMA kundi lalo na ang kanyang mga kababayan sa Alang Alang, Leyte na nakita na naman siya nung Mahal na Araw, nang bisitahin niya ang kanyang pamilya, ang kanyang mga magulang at dalawang kapatid na dun na naninirahan, sa bagong bahay na kanyang ipinatayo dun.
"Buo na ang bahay, bibili na lang ako ng mga bagong gamit," imporma na may pagmamalaki ni Love na sa kasalukuyan ay nakikipanirahan pa sa kanyang isang lolo sa may Proj. 2, QC. Mula nang gumanda ang kita ni Love ay nag-offer na itong magbayad para sa kanyang board and lodging pero hindi ito tinanggap ng kanyang kamag-anak.
Magagandang balita lamang ang mapapanood sa Lovely Day, mga kwento ng mga ordinaryong tao na pwedeng mapagkunan ng inspirasyon. Sa darating na episode, ipakikilala sa inyo si Milo Flores, isang taong nakapagpagawa ng isang mansyon dahil sa kanyang pagbibenta ng squidballs, fishballs at kikiam.
Kasama rin ni Love sa show ang StarStruck Avenger na si Christian Esteban, sa "Ganda ng Pinas" segment.
Bagaman at kasisimula pa lamang ng Lovely Day, marami na ang nagsasabi na may potential maging isang mahusay na host si Christian Esteban.
Isang balikbayan si Christian na nag-audition sa StarStruck at pinalad na makasama sa 14 finalists. Umuwi ito ng Pinas at sinamahan ng kanyang ina na nagmeme-ari ng isang palengke sa Pasadena, California. Iniwan nito ang kanilang negosyo sa ama ni Christian na nagtatrabaho sa JPL, isang parang NASA.
Excited si Christian sa Lovely Day dahil makakapunta ito ng buong Pilipinas nang walang gastos. Daranak Falls pa lamang sa Tanay ay nagbigay na rito ng ibayong excitement, lalo na nang sumakay ito ng jeep at tricycle.
Among the StarStruck Avengers, in love si Christian kay Jade Lopez pero hindi niya alam kung reciprocated ang feelings niya. Sila ang ginawang magka-loveteam ng GMA bagaman at gusto pa niyang mas lumalim ang kanilang relasyon.
Isang MassCom student sa University of Baguio si Christian at ang hindi niya malilimutang bahagi ng kanyang buhay ay ang hindi pagtanggap sa kanya ng Click para maging bahagi ng cast nito.
Hindi ang sikat na dermatologist ang personal na nag-asikaso sa kanya kundi isa sa mga doktor nito. In the process, nagkaroon yata ng error sa ginagawa kay Arnell na naglagay sa kanyang buhay sa bingit ng kamatayan.
It was a mutual decision, ayon na rin kay Jolo pero hindi na ito nagbigay pa ng ibang detalye. Sapat nang sabihin niya na split na sila at libre na naman siya (na manligaw ng iba?)
Marahil ay na-inspire sila ng pelikula tungkol sa huling 12 oras ng Panginoon at nagtatampok kay Jim Caviezel bilang Jesus Christ kung kaya gumawa ito at ang mga retreat masters ng sarili nilang re-enactment ng Last Supper sa pamamagitan ng pagkain ng mga bitter herbs, unleavened bread, fruit at vegetables.
Binalikan ng Pangulo ang panahon nung siya ay bata pa at isang movie fan. "Wala kaming ginawa kundi manood ng sine. Tagalog lamang ang ipinalalabas nun sa sinehan kung kaya ito lamang ang pinanonood namin ng lolo ko at ng aming driver na si Romeo.
"Nung congressman pa ang ama ko (Diosdado Macapagal), madalas kami nitong dinadala ng nanay ko para manood ng sine sa Times Theater, double feature pa ang mga sine nun.
"Lumaki ako na nalalaman ang kahalagahan ng sine sa ordinaryong Pilipino," dagdag pa ng Pangulo.
Kapag libre siya, nanonood sila ng kanyang anak na si Luli ng sine sa mga malls, o kaya nag-a-attend siya ng preview sa Viva.
"Buo na ang bahay, bibili na lang ako ng mga bagong gamit," imporma na may pagmamalaki ni Love na sa kasalukuyan ay nakikipanirahan pa sa kanyang isang lolo sa may Proj. 2, QC. Mula nang gumanda ang kita ni Love ay nag-offer na itong magbayad para sa kanyang board and lodging pero hindi ito tinanggap ng kanyang kamag-anak.
Magagandang balita lamang ang mapapanood sa Lovely Day, mga kwento ng mga ordinaryong tao na pwedeng mapagkunan ng inspirasyon. Sa darating na episode, ipakikilala sa inyo si Milo Flores, isang taong nakapagpagawa ng isang mansyon dahil sa kanyang pagbibenta ng squidballs, fishballs at kikiam.
Kasama rin ni Love sa show ang StarStruck Avenger na si Christian Esteban, sa "Ganda ng Pinas" segment.
Isang balikbayan si Christian na nag-audition sa StarStruck at pinalad na makasama sa 14 finalists. Umuwi ito ng Pinas at sinamahan ng kanyang ina na nagmeme-ari ng isang palengke sa Pasadena, California. Iniwan nito ang kanilang negosyo sa ama ni Christian na nagtatrabaho sa JPL, isang parang NASA.
Excited si Christian sa Lovely Day dahil makakapunta ito ng buong Pilipinas nang walang gastos. Daranak Falls pa lamang sa Tanay ay nagbigay na rito ng ibayong excitement, lalo na nang sumakay ito ng jeep at tricycle.
Among the StarStruck Avengers, in love si Christian kay Jade Lopez pero hindi niya alam kung reciprocated ang feelings niya. Sila ang ginawang magka-loveteam ng GMA bagaman at gusto pa niyang mas lumalim ang kanilang relasyon.
Isang MassCom student sa University of Baguio si Christian at ang hindi niya malilimutang bahagi ng kanyang buhay ay ang hindi pagtanggap sa kanya ng Click para maging bahagi ng cast nito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended