^

PSN Showbiz

Antoinette di magtatagal sa US babalik din after 2 or 3 months

- Veronica R. Samio -
Nag-react si Antoinette Taus matapos na malaman na naisulat na matagal siyang mamalagi sa US, mga limang taon. Ayon dito ay babalik siya agad makatapos ang dalawa o tatlong buwan. May maganda naman siyang career na mababalikan dito at siguro ay isang malaking factor din para agad siyang bumalik, ang pangyayaring very strong pa rin ang relationship nila ng boyfriend na si Dingdong Dantes.
*****
Ang dami kong natanggap na e-mail at text messages from friends and readers na nakabasa ng aking Easter Sunday column dito sa PSN.

Two of my friends from the US, isa si Annie Delgado ang kaagad ay naalalang tawagan ako nung Linggo na Black Saturday naman sa kanila. Mahigit nang isang taon kaming walang communications at kung di pa niya nabasa na nasa on-line na pala ang PSN as early as Saturday morning ay baka di pa kami magkakausap.

Isang dating colleague naman sa palagay ko ang e-mail sender na si Dave R, na nasa US. Sinabi niyang matagal niyang iniyakan ang aking isinulat.

Isang anonymous texter ang nagsabing she was inspired by my column.

Salamat naman at kahit papaano ay nakaka-inspire ako ng mga mambabasa at kaibigan. Gaya ng sinabi ko sa isa sa aking readers, the column was meant to inspire and not to impress. Masaya lang alalahanin na maraming leksyon akong natututunan sa buhay na naibabahagi sa aking mga readers, lalo na kay EM na nasa US din.

Sinabi niyang ang mga mag-aaral dun pagdating sa hustong gulang ay sila na ang sumusuporta sa kanilang sariling edukasyon. Pero siya, sila ng kanyang asawa, ay nagsisimula nang mag-ipon ngayon pa lamang, para sa edukasyon ng dalawa nilang anak.

Mabuhay tayong lahat!
*****
Nagpaiyak na naman si Mother Ricky Reyes sa kanyang birthday kahapon nang magdaos siya ng kanyang kaarawan sa pediatric ward ng PGH para sa mga batang may sakit na cancer.

"Nakakaiyak dahil eto ako na maraming tanong kung bakit hindi pantay-pantay ang buhay pero, eto yung mga walang isip pa na mga bata na mayroon nang dinadalang mabigat na karamdaman at malamang ay di na gumaling pero, parang mga walang sakit. Mababakas mo lamang ang kanilang dinaramdam dahilan sa may takip ang kanilang mga mukha, naglalakad silang may hila-hilang dextrose pero sa isang lobo lamang ay mayroon nang sumisilay na ngiti sa kanilang mga mata."

At mabilis silang magpasalamat sa kanilang mga tinatanggap na biyaya. Mula sa pilantropong si Mother Ricky, kasabay ang malakas na panalangin na sana’y gumaling na sila agad. O di ba nakakaiyak?

Una lamang yun sa dalawang serye ng pagpapasaya na ginawa ni Mother Ricky sa mga cancer patients.

Ang ikalawa ay ginanap nung hapon sa PCSO office na kung saan ay mayroong itinayong The Child House si Mother Ricky uli, para may matuluyan ang mga magulang ng mga batang may cancer na dinadala rito para sa mahabang gamutan.

Sa halip na mga regalo, donasyong gamot, pagkain at kung anu-ano pa ang hiniling ng salon magnate na ipagkaloob sa kanya ng kanyang pamilya, empleyado at mga kaibigan para sa mga kabataang may mabigat na karamdaman.

Gaya ni Olongapo Mayor Kate Gordon, ni presidential daughter Luli Arroyo, MMDA chairman Bayani Fernando, PCSO Chairman Honeygirl de Leon.

Mapapanood ang masaya pero makahulugang pagdiriwang sa Beauty Plus, Linggo, 11 NU-12 NT sa RPN 9.

vuukle comment

ANNIE DELGADO

ANTOINETTE TAUS

BAYANI FERNANDO

BEAUTY PLUS

BLACK SATURDAY

CHAIRMAN HONEYGIRL

CHILD HOUSE

MOTHER RICKY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with