^

PSN Showbiz

Chynna Ortaleza, nakalimutan na ni Railey

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Marami ang nagkakagusto sa loveteam nina Maxene Magalona at Jake Cuenca sa Hanggang Kailan. Marami ang tumatawag sa GMA 7 para sabihin ang pagkakagusto nila sa tambalan ng dalawa. May mga nagri-request pa nga kung pwedeng mas habaan at dagdagan ang exposure ng dalawa. May mga nagwi-wish na ring pati sa pelikula’y magtambal sina Maxene at Jake.

Sinusubaybayan ang istorya nina Maxene at Jake sa HK dahil complicated ito. Lumalabas na sila’y mag-pinsang buo at ipinagbabawal ang ganoong relasyon sa kulturang Pilipino. But of course, magkakatuluyan din sila in the end dahil hindi naman talaga sila mag-pinsan. Alam na namin ang itatakbo ng istorya pero, hindi namin isusulat at ayaw naming ma-preempt ang sumusubaybay nito.

Incidentally, ikinuwento ng manager ni Jake na si Neil de Guia na nahihirapan ang young actor sa role niya sa ipinagmamalaking seryereal nina Direktor Joey at Mark Reyes. Bukod sa pagmememorya sa kanyang script, kailangan din nitong mag-aral ng sign language dahil ‘yun ang paraan nang pakikipag-usap niya kay Nancy Castiglione na gumaganap na kanyang kapatid.
* * *
Dahil sa maraming request, may repeat ang Gary V Hits Music Museum ni Gary Valenciano. Magsisimula ang series of concerts bukas April 13 at muling mapapanood sa April 14, 26 at 27. Guests ni Gary ang anak niyang si Gabriel Valenciano, Powerplay Band, Uguy-Ugoy Band, May-Ann Casal-Soriano, Melissa Fontano at Kyla. Opening number ay si PamG at musical director si Mon Faustino.

Sa June, itutuloy naman ni Gary ang kanyang US tour. Nakakatuwang malaman sa kanyang June 11 concert sa Shrine Auditorium sa Los Angeles, California ay guest niya si Brian McKnight. Hindi ba nakakatuwang for a change ay American singer naman ang maggi-guest sa concert ng Filipino singer?
* * *
Tuluyan nang nagkalimutan sina Chynna Ortaleza at Railey Valeroso. Ayon sa isang kaibigan ni Railey, hindi na nito nababanggit si Chynna ‘di gaya noong una silang mag-break na wala itong bukambibig kundi ang ex-girlfriend at kung gaano niya ito nami-miss. Wala raw nililigawan si Railey ngayon dahil naka-focus sa kanyang career ang atensyon nito.

Sa April 15, kasama ang mga artista ng GMA 7, a-attend siya sa workshop na ibibigay ng GMA Artist Center para sa kanilang mga talent. Nag-decide na rin ang young actor na ipagpatuloy ang pag-aaral sa UP. Maluwag ang schedule ni Railey dahiil Twin Hearts na lang ang kanyang regular show at kung saan, ka-loveteam niya uli si Angel Locsin. Hinahanap ng fans ang tambalan ng dalawa’t inalis na sila sa Click.

Mag-e-enrol this semester sa UP si Railey sa pakiusap na rin ng ama na tapusin ang kanyang pag-aaral para may fall back siya ‘pag hindi na in sa showbiz. Ayaw ng parents ni Railey na napag-iiwanan siya ng mga kapatid pagdating sa pag-aaral.
* * *
Sobra ang galit ng actress na ito sa kanyang manager. Dahil hindi nito maaway ng personal ang manager, sa text niya ito inaaway. Masasamang salita ang itine-text niya sa taong nakatulong sa kanya at minsa’y may kasama pang mura. Napapaiyak na lang daw ang manager kapag nababasa ang masasamang text messages na ipinapadala ng kanyang talent.

Nangingilabot ang mga nakakabasa sa text message ng actress sa kanyang manager. Hindi nila akalaing capable itong gumamit ng masasamang salita. Mabait pa rin ang manager dahil ayaw iparating sa press ang ginagawa sa kanya ng kanyang talent para hindi masira ang image nito. Ang mga kaibigan nito ang nagagalit dahil pinababayaang awayin at murahin siya ng kanyang artista.

Tingnan natin kung hanggang kailan makakapagpigil ang manager sa pang-aaway sa kanya ng actress.
* * *
Malaki ang tsansa na muling manalo ang Abanse! Pinay sa mga party list na nagsi-seek ng congressional seat sa May elections. Maganda ang track record ng women’s party na ito. Sila ang nasa likod ng passage of three landmark laws of women kabilang ang: Anti-Trafficking in Persons Act, Solo Parents Welfare Act, and Violence Against Women and Children Act. Ang maganda pa sa kanila’y issue oriented sila at hindi personality-focused at dedicated sila sa advancement of women’s issues.

Ang mga nominees para sa Abanse! Pinay party list ay sina Remy Ignacio-Rikken, former Executive Director of the National Commission on the Role of Filipino Women; Atty. Alice Canonoy-Morada, human rights lawyer; Yasmin Busran-Lao, Muslim advocate for peace and development in Mindanao; LaRainne Abad-Sarmiento, former Barangay Captain and expert on local governance; and Karla Pulido-Constantino, Executive Director of Kalakasan, an NGO working on violence against women and womens health issues.

For more information on Abanse! Pinay, call 852-7134.

ABANSE

CENTER

DAHIL

KANYANG

PINAY

RAILEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with